BAEKHYUN's POV
9 Years Ago...
"Oh ano? Lalaban ka pa?!"-pasigaw na tanong sakin ng isang lalaking mas matangkad pa sakin sabay hila sa ulo ko pa ahon mula sa isang malaking baldeng puno ng tubig, hingal na hingal at basang basa naman akong napatingin sakanya.
Siya ang no. 1 bully sa school namin at ako naman ang no.1 bullied. Oh diba ang saya?! Yehet! Ohorat! *sabog plorwaks*
"..."
"ANO?! BAKIT AYAW MO MAGSALITA?!!"-sigaw niya sabay lublub ulit ng ulo ko sa balde, todo pilit naman ako sa pagtanggal sa kamay niya.
Inahon niya ulit ang ulo ko at ako ulit itong hingal na hingal, habol habol ang hininga.
"ANO?! AYAW MO PARING MAGSALITA HA?!"-aniya.
Umiling lang ako saka tinakpan ang ilong ko.
Masusuka ata ako.
"Ang.... Ang..."
Mas hinigpitan niya ang paghawak sa buhok ko kaya napapikit ako sa sakit. Aray ha! Litsi! Mashaket! Siya kaya sabunutan ko?!
"ANO?!"-aniya.
"Ang..."-pumikit ako saka saka huminga ng malalim tapos tumingin ulit sakanya.
"ANG BAHO NG HININGA MO GAGUE!!"-sigaw ko dahilan para i-angat ng bully ang kamay niya saka akmang sasampalin ako.
Napapikit ako ng mariin, waiting for the painful slap that would land on my pretty face anytime.
Matapos ang ilang segundong paghihintay ay wala akong naramdaman. Wala? Wala akong naramdamang sakit. Bakit?
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ang isang lalaking tobacco nalang ang kulang magmumukha ng kapre dahil sa katangkaran nito, pero GWAPO. GWAPONG KAPRE!
Nakahawak ang lalaking matangkad sa kamay na ipangsasampal sana sakin ng bully.
"Daehyun, Anong sinabi ko sayo tungkol sa pangbubully? Hmm?"-nakakatakot na tanong ng matangkad na lalaki. Ang sama ng aura niya na para siyang kakain ng tao.
Sabay kaming napalunok ng bully. Eh sa nakakatakot nga yung lalaki! Litsi!
Napangiwi sa sakit ang bully nang biglang hinigpitan ng lalaki ang hawak sa kamay ng bully dahilan para mabitiwan nito ang buhok ko.
"Sa susunod na makita kitang mananakit ng mga katulad ni Baekhyun, hindi na kamay mo ang mababali kundi leeg mo na."-nakakatakot na banta ng lalaki saka marahas na binitiwan ang kamay ng bully.
Salamat sakanya. Now I'm save pero paano niya nalaman ang magandang pangalan ko?
"Ikaw naman.."-napaigtad ako ng bigla niyang binaling ang pansin niya sakin at lumuhod para maging magka level ang mukha namin.
Napalunok ako. Isang dosenang balde ata ng laway.....
"B-Bakit?"-nanginginig kong tanong ko.
Inayos niya ang gulo gulo kong buhok saka hinawakan ang magkabilang balikat ko habang direktang nakatingin sa mga mata ko.
"Sa susunod 'wag mo na hayaang api apihin ka ng mga taong nakapaligid sayo. Matapang sila kasi alam nilang hindi ka lalaban kaya dapat lumaban ka. Don't show them that you're weak instead show them that you're stronger than the most strongest thing on earth."-seryoso niyang saad saka tumayo na at tumalikod sakin at dahan dahang naglakad palayo.
Gusto ko siyang habulin pero hindi ko kaya parang naging 'jelly' ang tuhod ko at hindi ko kayang maglakad o tumayo man lang, gusto kong tanongin kung paano niya nalaman ang pangalan ko saka gusto kong magpasalamat pero huli na...
Nawala na siya sa paningin ko...........
Hindi ko man lang siya napasalamatan at natanong kung ano ang pangalan niya.....
Ilang araw matapos ang pangyayaring 'yon ay hindi ko na siya nakita. Inisa-isa ko na nga ang lahat ng classroom sa school namin sa pag asang makikita ko siya ulit pero wala talaga. Inisip ko na baka nagtransfer siya ng skwelahan o baka nangibang bansa.
Kahit ganun hindi ako susuko sa paghahanap sakanya lalo na't gabi gabi kong napapanaginipan ang lahat ng sinabi niya. Kaloka!
"Sa susunod 'wag mo na hayaang api apihin ka ng mga taong nakapaligid sayo. Matapang sila kasi alam nilang hindi ka lalaban kaya dapat lumaban ka. Don't show them that you're weak instead show them that you're stronger than the most strongest thing on earth."
Pangako... Susundin ko lahat ng sinabi niya at sa susunod na magkita ulit kami, sisiguraduhin kong ibang BYUN BAEKHYUN na ang makikilala niya.
~~~
