Chapter 14: Bye

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hahahahaha." Tawa ni Allen sa isip ko, langyang guradian, siguro nafifeel din nya yung nafifeel kong kahihiyan ngayon.

Makalipas pa ang ilang minuto, tumigil na rin etong Pegasus na to sa isang madilim at liblib na parte ng gubat. Inalalayan ako pababa ni Matthew, naguguluhan man bumaba pa rin ako.

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Sa gubat."

"Alam kong gubat to. Nasaan na nga tayo?" Tanong ko pa rin sa kanya. Pilosopo naman kase.

"Sa Moon." Sagot ulit nya.

Ay takte. Sasapakin ko na sana sya ng maharangan lang nya ang kamay ko na dapat pananapak ko sa kanya.

"Slow." Sabi nya ng nakangisi.

"Ano na nga kase ah!" Bulyaw ko.

"Tsk. Nasa Entrance na po tayo ng Moon Academy for your information madam."

"Gubat? Are you nuts?" Sabi ko ng may nakakainis na tono.

At ang loko---tinawanan lang ang beauty ko, nyemas yan.
Sinamaan ko lang sya ng tingin kaya tumigil na sya sa kakatawa. Corny na nya eh. Tsk.

Lumapit na lang sya kay Pegasus-chuchu at may sinabi na kung ano ano. Pagkatapos nun lumipad na ito palayo sa amin.

"Tara na ate! Weeeeee!" At lumipadlipad na ng napakabilis si Divine.

Napailing na lamang si Allen na nasa tabi ko lamang.

"Tara na Cash!" At hinila na ako ni Matthew papasok pa sa pinakaliblib ng gubat.

Nagpatiaanod na lamang ako sa kanya. Magkaprehas talaga sila ng fairy nya. Napatawa na lang ako sa naisip.

Tumigil kami sa malapit sa bangin. Tapos may chinant na spell si Matthew. Wizard pala to.

Humangin ng malakas matapos nya idilat yung mga mata nya.
Napanganga na lang ako sa nakita ko sa harapan ko. Literal na nganga sa nakikita.

Omeged! Am I dreaming?

"No you're not." Sagot ni Allen sa isip ko. "Welcome to the Moon Academy Master Cashmere." Nakangiting banggit nya sa akin.

"Teka! Linya ko yan eh!" Sabi nung dalawang mag amo. Talagang sabay pa talaga sila?

Naglakad na kami papalapit sa isang ilog. Mamamangka pa ba kami para makarating sa Academy na yan?

May hinagis na coin si Matthew sa tubig. Ano yun? Alay?

"Pamasahe yun master." Sabi ni Allen na nakapatong sa balikat ko.

Pamasahe? Lul!

"Yeah. Isa yung gold coin na galing pa sa headmaster ng Academy, pili lamang ang nabibigyan ng gold coin. Yung sasakyan kasi na yun, sasakyan yun ng headmaster, kaya pinapangalagaan nya talaga." Sabi ni Matthew na seryosong nakatingin sa tubig na pinagbatuhan nya.

So, ganun talaga kaespecial tong kasama ko ngayon? Abay magaling. Clap, clap.

Napalingon ako sa ilog nanag may marinig na kung ano. Uh-oh! Isa yang Octupus diba?!

"Yup. Tara na Master!" Yaya sa akin ni Allen.

Totoo lang, di na kaya ng utak ko lahat ng nangyare sa akin ngayong araw.

Sumakay na kami sa likod netong giant octupus kuno ng headmaster, kaya pala especial eh.

Inenjoy ko na lang. Magiging maayos din ang lahat, alam ko yan.

"Ang ganda talaga ng sunset ano?" Panimulang topic ni Matthew.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Tapos wala na ulit nagsalita sa amin pero nakita ko sa gilid ng mata ko na nakangiti sya. Masyadong tahimik, ang awkward tuloy, wala na bang ibibilis tong octupus na to? Palibhasa ang laki kase kaya di kayang ianod ang sarili sa mas mabilis pa. Napairap na lang ako sa kawalan.

"Cash." Tawag pansin ulit sa akin ni Matthew.

"Wut?" Tanong ko.

"Ingatan mo ang sarili mo dyan sa Academy ha? Magkikita pa tayo kaya dapat pagkakita natin ulit, buo ka pa. Ayokong mabalibalitaan na nakikipag-away ka dito." Tila tatay na paalala sa akin ni Matthew.

"Hindi mo na ako sasamahan pa?" Tanong ko.

Umiling lamang sya bilang sagot.
"Sa sandaling nakasama kita Cash, nakakatuwang isipin na nag-enjoy ako sa company mo." Tapos ngumiti na naman sya ng napakatamis, napangiti na lamang din ako. "Kaya ikaw, mangako kang magkikita pa tayo huh? At talaga sa panahon na yun, buo ka pa dapat." Paalala nya ulit.

Nakakaloka, paulit ulit si koya! Nyemesh. Bat may uubos ba sa akin dyan? Duh.

"Paalam Cash." Malungkot na sabi nya sa akin saka nya ako niyakap ng mahigpit. Nung kumalas na sya, inabot na nya sa akin yung heavy bag ko at iginaya pababa nung octopus saka sya umakyat ulit. Nandito na pala kami. Napalingon ako sa Academy na nasa likod ko at lumingon ulit sa gawi ni Matthew.

Tumango sya sa akin. Lumingon ako sa maliit na nilalang sa tabi nya na kasalukuyang umiiyak. So, yun pala ang nararamdaman ngayon ni Matthew. Napaiyak na lang din ako at winagayway ang kamay ko sa paglayo nila. Hay, hinatid lang talaga nila ako dito.

Umakyat na ako sa hagdanang bato. Namataan ko na yung malaking gate ng academy. Wow ha, gold talaga lahat? Mukhang matibay! Nasa langit na ba talaga ako? San Pedro wer na yu, d2 na me.

This is it. Kaya ko to. Nga pala, paano mabubuksan tong gate na to? Lumapit pa ako sa gate na puro gold, may mga nakaukit dito na simbolo. Ano kayang basa sa mga yan eh no? Sumilip ako sa loob, nagbabakasakaling merong mapagtatanungan kung paano mabubuksan tong gate na to o sya na mismo pagbubuksan ko. Great! Di ko man lang natanong kay Matthew! Pity me. Wah! Wala akong susi!

Kung mag-over the bakod na kaya ako? Imposible, masyadong mataas. Kung kagat-kagatin ko na kaya yung gate hanggang mabend yung gold na to? Woah, di pwede, mabubungal ako.
Paano ba?

"Nakakainis ka na!" Sigaw ko.

"Hinay-hinay Master. Mag-isip ka ng magagandang mga bagay saka mo itama ang kapangyarihan mo sa gate. Yun lang ang gagawin." Sabi ni Allen sa akin, at ang loko, bumalik ulit sa pagkakatulog sa ulo ko.

Paano ko ba ilalabas ang kapangyarihan ko? Ang last na labas kase nun noon eh, kulay itim. Eh bawal naman yun dito.
Mag-isip ng magandang bagay? Yung mukha ko kaya, maganda yun! Great idea!

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon