CHAPTER 7: Escaping

Start from the beginning
                                    


Paulit ulit kong binabalik ang nakita kong pagbabago niya kanina. Anong ibig sabihin niyon?


***

JUSHUA


Hinintay namin ni Stanfer na lumabas si Wenxehalt galing sa butas palabas tungo sa gate. Sobrang tagal niyang lumabas kaya parang kinakabahan na kami sa maaaring nangyayari sa loob.


Maya maya lumabas na nga ito at pawang nagmamadali pang bumalik sa kaharian nila. Pumasok na kami nina Stanfer at binalik ang kulay ng pakpak namin para di tumakbo si Allison galing sa amin.


Naglakad na kami nang naglakad hanggang nadatnan si Allison na nakaupo sa lupa at may malalim na iniisip, ni hindi niya kami napansin. Lumapit kami sa kanya ngunit ganun parin siya, walang reaksyon. Ano kayang ginawa ni Wenxehalt sa kanya?


"Allisonia?" Pag-agaw ko sa atensyon niya at hinawakan ang balikat niya.


"Sino ka? Sino kayo?" Tanong niya sabay alis sa kamay ko at tumayo.


"Mga light angels kami. Ako si Jushua at siya si Stanfer. Galing kami sa Heavenly Kingdom. Your mother is from there," sagot ko.


"Pwede bang iuwi nyo ako sa mundo ko? Ayoko na dito," nagmamakaawang sabi niya.


Nagkatinginan kami si Stanfer. Binalik ko na ang atensyon ko sa kanya. "Hindi yun ganun kadali Allisonia, hinding hindi ka titigilan ni Dark hangga't makuha ka niya ulit at ituloy ang reverse ritual."


Lumungkot lalo ang mukha niya. "Saan naman ako pupunta?"


"Sumama ka sa amin, we will protect you. Poprotektahan ka ng iyong grandfather na si master Heteu," wika ko.


"Si Phoebe!" nag aalalang sabi niya.


"Hindi mababalik ang kaluluwa niya hangga't hindi napapatalsik si Dark," sabi ko.


***

WENXEHALT


Nagpunta na ako kay Lord Dark. Mabilis siyang humarap sa akin at parang galit siya.


"What in the world is this aura? I hate such aura Wenxehalt. You are becoming weak," galit na sabi niya kasama ang masamang tingin niya sa akin.


Sa isang iglap nakahawak na siya sa leeg ko at iniangat niya ako.


"Eliminate that emotion or else I will kill you. Ako lang ang pagsisilbihan mo. Ako lang ang pipiliin mo. Ang Dark Underwold lang ang tahanan mo. Alisin mo yang emosyon na yan!" At binitawan niya ako kaya nahulog ako at napaupo sa sahig.


He can feel it. Totoo ngang makapangyarihan ang emosyon na ito. She's right but I can't stay like this.


Umalis nga siya at nag-utos sa mga utusan niya na hanapin si Allisonia.


I betrayed him because of this emotion. Hindi ko maintindihan bakit pinapaunlakan ko si Allisonia. Nagiging mahina na nga ako. Ayaw kong bumalik sa pagiging Light Angel, sinasaktan ako ng white flame.


Buong akala ko na ang Dark Angels ay walang ginagamit na puso pero sa sitwasyon ko unti-unti nang pinapaalala sa akin ang pagiging Light Angel ko. My heart is functioning by itself. It can't be there if it can't be used.


Tumayo na ako na para bang walang nangyari. Seryoso lang akong naglakad.


Things are getting confusing for me.


***

ALLISON


Habang inilipad na ako ng dalawang Light Angels, di ko mapigilang mapalingon pabalik sa madilim na lagusan patungo sa underworld. Pakiramdam ko may mamimiss ako. Pakiramdam ko gusto ko siyang makasama.


Ang bilis ng pagkabuo ng attraction sa pagitan namin pero wala akong pakialam. I never thought na makakadama ako ng ganito at sa isang Dark Angel pa.


"Wenxehalt," bulong ko sa hangin bago kami tuluyang nakalayo at nawala sa paningin ko ang lagusan.


Nagpunta kami sa isang kaharian na nakapatong sa mga ulap. Parang napapaso ang itim kong pakpak nang tumapak ako dun. May ginawa naman si Jushua sa likuran ko at tuluyan nang naitago ang mga pakpak ko. At last magaan na ang likuran ko.


Those wings are a burden to me. I feel like carrying some heavy stuffs all along.


Sumunod lang ako sa kanila papasok sa napakalaking gate. Naninibago ako kasi puro mapuputing anghel ang nakikita ko. May mga pegasus din at mga unicorn na kulay puti. Nandoon din ang mga doves. Overall, ang ganda ganda! Ako lang ata ang panira dito dahil sa suot kong dark violet na dress.


Napatingala na ako sa palasyo na gawa sa crystal at diamonds. Pumasok kami dun at dahil sa paglingon lingon ko di ko na napansin na nakaluhod na sila si Stanfer at Jushua. Agad naman akong sumunod sa ginawa nila kahit di ko alam bakit.


Maya maya tumayo na kami. Napatingin ako sa isang may edad na lalaki sa isang magarang upuan na may dalang trident. He seemed so holy and powerful.


"My grand daughter," natutuwang tawag niya sa akin. "You look like my daughter, Rosevina Angecus."


All of the sudden, I felt weird. I'm not emotionally prepared for any of this. Meeting my real family in a surprise is not what I expect to happen.


Wala akong imik.


" I am Heteu Jesuck Angecus," dagdag niya.


Dahil sa tahimik lang ako hindi na siya nag abalang magtanong sa akin. Pinabihisan na lamang niya ako at papahingain daw sa kwarto ng mama ko noon.


***

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now