Someone's POV
Matagal kitang hinahanap, Heart. Dito lang pala kitang matatagpuan.
Kaytagal na panahon na simula nang ako'y iyong iwanan. At sa loob ng mahabang panahong iyon ay hindi mo kailanman ako pinansin. Pinagbigyan kitang makapagtapos ka sa iyong pag-aaral at maabot paunti-unti ang iyong pangarap.
Alam mo bang matagal na kitang sinusundan. At hindi ko akalaing sa isang estranghero ay lalambot ang iyong puso. Pagmamasdan lamang kita sa malayo, Heart. Sa oras na saktan ka ng lalaking gusto mo ngayon, saka na ako lilitaw at magpapakilala.
Sa ngayon ay hahayaan muna kitang namnamin ang tamis ng unang tibok ng iyong puso na noon ay naranasan ko rin dahil umibig ako sa iyo. Hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang laman nito.
Dalangin ko palaging nasa mabuti kang kalagayan. Hinding-hindi ako magsasawang subaybayan ka upang protektahan. Hanggang tanaw na lamang muna ako sa ngayon, Heart.
Mag-iingat ka palagi.
![](https://img.wattpad.com/cover/82186963-288-k706048.jpg)
YOU ARE READING
Sa NGALAN ng PUSO #Wattys2016
HorrorIbinigay niya ang lahat dahil mahal niya siya. Subalit, pinaglaruan lang pala siya ng taong inibig niya. Kaya, maghihiganti siya at ang kabayaran ay ang pagpatay at pagkuha ng puso ng mga taong iibig sa minamahal niya. Hanggang saan ang kaniyang pag...