Ang Pumapatay

1.7K 64 13
                                    

Killer's POV

Mukhang magandang pumatay ngayong araw na ito dahil isang babae ang sinundan ko. Alam kong nahalata niya ako pero madali naman akong nakakapagtago.

At nang makarating siya sa eskinita at sa maliwanag na area ay nakita kong may kumuha sa kaniya.

Sinundan ko ang dalawang lalaking may katangkaran sa akin hanggang sa matunton ko ang isang bakanteng lote na may damuhan. At doon ay nakita ko ang babaeng hinahanap ko.

Sinuntok nila ang babae nang masampal ang isa. Hindi pa ito nakuntento at sinuntok naman sa sikmura. Nagpupumiglas pa rin ang babae. Kahit alam kong mahina na ito ay nanlaban pa siya. Kawawang babae. Mukhang oras mo na yata!

Napatawa ako nang mapakla.

Nang makita kong sisimulan na ng dalawang lalaki ang kanilang nais, dahan-dahan akong lumapit. Napansin kong panloob na lamang ang mayroon sa babae. Natanggal na rin ang butones ng suot nitong damit at tumambad ang bra nito. Makinis at maputing babae. Sayang nga lang dahil nawalan na ito ng malay.

Napansin marahil ng dalawa ang paglapit ko kaya lumingon ang isa.

"Gusto mo rin bang matikman ang pagkain namin?" Hindi ako sumagot.

"Mukhang silence means yes. Halika, samahan mo kami."

Nang ituong muli nila ang tingin sa babae, agad kong kinuha ang labahang dala ko. At sinakal ang lalaking nakaharap sa babae at nilaslas ang leeg nito. Nakatikim naman ako ng suntok sa lalaking nasa harapan ko kaya nawalan ako ng balanse.

Nang susuntukin niya ako ulit, agad kong sinipa siya sa tagiliran. Napaatras ito kaya agad akong tumayo. Isang suntok na naman sana ang matitikman ko pero nailagan ko at dali-daling itinusok sa tagiliran niya. Kitang-kita ko ang pagbulwak ng dugo. Pero matigas siya at nasipa nagawa niya akong suntukin sa panga gamit ang isa niyang kamay.

Sa galit ko ay agad ko itong tinadyakan. Inambahan ko muli ng saksak at tinamaan siya sa braso. Nang mapaupo siya sa damuhan ay pumailanlang ako at sinakal. Dahil malakas pa rin siya, sinaksak ko na siya sa dibdib. Makailang beses ko iyong itinarak. Hindi pa ako nakuntento at ginilitan ko ang kaniyang leeg. Umagos at tumilamsik ang pulang likido sa aking mukha hanggang sa tuluyan na itong malagutan nang hininga.

Napagod ako. Whew! Agad akong tumayo. Pinunasan ng aking kamay ang mukha kong duguan. Binalingan ko ang lalaking nilaslasan ko sa leeg at nakitang tirik na tirik na rin ang mata nito at kulay ube na ang balat.

Tiningnan ko naman ang babaeng wala pa ring malay. Maganda ang kutis ng balat. Maging ang hubog ng katawan nito. Gamit ang suot kong leather jacket ay tinakpan ko ang kabuuan niya at binuhat siya at dinala sa malapit na ospital.

Hindi ako pumasok sa ospital. Sa halip ay hinayaan kong ang isang nars na lalaki sa labas ang magdala sa babae papasok sa loob upang magamot.

Ngayon ay kailangan kong umuwi. Marami pa akong target na mga rapist. Kaya magpapahinga muna ako. Ito ang una kong nagawa. Nakakapagod pala. Pero masarap ang pumatay.

Sa NGALAN ng PUSO #Wattys2016Where stories live. Discover now