Moving Forward

1.6K 58 3
                                    

Heart's POV

Tatlong buwan din akong nawala sa spotlight. Tatlong buwan din akong nagluksa sa nangyari sa akin. Tatlong buwan ko ring kinakalimutan ang pangyayaring nagdulot sa akin ng labis na kahihiyan. Hindi alam ng magulang ko ang nangyari sa akin pero isang lalaki ang sadyang tumulong at nag-alaga sa akin.

Noong una akong magising sa kuwartong hindi akin at nakita ang lalaking pamilyar sa akin, nagulat ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi nagtatalo ang isip ko sa nangyari sa akin at sa lalaking ngayon ay kasama ko sa bahay na pagmamay-ari niya.

Nanatili akong walang imik. Minsan naiiyak na lamang ako kapag naaalala ang pinagdaanan ko sa ginawang pustahan ni Jake at ng kaniyang kaibigan. Gayundin ang sex video na alam kong sila rin ang nagpakalat. Nang malaman ko iyon halos sumabog ang puso ko sa galit pero wala pa rin akong lakas ng loob na gumawa ng hakbang.

Nang lumipas ang isang buwan ay unti-unti na rin akong nagpaparamdam sa ginagawang pag-asikaso sa akin ng lalaking naging parte ng aking buhay - si Angelo. Naalala ko siya noong nag-aaral pa lang ako sa elementarya, hayskul at kolehiyo. In short magkababata talaga kami pero hindi ko siya pinagtutuunan nang pansin noon.

Kahit sabihin pa nating magkapitbahay lang kami ay hindi talaga ako nakikipagkaibigan sa kaniya noon. Pero lagi ko siyang nakakasalubong sa paaralan. Ngunit hindi ko inakalang ang lalaking ito pa pala ang lilitaw sa oras ng aking pangangailangan.

Si Angelo ay ibang-iba na sa unang Angelo na nakilala ko noon. Patpatin siya noon. Maraming taghiyawat sa mukha. Ngayon ay makinis na makinis na ang kaniyang mukha at wala ng taghiyawat. May laman na rin ang katawan niya. Batak na batak na rin ang katawan niya ng mga abs at muscles. Ang hindi lang nagbago sa kaniya ay ang makinis at maputi niyang balat. Idagdag pa ang napakabait niyang ugali.

Nang hindi ako nagsasalita ay panay ang kuwento niya sa akin ng tungkol sa akin. Kilalang-kilala nga niya ako. Isang tango at ngiti lang ang pinakawalan ko makalipas ang isang buwan na therapy ko. Salamat kay Angelo dahil may kaibigan siyang doktor na tumitingin sa akin sa kaniyang bahay. Asensado na rin siya. Bagay na ikinatuwa ko naman.

At makalipas nga ang tatlong buwan ay nagsimula na akong kausapin siya. Isang beses ay may ipinagtapat siya sa akin na ikinagulat ko. Nasa terasa ako ng kaniyang bahay noon nang dalhan niya ako ng mga prutas at kinain ko naman iyon.

"Alam mo ba, Heart. Hindi ko alam kung natatandaan mo pa ako pero matagal na kitang sinusubaybayan, binabantayan," panimula niya. Nanatili lamang akong nakikinig habang nakatingin sa labas.

"Matagal na rin kitang gusto. Noong mga panahong hindi mo ako pinapansin at kahit marami ang nagkakandarapa sa iyo, nasa malayo lang ako at nagmamasid," dugtong niya.

"Nang marami ang nanliligaw sa iyo at ni isa ay wala kang sinagot, lumakas ang loob ko na baka may pagkakataon ako sa iyo. Pero lumipas nga ang napakahabang panahon ay na-torpe ako at hindi ko nasabi ang nais kong sabihin sa iyo hanggang sa nawala ka na nga sa paningin ko," bumuntong-hininga siya.

"Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hahanapin kita kahit saan ka man magtrabaho o mapadpad. Nang makita nga kita dito sa Maynila, laking tuwa ko talaga dahil lalo kang gumanda," napangiti ako nang bahagya sa huli niyang sinabi. Pinagmamasdan ko lamang siya habang nagsasalita siya at hindi nakatingin sa akin.

"Nais kong magpakilala. Ako nga pala si Angelo Crux. At gusto kong malaman mo na matagal na kitang mahal. Matagal na akong may gusto sa iyo." pagtatapos niya at iniabot sa akin ang kaniyang kamay.

"Nakipag-shake hand ako sa kaniya at ngumiti. I'm Heart. Nice meeting you." nakangiti siya sa akin at ngumit ulit ako sa kaniya.

At sinabi ko siya sa kaniya ang lahat; ang tungkol sa kaniya, na kilala ko siya, na natatandaan ko siya, at ang pagpapasalamat sa kaniya dahil hindi niya ako pinabayaan. Nang matapos ang aming usapan ay may tumawag sa kaniya sa telepono. Nagpaalam muna siya sa akin na sagutin ang tumatawag sa kaniya. Ako naman ay kumagat sa mansanas. At habang nginunguya iyon ay napansin ko ang isang pahayagan. Binuklat ko iyon at nabasa ang isang kagulat-gulat na balita.

"Isang binatilyong nagngangalang Thor ay natagpuang patay sa isang hotel sa Cebu. Putol ang ari at nagtamo ng ilang saksak sa dibdib na siyang ikinamatay nito."

Hindi lang iyon dahil sa itaas na bahagi ng binabasa ko ay may isa pang balita.

"Apat na lalaki ang binaril at pinatay sa parking lot area ng isang building sa Makati. Napag-alamang lasing ang mga ito at walang mga bakas na nakipaglaban ang mga ito. Ang isa ay natagpuang pinatay sa likuran ng kotse niya at doon ipinasok habang ang tatlo ay sa driver's seat binaril."

Hindi ko alam na ganoon ang kasasapitan ng mga taong sumaksak sa puso ko. Hindi iyon ang gusto kong manyari sa kanila. Itinabi ko ang pahayagan sa table pero napansin ko ang isang nahulog na papel. Parte pa rin yata iyon ng diyaryo pero mukhang past dated na. Pinulot ko iyon at binasa.

"Limang lalaki ang natagpuang patay sa isang lugar sa Tagaytay. Putol-putol ang mga ari nito at tadtad din ng mga saksak sa iba't ibang parte ng katawan."

Hindi ko tinapos ang pagbabasa dahil ramdam kong may tumulo na sa aking pisngi. Hindi ko alam kung kasiyahan ba iyon dahil naipaghiganti ako o lungkot dahil sa sinapit nila. Alam kong walang kasing sama ang ginawa nila sa akin pero may takot pa rin ako sa Diyos. Minahal ko rin naman si Thor. Nasa ganoon akong eksena nang bumalik si Angelo.

Nagulat siya dahil basa ang aking pisngi. Sa halip na magsalita ay lumapit na lamang siya at niyakap ako nang mahigpit. At doon ay humagulgol na ako na parang isang batang naghahanap ng yakap ng isang mapagmahal at mapag-arugang magulang.

Tama nga ba ang nangyari sa mga taong lumapastanganan sa akin? Sa isip ko ay OO. Nararapat sa kanila iyon pero part of my brain says it was not supposed to happen so suddenly.

Sino ang pumatay sa kanila?

Sa NGALAN ng PUSO #Wattys2016Where stories live. Discover now