CHAPTER 11 - GITARA

Start from the beginning
                                    

"Tikman mo if pasado sa panlasa mo yang kape feeling ko choosy ka eh" ang hilig tlaga akong asarin nito

"Ok na yan basta pamapaalis antok... teka ano na saan ko ito ieedit? Aba mamumuti na mata ng fans mo nyan"

"Makikita din nila bukas paggising nila at least diba goodmorning agad" nakangiti nyang sagot

"Labas mo na lang yung laptop mo para nagtratransfer nako ng files "

"Umm nasa room ko kasi computer system ko. Yung laptop ko nasa kotse.. "

Pareho kaming natahimik. Parang may awkward wind na dumaan. Pero ako na nagputol..

"Oh di tara na ng makatapos tayo. Excited nako iedit to. Credit mo ko ha!" binuhat ko na yung kape ko at lumakad papunta kay Kaye. 

Lumakad na din sya to lead the way sa room nya. Binuksan nya yung pinto. Nakatayo lang ako sa labas habang nakatingin sa kuwarto nya. In fairness kay Kristine ang ganda ng pagkakaayos. Pagpasok mo ng pinto ay may maliit na hallway. May mga frames sa isang side ng wall na mga pictures ni Kaye at ng family nya. Sa kabilang side ng wall ay may pinto papasok sa wak in closet nya at cr na agad nyang sinara kasi sabi nya madumi daw.

Paglabas ng hallway makikita mo na yung kama nya na nakasandal sa malaking headaboard na halatang customized. White ang pintura ng wall kung saan nakasandal ang kama.  Cool  Gray ang pintura ng iba pang dingding samantalang wood naman ang flooring. Malalaki at matataas ang bintana na may mga dark curtains mixed with sheer na nasa gitnang bahagi ng bintana. Mukhang hotel.. mukhang ok tlaga ang career nya at naipundar na nya ito. 

Sa paanan ng kama ay may sofa na color dark gray at furry rur na puti. Sa tapat ng kama ay customized shelves naman at wallmounted na tv. Sa right side makikita mo na yung computer system nya na Imac.

Sa may right side ng kama nya may 1 gitarang nakatayo.

"Welcome to my haven" nakangiti nyang sabi sakin

"Okay ha! Ang ganda. Nanliit bigla yung unit ko dito haha"

"Blessings ni God, kaya sobrang thankful tlaga ako"

"Dun ba ako pupuwesto?" sabay turo ko sa computer nya

"Yup! buksan ko lang"

Umupo ako sa sofa nya habang iniinom ko pa din ang kape ko. Binuksan nya yug computer nya pero parang ang tagal. Naririnug ko pa yung sound effect kapag may dindrag ka sa trash... aba nagbubura! Ano kaya binubura nito?

"O ayan na po ready na yung computer, gusto mo ba lumabas ako?'

"No ano ka ba room mo to no, just chill dyan ako ng bahala dito" sabay tayo at pumunta na ako sa computer

Habang nageedit ako naririnig ko syang nagigitara sa may sofa. Iba-ibang kanta din yung tinatry nyang kapain sa gitara, mostly old love songs and mga boyband songs. Napaka-talented talaga nya.. iba yung kuha nya sa mga nota. Yung feelings ng kanta iba din..Pagkatapos ng 1 oras natapos ko na yung editing. Mabilis lang kasi simple edit lang naman ang kailangan dito..

"Boss eto na po ready na watch mo muna if approved"

"Wow ang bilis!" tumayo sya sa sofa at nilapag ang gitara doon. Pinlay ko yung video at nagsimula na syang panuoring.

Pumunta naman ako sa sofa at hinawakan ang gitara nya. 2 kanta lang ang alam kong tugtugin sa gitara na tinuro ni kuya... ang walang kamatayang More than Words at Zombie. Tinry ko tugtugin yung more than words, nagkakamali pa nga ako sa chords dahil ang tagal tagal na ng huli akong makahawak ng gitara. Sibayan ko na rin ng kanta.. 

Sayin i love you, is not the words i want to hear from you..It's not that I want to not to say but if you only knew.. how easy it would be to show me how you feel. More than words

Nagulat na lang ako sa malakas na palakpak at "WOOOOOW"

Napatingin ako sa kanya tapos na pala sya manuod at ako napala ang pinapanuod

"Ano ba! nagulat na naman ako jusko aatakihin ako sayo eh!"

"Marielle ang ganda ng boses mo ang lambing at ang se.."

"Sexy! Oo na sabi mo nga mala-Jaya!" sabay tawa ako

"Seryoso nga maganda sya! Tara jam tayo"

"Teka bago yan ano ba iuupload na ba yang video?"

"It was awesome! You're awesome!"

Sabay tumabi sya sa sakin sa sofa at inakbayan ako. Inipit nya yung mukha ko sa braso nya

Damn it. Ang bango talaga nya. Kinikilig ako ng sobra sa ginawa nyang yun pero tumayo ako para iupload na yug video. Sabi nya sya na raw magtatype ng title and description.

Nung nagproprocess na tinignan ko yung tinype nya...

SA AKING PUSO- ARIEL RIVERA (COVER BY KAYE CAL)

Alam mo yung feeling na sasabog yung dibdib dahil sa nararamdaman mo sa isang tao? Gusto mo lang iparating sa kanya kung gaano mo sya kamahal at sa puso mo ay nag-iisa lang sya?

Guys! #TEAMKAYECAL sana ma-enjoy nyo itong cover ko. Very special itong cover ko na ito because someone special helped me with this song.

Thank you to Marielle for your awesome skills with the filming and editing.

Aba mukhang may pinaghuhugutan siya.. tanungin ko na kaya yung sing-sing? Wag, masyado pang epal moves yun. Nagpaalam muna ako sa kanya na magbabathroom ako. Chineck muna nya bago nya ako pinapasok. Nilapag ko muna yung phone ko sa side table nya tapos nag Cr muna ako.

Paglabas ko nakangiti sya..

"Hoy bakit ganyan ang ngiti mo dyan?" Tanong ko sa kanya..

"Wala lang... may itatanong lang ako sayo.."

"Ano?"

"Sino si Lullaby?"

Parang nahulog yung dibdib ko sa tanong nya.. pano nya nalaman?!?!


IKAW ANG LAHAT SA AKINWhere stories live. Discover now