CHAPTER 11 - GITARA

101 9 0
                                    

Grabe kailangan ko yata ng jacket sa lamig ng boses niya... iba yung puso ng kanta kapag sya yung kumakanta. Diko maialis yung tingin ko sa kanya.. nanlalamig ako.

Nakatingin din sya sa akin habang nakangiting kumakanta. Jusmio,lalo pang nagpapakilig to. Diko na kinakaya para nakong naiiyak sa kilig. Naranasan nyo na ba yun? Yung tipong hindi nyo na macontain yung nararamdaman nyo..para ng sasabog yung dibdib nyo.

Tumayo na ako at pumunta sa camera nya...

"Ok na po ang ganda start na natin i-film. Aayusin ko muna yung set-up mo ha. Tayo ka muna dyan bilis"

"Sige.. mas gaganda yung cover ko nyan. Professional pa tumutulong sakin" panunukso nya sakin

"Che! Tayo na po at ng makatapos tayo agad"

Tumayo na siy at umupo sa inuupuan ko kanina. Nagre-arrange lang ako para mas maganda yung bato ng ilaw sa kanya. Ginawa kong mas prang romantic yung mood ng set. Nakikita ko sya nakatingin lang sa akin habang nakangiti.

Nung ready na nilapitan ko sya at tumayo sa harap nya habang nakaupo sya.

"Come on start na anong oras na o"

Pero diko kinaya susunod nyang ginawa. Humawak sya sa bewang ko. 2 kamay nya tapos pinangigilan yung bewang ko habang nakakagat sa labi nya.

"ouch! wag mo nga pisilin mga taba ko"

sabay palo sa mga kamay nya

"Haha ang cute mo kase! Parang strict teacher kung utusan mo ako"

Sa totoo lang naninigas yung buong katawan ko hanggang ngayon. Iba yung hawak nya.. parang madiin na parang nangigigil sa baby.

Hinila ko na sya patayo..

Pumuwesto na sya sa area na inayos ko kanina. Sinimulan na namin yung recording ng cover nya. Hay ang sarap lang pakinggan ng paulit-ulit. Nakailang takes din kami kasi gusto ko din kuhanan ng angulo ung gitara nya, kamay nya at bibig nya habang kumakanta sya. Did i already tell you how beautiful her lips are? It's plump and pink and just... i need to take these thoughts outta my head like seriously...

"Uhh hello?.. Hello? Marielle?"

Shit. Tapos na pala sya kumanta. Napatulala ako sa mga tumatakbo sa isip ko. 

"Oh why?" sagot ko sa kanya sabay talikod

"Naktulala ka kasi akala ko kung napano ka na"

"Ahh, medyo naramdaman ko lang pagkatipsy ko. Tara na iconvert na natin tong video at ieedit ko pa yan" Sabay lumakad nako palabas ng studio room

"Penge kape ha?" dagdag ko

Nsa labas na kami ulit sa may sala. Pumunta si Kaye sa kitchen para magbrew ng coffee. Habang hinahanap ko naman yung computer area nya... pero parang wala syang desk .. baka laptop sya nageedit.

"Hey Kaye? Bakit wala ka atang computer system? Sa laptop ka lang ba nageedit?"

Lumabas na sya mula sa kitchen area dala yung kape.

"Ms.Kulit eto na kape mo"

"Anong Ms. Kulit!" sabay palo ko sa braso nya

Natapon ng bahagya yung kape..

"Ouch , ang init!"

"Sorry po! ikaw kasi mapang-asar ka" natatawa kong sagot

Nilapag na nya yung kape sa coaster sa center table.. 

IKAW ANG LAHAT SA AKINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon