Chapter 1

22.2K 423 10
                                    

Lian's POV

"Hoy Lily! Bilisan mo nga diyan, aalis na ako. Baka ma-late pa ako sa klase."

Napalingon naman ako sa pintuan kung saan nakatayo ang pinsan kong si Yvette.

Tumango nalang ako at nagmadaling hugasan ang mga pinagkainan.

"Alam mo Lily, nagtataka ako, bakit kaya ayaw kang pag-aralin nina Mama at Papa? Siguro.... lakwatsera ka ano?" Nanunuksong sabi niya pero hindi ko nalang pinansin hanggang sa makatapos akong maghugas ng pinggan at pinunasan ko na ang mga kamay ko.

"Alam mo Yvette, kung ako sa'yo, isipin mo nalang ang mga karapat-dapat na isipin, hindi 'yung nagtatanong ka ng mga bagay na hindi mo naman dapat pinapakialaman." Sagot ko sakaniya.

Bigla naman sumama ang tingin niya pero naglakad lang ako papunta sa sala saka sa kwarto ko kaya nadaanan ko siya.

"Hmp, kahit kailan ang taray mo saakin, wala naman akong ginagawang masama sa'yo." Dinig kong sabi niya pero naiikot ko lang ang mga mata ko.

Infairness, puwede na siyang kidlatin sa mga sinabi niya.

"Ewan ko sa'yo, tara na nga." Aya ko sakaniya nang makapagpalit na ako ng damit saka ko na kinuha ang susi ng kotse.

Wala ang Tita at Tito, nasa isang bakasyon sila kaya kaming dalawa lang nitong pinsan kong si Yvette.

Nauna na akong lumabas para mailabas ko na rin ang kotse.

Ang galing ko 'no? Yaya na nga, driver pa, tapos tutor pa ako ng maldita slash sinungaling kong pinsan. Hindi ako mapagpasensyang tao kaya sinasabi ko ang saloobin ko. Hindi naman nila ako matapon-tapon kahit suwayin ko si Yvette dahil ang laki ng pakinabang nila saakin.

Hindi ako nagmamayabang, para sa pamilyang tulad nila na walang iniisip kun'di pera at hindi iniisip ang kapakanan ng ibang tao ay mas hamak na mas masahol sila kaysa saakin.

Sumakay na ako ng kotse saka ko na inilabas mula sa garahe, saka naman lumabas ng gate si Yvette.

"Isarado mo na ang gate!" Sigaw ko sakaniya mula sa bintana ng kotse, inirapan niya ako pero inilock niya din ang gate.

Ilang sandali lang ay nakasakay na siya sa backseat, talagang pinagmumukha akong driver.

Pinaandar ko na ang sasakyan saka na kami umalis. Para sabihin ko sainyo, ang yaman, ang pera at ari-arian nina Yvette at ang kumpanya na kasalukuyan nilang pinamamahalaan ngayon ay dating amin, actually SAAKIN ang LAHAT ng 'yon, hanggang ngayon.

Sadyang ganid lang sa pera, pati nga bahay saakin, pati 'tong kotseng 'to saakin, pati narin ang perang tinatanggap ng pamilya nila mula sa ibang-bansa dahil sa may share ang pamilya ko mula sa iilang kumpanya doon ay saakin din DAPAT.

They blackmailed me, at kahit gaano ako katapang kay Yvette ay takot parin ako sa Mama niya, her mother blackmailed me that she can kill me whenever she wants.

May saltik lang sa utak ang taong kayang sabihin 'yon, pero dahil sila nalang ang natitirang kamag-anak na mayroon ako ay hinayaan ko nalang.

Sa kasamaang palad, pati ang lawyer ni Papa noon ay namatay din kaya wala na akong laban. Pati pag-aaral ay ipinagkait saakin.

Pa'no ba naman, nag-enroll ako sa course na patungkol sa pagiging Lawyer, parang natakot yata sila kaya inalisan ako ng allowance, pati narin ang eskwelahang dapat na papasukan ko ay sinuhulan.

Sinira pa nila ang pangalan ko. Just how cruel can life be?

Nang nasa harapan na kami ng gate ay nagpreno na ako saka ko na tiningnan sa Front mirror si Yvette.

Descendants of the Pureblood (Available on Dreame)Where stories live. Discover now