26th Incident: File Case ファイルケース

Start from the beginning
                                    

この日は、23:57事件に関連している。

あなたが何かを知っている場合は、私に連絡して!

January 27, 2011.

This date is related to 23:57.

If you know something, please contact me!

Tama, Nabasa ko yung blogpost na yun noon. Pero...

"How did you know my name and my number?"

"I contacted your company. I also traced your blog and it traced me to your phone network credentials." Sagot ng babae sa kabilang linya.

"What?! Are you some sort of a hacker?!"

"I probably am." She followed up. I don't know if she's teasing or being serious. "I will be waiting tonight around 6PM in Private I Café Shibuya."

"Wait!! Why can't we meet now?" medyo tumaas na ang boses ko rito.

She hanged the phone.

I hate this day. Ibinalik ko ang phone ko sa bag ko na nasa sofa ng living room. Nadaanan ko ang kwarto nila mamat at papa na bukas ang pinto. At nakita ko ang cabinet na nasa panaginip ko kanina.

Something within me is telling me to go there and open the cabinet.

Lumapit ako na para bang inaakit ako ng mystery ng cabinet na 'yon kahit na ramdam ko rin ang panganib ba nagaabang.

At nagulat akong may biglang lumabas na kamay sa cabinet. Nagulat na lang ako nang may humawak sa balikat ko mula sa likuran.

"Anong ginagawa mo? Bumalik ka na sa mesa." Si mama ay medyo naiinis akong tinawag.

May point naman siya dahil nagluto siya. I'm sorry for that. Habang kumakain, nagkaroon na naman ng awkwardness. No one is really talking.

"Sinong tumawag?" Tanong ni Rio sa akin. Siya ang bumasag sa katihimikan ng hapag kainan.

"Hindi ko kilala." Hindi ko rin alam kung paano pa dudugtungan ang sagot k okay Rio. Pero sinundan ko na lang ng bagay na dapat na malaman ng lahat. "May alam siya sa 23:57 curse."

"What?!" sagot ni Ayako na medyo tumaas ang boses niya sa gulat. Napatingin kaming lahat sa kanya. At dahil doon, nag sorry si Ayako sa pagtaas ng boses niys.

"Enough of that. Let's eat first. We are in front of food." Singit ni mama. I think she is uncomfortable about the topic. At tumahimik na namang muli ang mesa.

Dad isn't speaking. Nakasuot na siya ng suit at iniinom na niya ang kape niya. Pagkatapos niya kumain, I bet aalis na siya agad para pumasok sa opisina niya. Pag naka suit ang isang engineer, ibig may client meeting. Even though he told mom earlier that he wants to stay home, mom insisted that he should work instead.

Hindi rin nagsasalita si Ayako pero dama ko na parang gusto niya akong kausapin. I want to get out of this place soon too. .

Maya maya lang ay binasag na naman ni Rio ang katahimikan.

"Mr. Kobayashi. May pasok kayo sa trabaho ngayon? " tanong ni Rio.

Tumango si Papa.

"I knew it."

Knew what?

"I knew it nakakaintindi ka ng Tagalog. Hahaha!" dagdag ni Rio. Tawang tawa a.

Papa looked at Rio. He smirked a bit. I think he was impressed with Rio's way of handling awkward situations. Well, minsan talaga epal lang.

Matapos kumain ay nauna na si Papa na lumabas. I am still not talking to him. Good thing Rio is with us. Or else, mas magiging awkward pa ang umagang ito.

23:57Where stories live. Discover now