Chapter 15: 'Da Arrangement

Start from the beginning
                                    

"Ano ba ang nangyare? Anong meron sa cellphone mo? Matututulog na nga ako tapos bigla ka nalang nag-sisipa ng pinto para lang diyan? Pwede kitang turuan na kumatok. Free lessons bukas sa school." Haaay, Elnor. Nakikipag biruan ka pa sa ganitong sitwasyon, Ba't di mo na lang tignan kung ano ang nangyayari?

"Elnor, nagsesearch ako ng experiment para sa Science class namin bukas. Eh nakita ko sa YouTube yung video na 'What will happen if you mix yougurt and mentos?'"

"Oh, eh anong problema dun?"

"Elnor, huwag mo ipaalala sa akin kung ano ang lumabas sa video! Anak ng tilapia!" hindi ko mag-gets. Nanonood siya ng experiment echos na video tapos may something na lumabas? Ano ba yun? Ba't parang nalalamig na siya sa takot?

"MULTO, Elnor! Ayoko na! Waaaah! Ayokong pumasok sa kuwarto ko nandun pa cellphone ko naka-on pa. Kitang kita yung mukha ng multo dun! Ayokong pumasok sa room ko! Elnor, help me!" Ahh now I get it. Habang nanonood siya, akala niya totoong experimental video yung napili niyang i-play pero instead na natuto siya at bigla nalang siya nataranta sa nakita niyang picture ng mumu sa cellphone niya. Hayy, ba't ba kasi may mga video na ganyan? I tried to calm him. Lumabas muna ako ng kuwarto ko and I told him to wait there. Bumaba ako then kumuha ako ng isang sachet ng Milo sa may cupboard ng kitchen. Nagtimpla ako ng hot chocolate and bumalik ako sa kuwarto. I handed him the choco drink.

"Huwag ka nang matakot. Here, medicine." I called this a medicine dahil pag may times na natatakot ako or may naiisip na nakakatakot, umiinom nalang ako ng chocolate. Minsan nga pag powder drink ay pinapapak ko nalang.

"Medicine? Eh Elnor, amoy palang alam ko na eh. Milo yan!"

"May magic spell akong nilagay diyan! Pampatanggal ng takot." sinabi ko yun kahit hindi yun totoo.

"Okay." naniwala? He drinked it. Alah! Bakit niya dineretso? In just one sip, ubos agad!Half hot and half normal temperature of water ang nilagay ko sa Milo. Pero ang init pa rin nun! Kaya ng bituka niya yun?

After drinking...

"Elnor, thanks talaga. I feel okay now."

"See, I told you." gumana din ang spell ko kahit wala naman talaga. He feels fine naman.

"Are you a fairy or something?" Eh? Anong klaseng tanong yan? Nagtimpla lang ako ng Milo! At isa pa, hindi naman totoo ang mga fairies!

"Haist! Kian. Matulog ka na nga!"

"Luhhh. Ayoko pa. Hindi pa ako naaantok!"

"Matulog ka na! Ang kulet—AH!" bigla niya akong hinagis ng unan.

"Pillow Fight!" Wah! Lakas talaga ng trip niya! Gusto ko nang matulog! But binawian ko din siya at binato ko rin siya ng unan. And then, sigeh! Hagis hagis ng unan! Kanya-kanyang palo ng unan! Sigeh!

<The next day, Meitan School Gym>

May general assembly ang mga pupils, well. Arrangement kasi ng mga groups ngayon para sa sport intramurals. Kumusta naman ako? Puyat na puyat ako ngayon dahil sa pillow fight kagabi. Ito naman si Kian, energetic pa rin. Hindi ata ito natutulog at overcharge ito ng energy. Ito na kasi yung inaabangan ni Kian na event every school year. I fall in line at nagkita kami ulit nina Angie at Allen. I told them my 2 days inside the Dela Rosa Mansion.

"Ang lakas ng loob mo, teh. Pumasok ka sa palasyo ng magagaling sa badminton!"

"Inutusan lang ako ni Mama, Allen. Pero alam niyo, ang ganda ng bahay nila pramis!"

"Bibisita kami one day, Nor."

The convo goes on. Puro Dela Rosa na ang nasa topic. Go back to the groupings. The school will be divided into four groups. Lahat ng members consists of Grades 4,5 and 6. Halo halo kami sa isang team. Kung sino ang mangigibabaw sa sport intrams ay silang maglalaro sa provincial sports meet to represent Meitan Montessori School. After a few minutes ay nag-umpisa ang groupings. Habang naghihintay, gumagawa ng paraan sila Angie at Allen para kaming tatlo ay magiging groupmates, Nagsisilipat sila ng line para makuha nila ang team na gusto nilang puntahan. Nang naayos na ang Grade 5, mission accomplished at naging magkagroup kaming tatlo.

"Friends always stays together!" yun ang slogan naming magkakaibigan. Sa group 3 kami napunta. Stays together? Guys, walang poreber! Wait, sinasabi ko ba yun dahil bitter ako? Never mind. Pagkatapos ay turn na ng mga Grade 6. Si Kian, well confident lang siya sa line niya. Siya yung pinaka-last sa linya ng mga boys. Hindi siya nagpapalit. Binilang ko by interval of four yung line pero nang nakarating na kay Kian, narealize ko na sa group 1 siya mapupunta. It means magiging magkalaban kami? NO! HWAG! Sana siya nalang ang mixed-double ko sa badminton kung maari!

Turn na ni Kian. No. Kian punta ka sa group 3 please!

"Next, Kian...." nagsalita yung teacher na nag aayos ng group. Pinapupunta na siya sa may group 1! I have to do something! Ahh!

Next Elnor's hint: Red Flag

Stay tuned!

The Way He Smashes Her HeartWhere stories live. Discover now