Chapter Twenty Three: What if?

Start from the beginning
                                    

Where is that receiving room? 

Ang sabi sa akin ng pinagtanungan ko ay lumiko raw ako sa kaliwa at nasa pangatlong pintuan raw ang hinahanap ko. Pero dalawang pintuan lang ang naroroon. Baka ito na siguro ang tinutukoy nung babae.

Pinihit ko ang door knob at maingat na binuksan iyon. Napahinto akong bigla nang marinig ko ang boses ni Tito Armand, ang papa ni Jared.

"I'm excited for the merging of Monreal Architectural Firms and Alejo Contruction Corporation." 

"Finally, its the fullfilment of our family ambition." Saka ko lamang napansin na naroon din pala si Daddy.

Kumunot ang noo ko. Merging?

"I'm confident that together, by joining forces and with our combined power, we'll bring incredible impact in the market." Si Tito Armand ulit.

"I agree with you, Balae. And I"m looking to work with you." At sabay silang nagtawanan na dalawa.

"Patricia!" Napatayong bigla si Tito Armand nang makita ako. Mabilis na lumingon sa akin si Daddy. They are both looked surprised to see me.

"W-why are you here? Kanina ka pa dyan?" 

Imbes na sagutin ang tanong niya ay iba ang sinabi ko. "Hinahanap ko po sina Mommy at Tita Olivia. Nandito raw sila sa receiving room."

"Iha, nasa kabilang pintuan ang receiving room." Sagot ni Tito Armand at alanganing ngumiti. At muli silang nagkatinginan ng makahulugan ni Daddy.

"There you are!" Biglang sumulpot si Mommy. Nakasunod sa likuran nito si Tita Olivia. "Trisha, kanina ka pa namin hinihintay sa kabilang kuwarto."

"Naligaw ang anak mo, Elvira." Si Tito Armand ulit. "Akala niya ay nandito kayo."

"Hindi ba at may lakad kayo? Bakit hindi pa kayo umalis?" Pagtataboy sa amin ni Daddy. Sinubukan kong salubungin ang mga niya ngunit sadyang umiiwas siya ng tingin.

"Tama si Balae! Humayo na kayo at maiwan muna kaming dalawa rito. Marami pa kaming mahalagang pag-uusapan." Segunda naman ni Tito Armand.

"Umalis na nga tayo at pinagtatabuyan na tayo ng dalawang matanda na ito!" Ismid ni Tita Olivia at nagpatiunang lumabas. Sumunod si Mommy. At dahil hawak niya ang kamay ko ay napasunod na rin ako.

"Hey! Are you alright? Kanina ka pa walang kibo dyan?" 

Pilit akong ngumiti nang lumingon kay Jared. "I'm fine. Don't mind me." But the truth is the party makes me bored. Ayoko lang sabihin sa kanya. Alam ko naman kung gaano kahalaga sa kanya na um-attend dito. Most of the known people in business industry were here, including our fathers.

Mula sa kinaroroonan ko ay natanaw ko sina Daddy at Tito Armand na magkasama sa isang umpukan. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang mga narinig ko kanina. Walang imposible sa pagme-merge ng dalawang kumpanya. Pero kung tama ang hinala ko, malaki ang kinalaman doon ng engagement namin ni Jared. Ibig sabihin maisasakatuparan lamang ang pagme-merge kung matutuloy ang kasal naming dalawa. Kaya pala ganoon na lamang ang pagpupursige ng mga Monreal na matuloy ang engagement sa kabila ng mga nangyaring aberya.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now