"Introduksiyon"

3.1K 36 1
                                    


Ang mga matutunghayan po ninyo ay mga istorya na nasa kategorya ng "TrailBlazers", sa mga bagong mambabasa ito po ay iyong may mga "twist" sa istorya.

Twist- Mga hindi inaasahan na pagtatapos o pagbabago ng istorya sa hindi karaniwang pamamaraan.
Kalimitan po ay ganoon ang matutunghayan ninyo, sa ngayon po...
"August 30, 2016" nasa ganun po na tema ang mga istorya na nakapaloob dito, ngunit "maari" po na may mabago o madagdag na mga bagong istorya sa hinaharap na hindi "Trailblazer".

Mayroon din po na pabula (fable), at iba pang uri ng maiigsi'ng istorya- ang ihahatid ng librong ito, nawa'y inyo pong maibigan.

Disclaimer: Ang ibang mga larawan (pictures) po na nakalakip sa mga istorya sa loob ng libro (e-book) na ito (sa kasalukuyang panahon) po ay hindi sa akin.
(ALL credit belongs to the owner of some of the photos inside).

Subalit maaring mabago o baguhin ko po sa paglipas ng panahon ang mga larawan na ito.

Dagdag: Kalimitan po sa mga istorya o parte ng libro na ito ay aayusin ko pa po (I will edit/revise most of them po), kaya sana po ay inyo pong tangkilikin pa din kahit may makita kayo na mga mali-mali (spelling, grammar, typographical errors sa ngayon) at mga kulang-kulang na linya o salita, kung may mapansin po kayo, please tell me po..

Ikalulugod ko po ang inyong mga makabuluhang pagpuna at pagtatama, anumang suhestiyon ay akin pong tinatanggap.

---»»●««---

Marami pong salamat sa inyong pagtangkilik
at
Maligayang pagbabasa po sa inyong lahat!
😍📖😘



MGA KUWENTO NI M.E.C.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon