CHAPTER 12 - CLOSER

149 10 3
                                    

KAYE'S ROOM 11PM

Ang bango ng buhok nya. Naamoy ko agad pagkasakal ko sa kanya ng pabiro. Pero tumayo na sya agad para i-upload nya yung video ko. I just typed yung mga title at description nung video ko. Nagpaalam sya na gusto nya mag bathroom so madali ko lang chinceck yung CR kasi baka madumi.

Pumasok na sya sa loob ng bathroom. Kinuha ko yung gitara ko habang naghihintay sa kanya.

Diko alam bakit napapangiti ako ngayon. Masaya sya kasama.. napapagaan nya yung loob ko. Natatakot ako sa nararamdaman ko... hindi pwede. Guguluhin ko lang ang buhay nya. Pero she's amazing. Mga hinahanap ko sa isang babae nasa kanya... maganda ang speaking voice, maganda, smart at malakas ang sense of humor. Parang lagi lang masaya...

Nakita ko ilaw ng ilaw yung phone nya, lumapit ako para tignan. 

BESHIE

Ah baka yung bestfriend nya.

Biglang tumunog. Text Message. Diko maiwasang makita

BESHIE - Bes nasan ka? 

BESHIE: Omg Beshhhhh kasama mo na naman ba si Lullaby? EEEEE omg ano ba bes nalandi mo na ba? Pak!'

Lullaby? Sino kaya yung lullaby na yun. Ako ba yun? Imposible.. bakit naman Lullaby.

Bigla syang lumabas sa CR.

Tinanong nya bakit ako nakangiti. So naisip ko tanungin ko na lang sino si Lullaby.

"Huh? Anong Lullaby sinasabi mo dyan" sagot nya sakin

"Lullaby.. sino si Lullaby nga" tanong ko ulit

"I don't know what you're talking about no!" parang kinakabahan syang sumagot

Inabot ko sa kanya yung phone nya at sinabi ko sa kanya na nakita kong umilaw yung phone nya kaya tinignan ko baka importante. Hindi ko sinasadyang mabasa yung message but I did.

"So sino nga si Lullaby. Share mo naman. Baka may lakad kayo ha hatid na kita?" panunukso ko sa kanya pero parang may konting inis akong nararamdaman kung may lakad man syang iba

"Wala yun. May tinutukso lang sakin yung bestfriend ko. Don't mind it na lang" 

"Sino yun? Ayiiee may lovelife..."

"Hahaha wala akong lovelife. Ayoko na din magkalovelife..." nakita ko yung lungkot sa mata nya. Umupo na sya sa may gilid ng kama. Tumingin sakin.. tapos ngumiti. Ang ganda nya tlaga..

"O bakit biglang naging sad ka na? Sorry na sa panunukso ko"

"Hindi... hindi naman ikaw. Naalala ko lang yung nangyari kanina"

"Ok lang  ba if itanong ko anong nangyari? Baka makatulong ako" Lumapit ako sa inuupuan nya

Paglapit ko nakikita ko ng nangingilid yung luha nya pero pinipigilan nya tumulo..

"Alam mo yung ang unfair lang? Kasi ako yung nasaktan, ako yung niloko pero yung nanay ko ipinagtutulakan pa rin ako sa ex ko? Na parang ako pa may kasalanan.."

Hindi ko maintindihan saan galing yung mga sinasabi nya pero handa akong makinig sa kanya.. Nararamdaman ko yung pain sa pagtingin ko sa mata nya..

Hanggang sa naikuwento nya sa akin mula umpisa. Hindi ko alam bakit nangigigil ako dun sa Leo. Ang daming tao na naghahangad ng pagmamahal katulad ng kayang ibigay ni Marielle tapos sya sasayangin lang  nya..

Gusto ko syang pasayahin..

"Ganito na lang... hintayin lang natin na matapos yung upload tapos roadtrip tayo?" tanong ko sa kanya

"Saan naman  tayo pupunta?" nakangiti nyang sagot

"Bahala na.. ano bang trip mo?"

"Kahit ano. Gusto ko lang mawala tong bigat ng dibdib ko" hindi na nya napigilang mapaiyak

Hindi ko alam gagawin ko.. hinawakan ko sya sa braso. Then she hugged me. Yung tipong yakap na mahigpit at nangangailangan ng comfort.. lumayo din naman sya kaagad.

"Sorry for being a basketcase ha.. and thanks"

"Wala yun. Sometimes it's also refreshing to open up to someone new to you.I've been there"

Pagkatapos ng upload nagdesisyon kaming magdrive pa-tagaytay.

Everything now feels comfortable with her. We talked a lot sa car, she told me about her career and hoe she got where she is..

"OOMGGGG! MY FAVE SONG!!!" bigla syang sumigaw at nilakasan yung radio

"Alam mo itong song na ito Kaye? Hey i was just doing just fine before i met you I drank too much and that's an issue but im ok.." sabay kanta nya habang sumasayaw pa

Napakacute tlaga nitong babaeng to. Nakangiti lang ako the whole time kinakanta nya yung song. In fairness  maganda naman tlaga.. Ganun lang  kami the whole time hanggang makarating kami sa tagaytay. Bumili lang kami ng drinks sa family mart tapos nagsuggest sya na ipark na lang namin yung car sa parang summit na kita yung stars.

Umupo lang kami pareho sa hood ng kotse habang umiinom.

"Alam mo nung naguumpisa pa lang kami ni Leo we always do things like this. Random sweet things. Pero ganun yata tlaga kapag tumatagal no? Nawawala na yung romance tapos ung iba.. magsasawa sayo..." nakatingin lang sya sa  malayo

"Depende naman siguro yan sa tao Marielle... baka yang Leo na yan eh masama lang tlaga " sagot ko sa kanya

"He was not like that... siguro nga you will see their true colors tlaga kapag tumagal na. But I'm ok now I know good riddance. I'm so thanful kay God for showing me the right path I should take"

Alam ko nagbubuhos sya ng thoughts nya pero yung boses nya.. dun ako napafocus. Ang ganda kasi tlaga.. napatitig tuloy ako sa kanya. Pumunta ako sa loob ng kotss tapos kinuha ko yung gitara ko na lag kong dala

"Tara kanta na lang tayo para masaya"

"Ay bet ko yan" nakangiti nyang sagot

"Ano bang request mo Ma'am?" kinindatan ko sya

"Teka ha mag-iisip ako.. hmm... Alam mo yung Latch? "

"Sam Smith?"

"Yeah! that's it!"

"O naman favorite ko din yun.. sige alam ko yung chords nun.."


Habang tumutgotog ako nakatitig lang sya sakin.. hindi nya inalis yung mata nya. Hanggang sa pareho na kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa. Hindi ko alam bakit ako natatakot.. 

Hanggang sa lumapit sya sakin.. tumayo sya sa harap ko habang nakaupo ako sa hood ng kotse..

Nakangiti lang sya sakin... tapos unti-unti nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko.....

IKAW ANG LAHAT SA AKINWhere stories live. Discover now