Chapter 5

8.4K 220 8
                                    

Lian's POV

"Stand back." Dinig kong sabi ni Lac, bigla naman akong hinila ni Sister Jane papunta sa likuran niya, as if she was trying to protect me.

"Ang kulit mo rin eh 'no?" Sabi ni Lac.

"Oh? I'm sorry Mr. Time Traveller, but I'm not interested in you anymore." Sagot ni Wallry.

So he can appear on any wall as he please? Anong klaseng mahika 'to? Because now, deep inside, 101% sure, magic is real.

"Me?" Tanong naman ni Sister Jane dahil nakatingin sakaniya si Wallry.

"No No No No. Her, that girl, bwahahaha." Napatigil ako sa sinabi niya at...

'Yung tawa niya.... ang laswa.

"Shut up blockhead. Leave her alone." Sabi naman ni Lac.

"Oh? Why? You're not related aren't you? But don't worry, I just happened to check on her, inutusan lang ako ni Madame, but how great isn't it? I happened to heard what you're talking about. Sa ngayon aalis muna ako, but I'm telling you to be aware everytime, especially you Miss Ex-Professor, kapag nakabot kay Madame na nalaman mo kung nasaan ang Pureblood, hu-huntingin ka niya. Well, I gotta go~" Mahabang sabi ni Wallry, bigla naman sinipa ni Lac ang pader pero bigla nalang nawala ang hugis mukha na sa tingin ko ay umalis na si Wallry.

"Shit! See? Ayan, marami na ang nadadamay, bahala na kayo sa buhay niyo." Galit na sabi ni Lac at dali-daling umalis.

Wait!

Kaagad naman akong humabol sakaniya, I need to ask him something.

"Lac!" Sigaw ko at tumakbo para maabutan siya, at dahil pinanganak yata siyang runner ay ang lalaki ng mga hakbang niya.

"Lac! Sandali lang!" Sigaw ko.

Hayy, ano ba 'yan, para naman kaming mag-jowa na nag-aaway.

Pa'no kasi, nadidinig naman niya ako, hindi naman tumitigil.

"Lac!" Ayan, parang nairita na ako pero nagulat ako nang tumigil siya at biglang pumihit paharap saakin kaya nagulat ako at napaatras.

Masyadong malapit.. kaya layo-layo muna ako hehehe.

"Ano bang kailangan mo? Siguraduhin mo lang na may sense 'yan ah." Sabi niya.

Ah, ang sungit naman nito, bakit sa loob ng two weeks ibang-iba siya kung ikukumpara ngayon? Ito na ba ang totoong pagkatai ni Lac?

"Ano na? Hindi ako pwedeng mag-aksaya ng oras, hindi ka naman siguro tanga para hindi maintindihan ang sitwasyon." Sabi niya kaya nagulat ako.

Grabe, tanga? Sobra naman siya.

"Shut up Lac, ito na ba? Ito na ba ang totoo mong pagkatao? Tch, so disgusting, galing mong magpanggap ah, infairness." Sabi ko.

Ah! Ano ba Lian! Ano bang sinasabi mo? Hindi naman 'yan ang dapat mong sabihin eh!

Pero.... grabe kasi siya eh...

"And so what? Kung makapagsalita ka akala mo ang dami nating pinagsamahan, eh two weeks lang 'yon, tapos...ah tama! Nakakalimutan mo na ba? Pinagmukha mo akong malalang sakit sa mga tao dito, kung makaiwas ka saakin noon akala mo ang daming virus ang nakadikit saakin. But anyway, I don't give a damn, wala na akong pakialam sa mga 'yon, so please shut up, wala kang pakialam. Ano? Wala ka na bang iba pang sasabihin?"

Para akong shock na shock sa mga sinasabi niya, tama naman siya, puro iwas lang ako sakaniya, eh ano naman kasi ngayon Lian? Ano bang pumasok diyan sa kokote mo?

Pero hindu ako magpapatalo sa kasungitan niya.

"Ah, tama, well, hayaan na nga natin 'yon. Ang gusto ko lang itanong ay ang tungkol kay Wallry, mukhang kilalang-kilala mo siya." Sabi ko.

Descendants of the Pureblood (Available on Dreame)Where stories live. Discover now