CHAPTER 14 - S

99 7 4
                                    

Ang lamig ng simoy ng hangin habang naglalakad si Marielle papunta sa building ng unit nya. Hindi nya maalis yung ngiti sa bibig nya. Inamoy nya yung mga kamay nya, ang  bango... kumapit dito yung pabango ni Kaye sa tagal nilang magka-holding hands sa kotse. Iniisip nya posible ba talagang nangyayari to? Bakit sya kinikilig ng husto... parang hindi na masyadong masakit kapag naiisip nya si Leo.

Nakapasok na si Marielle sa unit nya. Nilapag nya ang bag sa sofa at umupo. Naalala nya hindi nga pala nya nareplyan si Jen. 

MARIELLE: Bes sorry kakauwi ko lang. OMG!!! Ang dami ko kwento sayo. Tawagan kita agad paggising ko mamaya. xoxo

Pumasok na si Marielle sa kuwarto at nagwash-up. Humiga na sya sa kama at nagready ng matulog. Tinignan nya muli ang telepono nya lung nagtext na si Kaye dahil hindi naman nya kinuha ang number nito. Pero walang text. Naisip nya baka di pa nakakauwi or pagod na. Nagpatugtog na lang sya ng playlist ni Lullaby para makatulog sya...

***********

Tila nanlamig si Kaye sa nabasa nyang text mula kay S. 

Pano nya nalaman? Sino nakakita samin? Hindi nya alam ano irereply nya...

KAYE: Hey why are you still up? Yeah I'm still in the area now. I was with my friend

S: Friend? Kelan kapa nagkaron ng babaeng kaibigan na taga-dito sa area?

KAYE: Yup she's a new friend.

S: K...

KAYE: Pls wala ako sa mood to fight, i'm tired.

S: So malakas na loob mo ngayon?

KAYE: What? Di kita maintindihan

S: Pumunta ka dito ngayon!

KAYE: Please Sam I'm tired...

S: Kapag hindi ka pumunta dito ngayon kahit kelan dimo na ako makikita!

Hindi alam ni Kaye ang gagawin nya. Hindi nya alam ano pa ba ang gusto ni Samantha sa kanya. Pero hindi nya matiis... iniliko nya ang kotse at pumunta sa bahay ni Samantha.

7AM

Alam na ng maid ni Samantha na parating sya kaya pinagbuksan agad sya ng gate. Pumasok sya sa loob ng bahay at ineexpect nyang nasa sala si Sam pero wala ito doon. Sinabi sa kanya ng maid na pinapaakyat sya ni Sam sa room pagdating nya. Naisip ni Kaye kung ano na naman ang dramang haharapin nya.. alam nyang hindi sya makakapunta ng on time sa engagement nya dahil 7am at wala pa sya sa bahay. 

Tinext ni Kaye si Kristine...

KAYE: Sorry I will be late. May aayusin lang ako...

KRISTINE: DON'T TELL ME NA SI SAMANTHA NA NAMAN YAN!

KAYE: Sorry... 

KRISTINE: YANG MGA GANYAN ANG SISIRA SAYO. BAHALA KA NA. GAGAWAN KO NG PARAAN I-MOVE TO NG 1PM PERO HULI NA TO KAYE.

Umakyat si Kaye sa taas at pumasok sa kuwarto ni Sam. Familiar lahat sa kuwartong yun,  madalas sya dito noon. Marami rin masasayang memories... Nakita nya si Sam na nakaupo sa gilid ng kama at naka-pout. Masama ang tingin sa kanya...

"Hey.." bati ni Kaye 

"Come here love..." alam nyang naglalambing si Sam sa kanyaa

"Sam.. what am i doing here?" hindi pa din umaalis si Kaye sa pinto

"Come here and I'll tell you..."

Lumapit si Kaye sa tabi ni Sam. Maganda talaga sya hanggang ngayon. Yung gamit nyang pabango alam na alam ni Kaye na yun yung gusto nyang pabango na suot nya.. 

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Dec 08, 2017 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

IKAW ANG LAHAT SA AKINOnde histórias criam vida. Descubra agora