CHAPTER 2 - "Hi"

113 13 1
                                    


Nagulat at napatayo sa ring ng telepono ko. Tumatawag na si Paul researcher ko sa work..


"Hello Paul, goodmorning..."


"Ate Marielle.. kanina pa po ako tumatawag pasensya na po kailangan na po kasi natin magsend ng outline para sa story natin next week"


"Ah yeah oo nga pala.. nacontact mo na ba yung location and yung sponsor for the food?"


"Yes ate check na yun.. outline na lang kung paano yung takbo ng story ipapa-approve natin"


"Will do in an hour.. thanks Paul"


Pagkababa ng telepono tumayo na din ako.. nakalimutan ko na may deadline pala ako sa trabaho ko ngayon. Pagkatayo ko nakita ko yung picture namin ni Leo nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko. Kailangan matanggal ko na lahat ng memories namin dito.. pero kelan? Kelan ba ako may oras..

Sa trabaho ko bilang events and story producer tulog at ligo na lang ang inuuwi ko dito sa condo.

Naghilamos ako at kinuha na ang laptop ko para makapagtrabaho. Nagtimpla ako ng kape at umupo sa maliit na dining table ko...

Ang gloomy sa labas.. mukhang uulan ata. Sarap magsound trip habang nagwowork. Naisip kong magyoutube at makinig ng mga covers. Gusto ko lang tlaga din mag-emote pagkatapos ng nangyari kagabi. Hinanap ko agad boyce avenue tapos naka-auto play na lang yung mga susunod na videos.

Ganda ng music.. mas nakakapagtrabaho tlaga ako ng mabuti kapag nakikinig ako ng mga ganitong kanta.

Biglang nag-ring phone ko. Pagtingin ko tumatawag si JB bestfriend ni Leo...


"Hello Jb..."


"Mariel... ano ba nangyari. Nagpapatulong kasi si Leo na macontact ka. Pumunta daw sya dyan sa condo mo pero nakablack list na pangalan nya aya sya papasukin ng guard.."


"JB hayaan nyo na muna ako pls. Alam mo naman siguro ugali ni leo at yung mga pinagdaanan ko sa kanya.. kaya pakiusap ko lang naman sana he just leave me alone..."


"I understand. Ako na humihingi ng sorry sayo Mariel"


"You don't have to JB wala ka fault dito.. sige na ha at busy ako eh. Thanks JB bye.."


Pagbaba ko ng telepono napabuntunghininga na lang ako. Masakit oo at mahal ko si Leo pero nasagad na tlaga ako.. yung tiponh sukong-suko na ako at wala na ako kaya pang ibigay...


Naiiyak na naman ako..


Napansin ko iba na yung tugtog galing sa laptop ko.. ang ganda ng boses ng lalaki na kumakanta. Acoustic lang.. ang ganda ng pagkakakanta nya nung Stay ni Carol Banawa.


Bumalik ako sa pagkakaupo... tinignan ko sino kumakanta. Familiar sya. Iniisip ko san ko nakita itong Kaye Cal na kumakanta...


Ahhh ok naalala ko na. Sumali sya sa isang contest noon. Galing nya ganda ng boses.. i clicked na lang the playlist na puro covers nya para habang nagtrarabaho mapakinggan ko din iba pa nyang kanta.

Matapos ang 1 oras natapos ko na din yung outline. Sinend ko lang sa email ni Paul. Nakaramdam na ako ng gutom.. pero wala akong gana kumilos para magluto. Narelax ako sa mga kanta nitong Kaye Cal.

Tumawag na lang ako sa delivery para dito na lang ako sa bahay maghihintay mh feedback sa outline at bukas mahabang araw na naman dahil magshooshoot na kami ng story namin sa isang resort sa Antipolo... buti na lang busy ako ay diko maiisip si Leo.

Tinawagan ko si Jen, bestfriend ko. Malamang din nya at ginulo na sya ni Leo. Alam nya kasi na kapag may mga ganitong sitwasyon eh hahayaan na muna nya ako mapag-isa at kung ready na ako.. ako mismo ang tatawag.


"Bes?" Sagot nya sa phone


"Bes..." diko na napogilan sarili ko mapahagulgol...


IKAW ANG LAHAT SA AKINWhere stories live. Discover now