CHAPTER 5- KAPE

97 8 5
                                    

Hindi ako nakatulog ng maigi. 10am pa lang pero dilat na dilat na yung mata ko. Para akong tanga... iniisip-isip ko yung pag-uusap namin ni Kaye sa Twitter. Sanay naman ako humarap sa artista.. ano ba naman yan Marielle. Dala ba yan ng ginawa sakin ni Leo? Ah ewan!

Tumayo na lang ako sa higaan at inayos ang kama. Nagluto na lang ako ng lunch since tapos na ang trabaho ko at wala naman akong gagawin buong araw. Namiss ko mag-Tinola ah. Sige un na lang.

Habang nagluluto ako biglang may nagtext..

Jen: Bes gawa mo?

M : hi Bes! wala eto magluluto ng lunch ikaw?

J: samahan mo naman ako sa bazaar sa rockwell bes. 3pm ang start.. alam mo naman di ako magaling pumili ng damit haha!

M: lol sige bes.. dun na lang tayo magkikita ba?

J: ikaw bes pwede naman kita sunduin dyan mga 2pm?

M: ok bes see you

Nagkaron ako ng biglaang lakad. Ganyan tlaga yang bestfried ko ang hilig sa biglaang yaya. Pero ok lamg kesa naman magmukmok ako mag-isa dito sa bahay. Madalas gusto ko lang mag-isa pero may mga times din naman na masarap na nasa labas at nagliliwaliw. Magshoshopping na lang din ako.

Pagkatapos kumain naligo na ako at nagbihis na. Nag-ayos ako ng konti para naman mabuhayan ako. Maya-maya lang tunawag na sj Jen na nasa baba na sya.

1 oras bago kami nakarating sa rockwell galing quezon city. Medyo naipit mg traffic sa Edsa. Ano pa mga ba. Malaki yung bazaar ha at kumpleto.

Naglibot kami ng naglibot ni Jen at naka 5k na din ako sa mga binili kong damit,make-up at sandals. Hindi namin napansin na 4 na oras na pala kaming namimili.

"Omg bes past 7 na pala!" Sabi ko kay Jen

Tumingin sya sa orasan ng celphone nya

"Shit oo nga no hahha. Sarap kasi magshopping eh"

"Kain muna tayo sa mga booth sa labas bago umuwi bes" sabi ko kay Jen

"Sige bes kaso dipa ako uuwi ha. Dadaan pa ako sa mga pinsan ko sa Pasay gusto mo sumama bes?"

Medyo napagod na din ako kaya tumanggi na ako kay Jen.

Habang kumakain kami nakita ko group ng mga babae na kumakain din sa may area kung nasan kami nakaupo ni Jen. Pare-pareho sila ng suot.. nakalagay Team KayeCAL.

Bigla ko naalala oo nga ngayon yung gig nya sa Luna Cafe.. sobrang lapit lang nun dito.. in fact pwedeng lakarin.

Tinitignan ko lang yung group nila mukhang solid tlaga sila. Gumagawa pa sila ng ilang mga banners sa table. Nakakatuwa naman. Never ko pa kasi naexperience maging fangirl...

"Bes, i need to go na ha kasi baka gabihin ako masyado. Ikaw ba ok ka lang gusto mo isakay muna kita ng cab?" Tanong ni Jen

"Ano ka ba bes.. ang tanda ko na no. Kaya ko na to. I'll just txt you kapag nasa bahay na ako. Baka may daanan din ako after dito"

"San ang lakad bes?"

"Sa Luna cafe siguro... pero iniisip ko pa.."

"Omg beees! Don't tell me gig yan ni Lullaby?!"

"Di ako sure bes if pupunta ako... parang ang loser ko naman kasi magisa lang ako pupunta dun. Fan girl na fan girl lang bes? Haha"

"Hay nako bes eh dba ininvite ka.. tsaka para dika na din magmumok ng sobra sa bahay mo. You need to be with yourself and do the things you love... pak! O davaah bes music is one of them kaya gora na!"

IKAW ANG LAHAT SA AKINTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang