Isang mabilis na sulyap ang ginawad niya kay Cadmium bago tuluyang lumabas ng kwarto. Napakagat-labi siya nang marinig ang yapak at sipol ng binata sa kanyang likuran. Akala'y sinusundan siya nito ngunit biglang lumiko ang binata sa kusina. Nakahinga siya nang maluwag.


Sumalubong kay Kira ang mainit na tirik ng araw nang makalabas siya sa bahay. Bahagya niyang tinakpan ang kanyang noo gamit ang sariling kamay habang pumapasok sa sariling kotse. Hindi siya nag-aksaya ng oras at pinaharurot na ang sasakyan patungo sa malapit na Jollibee.


Pabalik na siya sa bahay ni Cadmium nang maalala ang lahat ng nangyari kanina. His tight cuddles and sincerity. Kinilig siya, oo. Unti-unti na siyang naniniwala pero may natitira pang pagdududa sa kanya. Ang bilis lang kasi. Noong nakaraan lang ay galit pa ito, ngayon naman ay nagagawa na nitong maging sweet sa kanya.

Iwinaksi niya ang bagay na iyon sa kanyang isipan nang iparada ang kotse sa harap ng bahay ng binata. Lumabas siya sa sasakyan dala ang mga biniling pagkain. Sumalubong sa kanya sa pinto ang nakasimangot na mukha ni Cadmium. Nakahilig ito sa door frame at nakakrus ang kamay sa dibdib. Hindi ito gumalaw. Sa halip ay tinapunan siya nito ng malamig na tingin.

"Won't you offer a hand, Engr. Harris?" sarkastiko niyang tanong at bahagyang inangat ang bitbit.

"Why don't you call Heres for help?" madiin ang pagbigkas nito sa pangalang binanggit.

Magkasalubong ang kilay ni Cadmium nang may hinugot ito sa sariling bulsa. Napasinghap si Kira at biglang kinabahan nang makitang cellphone niya iyon. Litaw sa screen ang mensaheng galing kay Heres.

From: Heres


I have bought two tix. Monday, next week na ang flight, 1PM. Did you tell Tito already?

Napamura siya sa kanyang isipan dahil sa sariling katangahan. Kung bakit kasi nakalimutan niyang dalhin ang cellphone? Naiwan niya ito kanina sa bedside table, kasama ang gamot ni Caia. At sa kamalas-malasan, si Cadmium pa talaga ang nakabasa sa text ni Heres.

Marahas niyang hinablot ang kanyang cellphone sa kamay ni Cadmium. "Bakit mo ba pinapakialaman ang gamit ko?"

"Kung hindi ko pa pinakialam ang cellphone mo, hindi ko malalamang aalis ka!" Tumaas ang boses ni Cadmium at dinuro siya nito. "At ano? Sasama ka sa best friend mong gago, ha?!"

Kira was taken aback because of his sudden outburst. She suddenly lost her words. Frustration and disapppointment was written on his face. She could even hear his deep sigh. There was silence between them until Cadmium spoke again.

"May plano kang umalis..." Namungay ang mata nito. "Pero hindi mo man lang ipinaalam sa akin."

Huminga siya nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Lakas-loob niyang sinagot ang binata.

"Kailangan ba? Hindi naman, 'di ba? Wala naman sa'yo kung aalis ako, e." Pumeke si Kira ng ngiti. "Why bother telling you, then?"

Pagkatapos iyong sambitin ay agad siyang naglakad papasok, nilagpasan ang binata. Nagtungo si Kira dining room at inilagay sa table ang nabiling pagkain. Kumuha siya ng malinis na pinggan. Sumunod si Cadmium sa kanya. Humalukipkip ito sa gilid ng nakabukas na pinto. Tahimik siya nitong pinagmasdan habang nilalapag niya ang dalawang plato at kubyertos sa mesa.

"Uhm... Tapos na bang kumain si Caia?" pagtatanong niya nang hindi tumitingin sa binata.

"Yeah," maikling sagot nito.

"Halika na, Cadmium. Kumain na tayo."

"Wala akong gana."

Marahas siyang napabuntong-hininga at hinarap ang binata.

"Come on, Cadmium. Kumain ka na." Napatingin siya sa orasan na nasa dingding. "It's past twelve."

"Fine," simpleng pagsang-ayon nito at naupo na sa upuan sa tapat ni Kira.

Hindi gumalaw si Cadmium kaya siya na mismo ang naglagay ng kanin sa plato nito. Binigyan niya rin ito ng dalawang chicken leg. Habang ginagawa niya iyon ay nakatitig lamang si Cadmium sa kanya. Nag-isang linya ang labi nito.

"Gusto kong ganito na lang palagi."

Nahinto si Kira sa paglagay ng kanin sa sariling plato. Kunot-noo niyang tinignan ang binata ngunit agad din itong nag-iwas ng tingin. Hindi nakaligtas sa kanyang mata ang pamumula ng tenga nito.


Marahan niyang binaba ang kutsara sa kanyang plato.

"What do you mean?"

Muling bumalik ang titig ni Cadmium sa mata ni Kira. "I want us to stay like this."

Dumaloy ang kuryente sa kanyang pisngi nang humaplos ang kamay ni Cadmium doon. "Iyong inaalagaan mo ako at pinaparamdam mo sa 'kin kung gaano mo ako kamahal. Hindi ako papayag na umalis ka. Ibabahay na kita. You can't leave me now that I'm planning to marry you."

Lalong lumakas ang tibok ng puso ni Kira kasabay ng pagkagat niya sa kanyang ibabang labi.

"Are you proposing indirectly?" Umiling si Kira, hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "You can't be, right?"

"Why?" Nangunot ang noo ni Cadmium ngunit hindi niya makitaan ng galit ang mata nito, pagsusumamo lamang. "I told you... I love you. Am I not enough to make you stay?"

Damn that question. And curse him for igniting the hope in her heart. Kira's love is blooming again, covering the pain and hate in her system. If she could only scream and shout and unlove him.

"I'm asking you, Kira." Malamig ang boses ni Cadmium. "Am I not enough to make you stay?"

When The Bitch FallsWhere stories live. Discover now