As what I expected din, galit nanaman sa amin ang manager namin.
"Sorry boss.. Tra--"
"Ano traffic nanaman?! Masyado nang gasgas yang dahilan niyo, Christian! Wala na bang bago? Kasi sawang-sawa na ako sa kakarinig ng dahilan niyo na traffic! Kung alam niyo namang traffic, edi agahan niyo ang punta! Problema ba 'yon?!"
Naku, ayan na.. nagpipigil nanaman ako ng tawa ko. Imbis kasing matakot kami sakanya sa tuwing nagagalit siya sa amin, eh natatawa pa kami.
Kung good mood lang ako baka pinilosopo ko na ito kaso, mainit din ang ulo nito sa akin eh. Ewan ko ba kung bakit.
"Boss, wag ho si Christian ang pagalitan niyo.. Kasalanan ko ho kung bakit kami nahuli. Late na ho ako nagising." pagtatanggol ko kay Christian.
"Tol!" pagpupumigil ni Christian sa akin.
"Edi lumabas rin ang katotohanan! Binabalaan kita Luis, kapag hindi mo pa inayos yang sarili mo, hindi malabong tanggalin kita dito sa grupo na 'to! Tandaan mo, kayang-kaya kitang palitan! Marami pang mas magaling sayo na gustong mapunta sa kalagayan mo!" galit na sabi ng manager namin bago ito tuluyang umalis.
Gusto ko sana 'to sagutin pa nang pabalang kaso mas pinili ko na lamang itikom ang aking bibig at baka kung ano lang ang masabi ko dito.
"Tol, bakit mo ginawa 'yun? Hindi ka na lang sana nagsalita. Kayang-kaya ko namang palusutan 'yun si boss eh."
"Hayaan mo na.. hanggang sabi lang naman 'yung kalbong 'yun! Kung marami pa lang mas magaling sa akin eh dapat dati pa lang pinalitan na niya ako! Kaya alam ko namang hindi niya ako kayang palitan bilang isang vocalista dito sa banda natin. Tara na, simulan na natin 'tong rehearsal na 'to bago pa ako tuluyan mawalan ng gana."
♫♪
"Don't tell me it's not worth trying for... You can't tell me, it's not worth dying for. You know it's true.. Everything I do, I do it for you."
♫♪
"Nice!" sigaw ni Kevin, ang drummer namin sa banda.
"Okay, yosi break muna! Wuhoo!" sabi naman ni Jeric, ang bassist naman namin sa banda.
Dali-dali namang lumabas ng studio 'yung dalawa at nag-yosi break na nga muna.
Naiwan kaming dalawa ni Christian dito sa loob ng studio.
"Ayos sa pagkanta, ha? Ramdam na ramdam ko ang emosyon mo, tol!" biglang sabi ni Christian habang papalapit sa akin at nakisilip rin sa bintana.
"Sus! Wala nga akong gana mag-practice ngayon eh.."
"Yun pa 'yung walang gana, ha? Birit kung birit ka nga eh! Galing!" pang-aasar nito.
"Loko!" sabi ko at sabay napangiti nang pilit.
"Tol, may tumatawag yata sa cellphone mo!"
Nang makita ko ngang may tumatawag dito, agad ko itong dinampot sa ibabaw ng lamesa na malapit lang sa bintanang tinatayuan namin.
"Si Cindy, tol?" sabik na tanong ni Christian.
"Oo, tol.."
"Sabi ko sayo eh, hindi ka nun matitiis! Sagutin mo na!"
"Babe!" sabik na bati ko dito.
"Hi.. Are you free today? I just want to talk to you." seryosong sabi nito mula sa kabilang linya.
"Yes babe! I'm free today. Nasaan ka ngayon? Sunduin na kita!" Walang pag-aalinlangan, umoo agad ako dito kahit na hindi pa kami tapos sa rehearsal namin.
YOU ARE READING
It Started With A Wrong Phone Call
Teen FictionAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...
Chapter Two: When everything's falling apart
Start from the beginning
