22.

239 29 1
                                    

levi
@unruly

Hi, Iza!

hello?

May sakit ka ba ngayon?
Pero alam mo ba, bored ako ngayon.

so? porke't bored ka, gagawin
mo kong entertainer?

Wala naman akong sinabi ah.
Ikaw naman ang nagsabi niyan, gusto
mo ba?

ayoko.

May ikukwento nalang ako sayo...
Isang araw, once upon a time, one day,
one sun...

tinalog at inenglish mo lang.

Nasa food court ako nun, hinihintay ko
yung mga kaibigan ko, tutal sanay naman akong
mag hintay sa mga taong walang kasiguraduhang
darating ba.

drama mo.

Nagpunta muna ko sa isang stall
Blu Nektar yung tawag sa stall na yon. Ang kulit
kasi nung nag tatrabaho sa stall na yon e, ang galing
mag sales talk kaya bumili ako.

Tapos may isang babae din na bumibili nun,
nasa gilid lang siya at hinihintay ata yung
order niya. Nakatakip yung buhok niya sa mukha niya,
kaya di ko nakita kung anong itsura niya.

Sayang nga e, baka kasi magandang babae yon.

grabe talaga kayong mga lalaki kayo no?
basta ba magandang babae, g na g kayo.

Hindi naman ako lumapit dun sa babae,
kahit pa na magkalapit kami.

lumapit o magkalapit. iisa lang yon.
ako pa lolokohin mo.
ba't di mo nalang aminin na
mata ang tumitibok sayo?

Teka lang! Patapusin mo muna
kasi akong mag kwento.
Grabe ka masyado sakin e,
hinuhusgahan mo agad ako. 

okay, go on.

Tuloy ko nalang pala sa
susunod, baka kasi mag friendship
over kami nitong mga kaibigan ko
pag nalate ako ng dating e.

Wag kang masyadong mag-isip ng
kahit ano ah!

FollowedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang