“Hoy! Kayo maghanda na kayo. Alam ko na ang destinasyon kung saan tayo pupunta.” Mabilis na iniligpit ni Sword ang mga kalat sa mesa at tinago ang mga mahahalagang gamit at dinala ang mga gagamitin sa pupuntahan nila.

~~ooOOoo~~

“Lolo, ok ka na?” tanong ni Ems a lolo niya na dalawang araw na ng nakalibas ito sa hospital.

“Ok na ko. Bukas na bukas kakain tayo sa labas.” Sabi nito. Masyadong malapit ang Lolo ni Em sa kanya. Paborito siya nito. Lagi silang nagtatawanan at nakwentuhan nang kung ano ano. Para silang magtatay. Dahil siguro bata palang si Em ay ang Lolo na niya ang nag-aalaga dito.

“Sige Lo, sama natin si Pat ah.” Sabi ni Em. Medyo nakakalimutan na ni Em ang nangyari sa kanya sa Hospital. Pilit na rin niya itong kinakalimutan dahil sa iba iba niya ginagawa. Bigla namang pumasok sa bahay nila si Pat.

“Em halika na baka malate pa tayo.”

“Sige Lo. Una na kami.” Humalik si Em sa noo ng kanyang Lolo at kinaway ang kamay bilang pagpaalam.

“Mag-iingat kayo.” Sabi nito habang tumayo sa kinauupuan at umakyat na sa 2nd floor ng bahay nila.

“Bye Lolo.” Pahabol ni Pat. Nang makarating na sa kwarto ang Lolo ni Em. Binuksan niya ang disusing aparador at kinuha ang malaking kahon. Binuksan niya ito, nakalagay dito ang tatlong baril at apat na kutsilyo.

“Patawad Em dahil hindi ko sinabi sa’yo ang sitwasyon ko at kung sino talaga ako.” Sabi ng Lolo ni Em at ibinalik ang takip ng kahon at inilagay ulit sa aparador. Maraming misteryo at sikretong daanan sa bahay nila Em. Hindi lang nila ito napapansin. Tanging ang Lolo lang ni Em ang nakakaalam, miski ang Ina ni Em hindi ito alam. Hindi pa ito natatapos sa likod ng aparador may button na pinipindot at hindi ito kita dahil nakatago ito sa likod ng aparador. Pagpindot niya dito may bumukas na isang maliit na pinto at ang laman noon ay mga baril gaya ng shotgun, AK-47 at marami pang iba.

“Pa, Pa!” tawag ng ina ni Em at mabilis na pinindot nito ang button at mabilis namang nagsara agad kaya naman agad na bumaba ang Lolo ni Em.

“Bakit?” sabi nito.

“May naghahanap sa’yo.”

“Sino daw ‘yon?” pagkabukas ng pinto bumungan dito ang mga tauhan ng Lolo ni Em.

“Boss m--” naputol ang salita ng isa sa tauhan ng Lolo ni Em ay nilakihan ng Lolo ni Em ang mata at tila ba tinakot ito na itigil ang pagsasalita dahil nasa likod nito ang nanay ni Em. Baka marinig nito ang pag-uusapan.

“Ano pong no. ng bahay niyo?” pasegway na tanong ng isa sa mga tauhan ng Lolo ni Em.

“398.” Sabi ng anay ni Em.

“Ah sige po. Maraming salamat po.” Sabi ng mga tauhan. Ang Lolo ni Em ay isang mafia at siya ang nangunguna sa lugar nila meron siyang 4000 na tauhan at hindi lang puro lalaki mayroon ding mga babae.

“Pa sino ‘yung mga ‘yon?” tanong ng nanay ni Em. Nagkibit nalang ito ng balikat at dumiretso na sa mesa para kumain.

~~ooOOoo~~

Naglalakad si Em sa hallway ng biglang nabangga siya ng isang lalaking mabilis na tumatakbo. Tumalsik si Em at inalalaya ito ni Pat.

“Sorry Miss.” Sabi nang lalaking nakabangga sa kanya. Iba ang ngiti nito. Para bang napaka-clumsy. Cute ang lalaki. Tinulungan siya nito na hindi maalis ang tingin ni Em sa lalaki.

“Sorry po talaga.” Sabi ito at tska umalis na agad.

“Bastos naman ‘nun.” Sabi ni Pat.

“Hayaan mo na siya. Nagsorry naman.” Sabi nito.

“Hoy, umiiral na naman ang kalandian mo, hindi porket cute yung lalaki eh gaun ganun nalang ‘yon.”  At patuloy sila sa paglalakad.

“Em sandali lang may kukunin lang ako sa Library.” Sabi ni Pat. Pumasok ito sa library. Naiwan sa labas si Em at dumungaw muna sa may corridor bilang tanggal bagot. at may kumalbit sa kanya.

“Miss.” Napalingon si Em at nakita niya na may lalaki sa likuran niya.

“Miss pwedeng magtanong?” sabi nung lalaki. Ngumiti lang si Em bilang sige.

“Saan po ba ditto yung Registrar office?” ngumiti si Em at..

“Nasa may kabilang building yung Registrar Office.” Sabi nito. Nakatingin lang sa kanya si Sword. Bago palang siya dito sa school kaya di pa niya alam ang pasikot sikot. Iba ang tingin ni Sword kay Em. Namumula siya. At tulala.

“Ah kuya dun pos a may Kabilang building yung Registrar Office.” Ngumiti nalang si Sword bilang pasalamat at umalis na agad siya. Simula ng 2nd semester ay siguro late enrollee si Sword.

“Ano kayang nangyari dun. Parang LR. Nakatulala sa akin. Nagandahan siguro.” Sabi ni Em. At dumungaw ulit sa may corridor.

“Pre, tignan mo ‘yon.” Sabi ni Sword sa kaibigan niya nasa baba sila ng building at nakaupo sa isang bench. Si Rick Monzon Business Ad at Major Marketing Management din.

“Sino? Yung babae dun?” tanong nito.

“Oo yung nakadungaw. Ganda eh.” Medyo namula ito. May ugali itong si Sword medyo badboy ito, suplado, pero dito nya lang naramdaman ang ganito. Siguro nga hindi lahat ng tao ay matigas, mahirap magmahal. Meron din yang katapat at bibigay at ma-iinlove.

“Ano? Gusto mo? Si Em ata yun eh.” Sabi nito.

“Anong pagalan? Em? Nice name.” ani Sword na hawak ang papel at dapat ay ihahatid niya sa Registrar Office.

“Gusto mo tawagin ko?” sabi ni Rick.

“Wag na.” pinigilan ito ni Sword.

“EM!” tawag padin nito. At tinakpan ag bibig nito para hidi marinig.

“ajguwdfjkl!” di maintindihan ang sinabi dahil nakasalpak padin ang kamay ni Sword sa bibig ni Rick. Tinanggal ito ni Rick at sinigaw ulit ang pangalan ni Em.

“EM!!!” sabi ni Rick nang malakas at narinig naman agad ito ni Em. Kumaway si Rick bilang HI dito. Ngumiti lang si Em sa kanilang dalawa. Nakatingin si Sword dito.

“Pre. Ano ganda no?” sabi ni Rick.

KKRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIINNGGGGG!!!! 

Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now