LAST RIDE

52 6 1
                                    

Pagod na pagod akong sumakay ng Jeep na isang oras ko lang naman hinintay. Busangot ang mukha ko habang umuupo sa bakanteng upuan malapit sa drayber. Lahat ng babae ay nakatingin sa akin,kaya nga ayokong sumakay ng jeep. Maliban sa mga babaeng kilig na kilig na nakatingin sa akin eh masikip at mainit dito kumpara sa kotse ko. Kinuha kasi ng tatay ko ang kotse ko para raw maturuan ako ng leksyon,lakas maka bad trip. Isang buwan lang naman nyang hindi papagamitin sa akin yan daw ang bagay sa basaguleron tulad ko.

Maya-maya ay umusad na rin sa wakas ang jeep pero bigla rin itong tumigil.

"Anak ng pusa naman oh,uusad ba ito o hindi,"sigaw ko.

Lahat ng pasahero na nandito ay nagsitinginan sa akin at ang katabi ko naman ay natakot kaya medyo dumistansya sa akin ng kaunti. Mabuti naman kung ganon dahil masyadon mainit na.

"Teka lang po sir ha may pasahero po kasi na sasakay eh," sabi ng drayber sa akin.

May biglang umakyat na babae sa jeep. Napatitig ako sa kanya napaganda nya at napakaamo ng mukha nya. Nilibot nya ang mata nya sa paligid at nakita nya ang nagiisang bakanteng upuan sa tabi ko. Lumapit sya sa akin at nginitian nya ako na bigla naman kinabilis ng takbo ng puso ko.

"Pwede bang umupo dito," tanong nya sa akin, shucks ang ganda ng boses nya.

"Ah o-oo na-naman"nauutal na sabi ko tss.. ano bang nangyayari sa akin? Umupo sya sa tabi ko at nang nagkadikit ang balat namin ay may kung anong elektrisidad ang dumaloy sa akin. Ngayon ko lang ulit naranasan to.

What the heck!! Ano bang nangyayari sa akin.

"Umm..pwede pakiabot ng bayad?" sabi nya habang nakangiti.

"Sige," matipid kong sabi sabay lahad ng kamay.

Nang mahawakan nya ang kamay ko ay parang nagwawala ang buong sistema ng katawan ko.

"Saan ka pala pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa tabi-tabi lang," nakangiting sabi nya,hindi ko maiwasan na titigan ang perpekto nyang mukha may kung anong naaalala ako sa kanya.

Hindi ko namalayan na tumigil na pala ang jeep sa harap ng university na pinapasukan ko. May parte sa sarili ko na nagsasabi na manatili pero sino ba naman ako para manatili.

Akala ko ba matinik ka sa chicks singit ng utak ko .At kailan ka pa nakialam.

Bumaba na ako at tinignan sya mula sa labas lumingon naman sya sa akin at nginitian ako,nginitian ko rin sya.

"Ingat ka," sabi ko.

Nginitian nya lang ulit ako at umalis na ang jeep.

Buong araw akong lutang kakaisip sa babae na nakasakay ko gusto ko sya ulit makita. Hindi ko pinansin ang mga kaibigan ko na nagyayaya magbar. Dumiretso ako sa paradahan ng mag Jeep at hinintay ang jeep na sinakyan ko kanina baka kasi magkita kami ulit. Dumating ang  jeep na sinakyan ko kanina at hindi nga ako nagkamali dahil nandoon sya. Sumakay ako at dumiretso ako papunta sa kanya para umupo.

"Hi."

Nginitian nya lang ako.

"Nagkita naman tayo," sabi ko sa kanya, hahaha ngayon ko na dapat ilabas ang hokage moves ko.

"Alam mo ba kung bakit tayo nagkita ulit?" tanong ko ulit sa kanya.

"Kasi stalker kita," nakangiting sagot nya.

"Hindi. Alam mo kung bakit?" Nginitian ko muna sya, "Kasi gwapo ako."

"Huh?!"nagtatakang tanong nya

"Nagkita tayo ulit kasi gwapo ako at maganda ka, that means you're my destiny and were meant to be," sabi ko.

"Alam mo ang corny mo," sabi nya.

Last ride (One Shot)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt