Chapter 7 [Edited]

Start from the beginning
                                    

Bricx is in the three point line, Zero can't move from his place because Allen's blocking him, Charles is close to the ring ngunit nandon si Zerk. He smoothly passed it to Bricx, he did the same move Jun did when they had a practice, he stepped right it was an obvious move that's why Zeke move the opposite side, that's why Bricx pass through him and do a jump shot. Pasok.

Mabilis lang ang naging laro, wala pang kalahating oras ay nasa second half, naabutan ng Tamaraws ang puntos namin dahil sa mga freethrow nila. They're faking a foul kaya nabibigyan sila ng chance to shot a freethrow. Pero pagdating ng fourth quarter ay mas uminit ang laban.

"Bart, palitan mo si Daniel." Nakangising tumango si Bart, samantalang si Max, "Loser, bro. You're not going to play. Bangko ka lang." Pangangantyaw ni Bart kay Max na hanggang ngayon ay hindi ko pa pinapasok sa laro. Tinignan ko si Max at tumango lang ito sakin. Naiintindihan naman niya kung bakit hindi ko sila pinapasok na lima.

Everyone knows how they play, kaya matatalo lang sila kapag silang lima ang pinasok ko sa loob ng court. Kapag nabago at na-improve ko na ang game play nila, doon ko lang sila ipapasok ng sabay sa isang laro. But not now. Pagdating na ng semi. Sa ngayon, dapat ma-test muna ang kakayahan ng lahat ng players, ma-improve pa at madadagan ang game experience, iba kasi ang paglalaban sa practice game kumpara sa totoong laban. Sa practice game alam mo ang galaw ng makakalaban mo, sa totoong laban, everything is unexpected.

Tumingin ako sa oras, less that three minutes na lang ang natitirang oras. Lumingon ako sa pwesto nila Aesser, seryoso siya sa panonood. That just means he's enjoying the game. Napatingin siya sakin at tumango. Binalik ko ang atensyon sa laro, na sa amin ang bola.

Bart has the ball, ipinasa niya iyon kay Charles na walang bantay, he was aiming for a jump shot pero bigla siyang hinarang ni Kian kaya naman he faked it and pass the ball to Zero, who went closer to the ring and was about to do a lay up shot when Allen stole the ball and quickly move to their ring, sunod sunod silang pumunta doon, nauna si JP na binantayan agad ang ring. Kian passed the ball to Zerk, sila ni JP ang magkatapat, Zerk jump and by the way he moved alam kong mag-du-dunk ito, tumalon din si JP upang harangan ito ngunit masyadong malakas si Zerk kaya natumba siya sa lapag at naging matagumpay ang dunk niya.

Tinulungan si JP ng mga team mates niya at masama ang tingin na ipinataw niya kay Zerk na ngayo'y nakangisi sakanya. Hindi na-foul iyon dahil hindi naman offensive at intentional, kadalasan namang nangyayari ang ganong pagkahulog, isa pa hindi naman niya sinadyang tinulak si JP.

Malapit na kaming maubusan ng oras at nakahabol ang Tamaraws, they're leading with just one point at thirteen seconds na lang ang natitirang oras. I called for a time-out at nagbigay ng bagong plano sakanila.

"JP, I know you hate what Zerk did to you. So you'll get even." Pinaliwanag ko ang dapat nilang gawin, alam kong imposibleng masunod ang plano ko pero kung makiayon ang lahat, this will be perfect. Natapos na ang nakalaang oras para sa time out at nagsimula na ang laro.

Fortunately sa amin ang bola, hawak ito ni Bricx at seryosong tinitignan kung nakapwesto na ang lahat ng team mates nila sa sinabi kong lugar. Charles on the left side of their court, Bart is close to the ring, JP's on the freethrow line, and Zero's on the right side. Mabilis na pinasa ni Bricx ang bola kay Zero, ito nama'y tumakbo papunta sa freethrown line ngunit agad na naharangan siya ni Darren, he passed the ball to Bart na walang nagbabantay, dribbled it closer to JP but eventually passed it to Charles.

3.6 seconds na lang ang meron sa shot clock. Charles made a quick jump shot, umpisa pa lang ay halata ng kinapos ng kaunti ang tira niya, and while it's still in mid air, JP suddenly came grab the ball and do a slam dunk, Zerk suddenly came in and tries to block him pero gaya ng ginawa niya kanina, sa sobrang lakas ng pwersa ni JP ay natumba ito at na-shoot ang bola. Alley oop. A good way to end a game. Malakas ang hiyawan ng tao ng tumunog ang buzzer beat. Sumenyas ang referee na counted ang shot. We won by one point.

Nagsitakbuhan ang mga players ko palapit sakin at yayakapin sana ako ng ibato ko sakanila ang white board, "Don't you dare." Pagbabanta ko sakanila. Tumawa lang sila at naupo na sa bench, tinuro ko ang natitira pang gatorade sa tabi ni Shanna na kasalukuyang natutulog. I wonder how she fell asleep with that noise. Agad din itong nagising ng medyo tumahimik na ang lugar at inabot kay Daniel ang towel nito.

Tumingin ako sa pwesto ng Falcons kanina at wala na sila doon. Dismayadong umupo ako sa tabi ni Bricx na ngayo'y hawak hawak muli ang kanyang tablet.

"Let's celebrate at my bar." Saad ko sakanya. Tumigil siya sa ginagawa niya at nilapag ang tablet sa tabi niya at pumayag sa aking naging suhestiyon.

Sinabi ko na din iyon sa lahat ng players na ikinatuwa naman nila. I know they'll be happy since makakahanap nanaman sila ng bagong bibiktimahin nila. Nagsalita naman si Daniel na baka daw hindi siya makasama, ganon din si Jun, Zero at Bart.

Lahat sila ay nagpunta na sa shower room at binilinan ko silang sa shuttle ko na lang sila hihintayin. Halos kalahating oras na akong naghihintay ng mapagdesisyunan kong bumalik doon, but on my way back ay nakasalubong ko si Aesser na nakasandal sa pinto ng entrance.

"It was a nice game." Komento niya mula sa laro kanina.

Nag-iwas ako ng tingin at tumango sakanya, "Are you still mad?" Mahinang tanong ko sakanya.

"You know I can't stay mad at you for, Clarisse." Malungkot na sagot niya sakin at lumapit upang yakapin ako.

"But I've done worst now, Aes. And I'll understand if you--" pinutol niya ako. "I don't give a crap if you slept with other guy. I love you and that's what only matters." Niyakap ko din siya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"I feel so dirty." Mahinang saad ko sakanya.

"You're not. Now kiss me, I missed you." May halong aliw na saad niya at inangat ang ulo ko upang magkapantay ang aming mukha, nilapat niya ang labi sa labi ko. Ilang saglit lang iyon at humiwalay na din siya tapos ay hinalikan niya ang noo ko.

Aesser is my childhood friend. Magkaibigan ang pamilya namin kaya naman lumaki na kaming magkasama. Simula't sapul ay ganito na ang ugali ko pero napagtitiisan niya ako, he's been patient with all my tantrums, my eager to win at everything and that's the reason why I like him. I was a playgirl kaya hindi ko noon alam kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko sakanya, until on my sixteenth birthday he confessed to me, kasabay iyon ng pagdedeklara ng magulang ko na naghahanap na sila ng magiging asawa ko.

For almost a month we've been together ay masaya until we decided to make everything official, naging boyfriend ko siya pero tinago namin ito, ayaw ko kasing sabihin sa parents ko, noon pa man kasi ay hindi nila naisip na i-pagkasundo kami ni Aesser dahil hindi nakikita ng parents kong makakatulong ang ar Architectural firm nila sa kompanya namin. In other words, wala naman itong matutulong sa kompanya namin, it won't benefit anything for the company kaya ayaw din nila.

A year had passed and he wanted me to tell everything to my parents that's why we broke up, ang sabi niya kung ayaw kong sabihin ang totoo might as well we break up dahil doon din naman mauuwi either way eh. Reason why I've been such a rebel to my parents, hindi ako pumapayag sa proposal ng anak ng ilang malalaking kompanya, sinisira ko ang engagements ko at nakikipagrelasyon ako sa iba't ibang lalaki.

"Trixie." Tawag sakin ng isang babae, lumingon ako upang tignan ito, si Shanna pala na pasan ni Daniel.

"Trixie, aalis na tayo." Saad ni Bricx na madilim ang anyo sakin.

"Susunod na lang ako sa Mainro. May pag-uusapan lang kami." May sasabihin pa ata ito ngunit tumango na lamang at naglakad na palayo. Isa isa silang nagpaalam at umalis na.

"Anong pag-uusapan natin?" Aesser asked with amusement in his eyes.

"Things. Let's go, I missed you. Let's play xBox." Nakangiting hinatak ko siya papuntang sasakyan at umalis.

Tumigil kami sa harap ng sasakyan niya at ikinulong ako sa pagitan ng braso niya habang nakasandal sa pinto ng sasakyan, "Did I tell you?" Nakangiting tanong niya, "What?" Tanong ko naman ng nakataas ang kilay.

"I love it when you act like a child with me."

"I'm not." Pumamewang ako at sumimangot sakanya.

"You are." Natatawang saad niya at kinurot ang aking ilong na agad ko ding hinawi.

I'm not acting like a child when I'm with him, mas komportable lang akong iasta ang gusto kong gawin at sabihin kapag siya ang kasama ko. Dahil hindi ako nahihiyang ilabas ang totoong ako kapag kasama siya. I'm not afraid to show the vulnerable Trixie in front of him.

Basketball Love Affair 1: Foul PlayWhere stories live. Discover now