Chapter 2

70.1K 707 37
                                    

Chapter 2

“Em! Em!” tawag ng Mama niya na tinatapik tapik ang balikat nito.

Unti unti naman binuksan ni Em ang kanyang mga mata at medyo hilo pa ito.

“EM! Kamusta ka na?” sabi ng Mama ni Em at nagtatawag ng nurse na aasikaso dito. May pumuntang isang nurse na may dalang ballpen at papel na may matigas na patungan at sinusuri ang lagay ni Em.

“Ma. Anong nangyari?” tanong ni Em. Na para bang wala siyang natatandaan. Epekto siguro ito ng takot at troma na naganap kanina.

“Ako ang dapat na magtanong niyan anak. Ano ba ang nangyari?” sabi ng ina na para bang may pag-aalala sa kanyang mukha.

“M-ma ang huli ko lang n-na natatandaan ay yung l-lalaking muntik na akong s-saksakin at may t-tumulong sa ak-akin na lalaking nakaitim.” Pagpapaliwanag nito sa ina.

“Ayos ka lang ba? Ano may masakit ba?” tanong nang ina para makasiguro na ligtas ang kanyang anak.

“A-Ayos lang ako Ma. P-pahinga ko n–nalang ‘to.” Sabi ni Em na itutuloy pa ang kanyang tulog.

(Patricia Pilapil's picture at the Rights --------->)

~~ooOOoo~~

“Boss, saan ba tayo mamaya?” sabi ng lalaki na habang pinupunasan ang baril at sinasalansan ang mga matatalim na kutsilyo.

“Bahala na kung saan mapadpad.” Sabi ni Sword Cristoval. May samahan sila Mafia daw tawag dun. Yung parang gangster na merong Leader at Myembro, hindi mabubuo ang samahan kung walang pinagdaanan ang mga myembro. May mga pagsubok na pagdadaanan ang mga sasali dito. Hindi lang sila ang Mafia sa lugar, nila marami pa. May dalawang Mafia groups na nagmerge at nagkasudo para mas malakas ang kanila samahan. Meron din silang palatandaan na sila ay myembro na ng kapatiran. Para bang fraternity.  Dalawa ang pagdadaanan mo Hirap o Sarap.

“Pero Boss, wala na tayong pagkain para mamaya. Paano na tayo niyan?” nagtanong pa ulit yung isang kasamahan nila.

“Sabi kong BAHALA na? Bakit ba ang kulit niyo? Ako na ang BAHALA!” sabi nito habang sinusuot ang itim na jacket. Si Sword ang leader nang samahan. Ang mga sasali sa kanya ay mga bata pa. mga 23 and below. Para daw mas malakas at maganda ang pangangatawan kapag bata pa.

“Boss, yosi oh!” inabot ng lalaking kanina ay naglilinis ng baril ang sigarilyo. Madilim kung saan ang tagpuan nila. Tanging ang maliit na bintana ang nagsisilbi nilang ilaw. Dapat tago ang tagpuan. Yung hindi agad mahanap ng ibang Mafia. Meron silang mga pangarap, dahil merong nangunguna sa mga Mafia. Ang mga nangunguna ay marami nang napatay at marami nang nagawa. At isa pa ang nangunguna ay ang pinakamaraming myembro sa isang grupo. Si Sword meron lang siya labing anim na Myembro. Ang nangunguna na sa Mafia ay mayroong apat na libong myembro. Kapag ikaw ang nanguna sa Mafia, nakatingala sila sa’yo, subalit ikaw ang ha-hantingin nila. Dala mo ang 4000 na myembro dahil kung ikaw ay leader ng ganitong karaming myembro lapitin sa’yo si kamatayan kumbaga target ka dahil kapag napatay ka, kung sino man ang nakapatay sa’yo it’s either na sasama sila sa ‘yo o hindi pero mas bilib sila na napatay mo ang pinaka malakas na mafia kaya mas marami ang papanig sa’yo. Mas dadami ang populasyon ng grupo mo.

“Peram nga ako ng laptop.” Sabi ni Sword. May ise-search ito sa history ng Mafia. Kikilalanin niya kung sino ang nasa Top na Leader sa Lugar nila.

“Nasaan yung charger?” sabi nito at inabot ng isa sa myembro niya habang hinihithit ang sigarily na nakasalpak sa bibig niya. Kahit maliit man ang populasyon nila. Mayaman si Sword, mayaman ang mga magulang nito, subalit hindi alam ng magulang nito na isa siyang Mafia. Nag-aaral pa si Sword 3rd year college ito at sa kursong Business Administration major in Marketing Management. Nagtransfer ito sa isang skwelahan na mas malapit sa kanilang Tagpuan. Minsan nalang umuwi si Sword sa tunay nitong bahay dahil nga abala ito sa mga masasamang gawain. Actually hindi naman talaga masama, mas pinapalaki lang nito ang populasyon at tibay ng grupo.

Mafia BoyfriendWhere stories live. Discover now