Chapter Six (warning:SSPG)

52.8K 629 40
                                    

NIYAKAP ko ang sarili ko, hinimas ang bahaging hawak kanina ni Dr. Martin. "I feel so dirty and guilty for feeling this way," garalgal na anas ko.

Sandaling hindi nakasagot ang lalaki. Hindi ko alam kung nabigla ba siya o hindi lang talaga alam kung ano ang magiging reaksiyon sa pag-amin ko. Lalo tuloy akong nahiya.

Maya-maya ay seryoso siyang nagtanong, "Bakit ka na-gi-guilty?"

Na-frustrate ako sa tanong niya. "I feel guilty because I enjoy it, okay? I enjoyed it when he used me for his own pleasure. I enjoyed the pain. I enjoyed being powerless against him. And I feel guilty that I'm still craving for more. At hindi iyon normal, hindi ba? Ikaw ang psychiatrist, ikaw ang magsabi sa akin. There is something wrong with me, right?"

Matagal na natahimik siya. Pinagsalikop ang mga kamay saka nagsalita. "Marahil. At marahil ito ang dahilan kaya kay may depresyon, hindi lang dahil sa heartbreak na naranasan mo. Kung pagbabasehan ang mga sinabi mo, you're... ex-lover might be sufffering from sadism." Napahinto siya sa pagsasalita. May dumaang emosyon sa mga mata niya na hindi ko nabasa agad dahil nagbaba siya ng tingin. Tumiim ang bagang niya at sandaling para bang nawala sa akin ang atensiyon niya, napunta sa kung saan na hindi ko alam. Mukha siyang... nasasaktan at miserable na hindi ko mawari. Pero bakit?

Nang mag-angat siya ng tingin ay bumalik na sa dati ang ekspresyon niya. "Pero hindi ko iyon idedetalye dahil hindi iyon ang kaso mo. You might have masochism. Pero hindi ko pa maipapaliwanag sa iyo ang talagang kalagayan mo dahil hindi ko pa alam ang extent ng mga ginawa ninyo. Hindi ko pa alam kung natural ka bang masokista at nakahanap ka ng taong compatible sa taste mo pagdating sa sexual relationship o baka iba ang kaso.

"Alam mo kasi, may mga couple na preferred ang ganoong klase ng sexual relationship bilang isang lifestyle. Katunayan, hanggang ngayon ay nagkakaroon pa rin ng diskurso sa field namin kung maituturing ba talagang mental disorder ang consensual sadism-masochism relationship. So if a couple enjoy such acts to spice up their sexual relationship, it doesn't necessary mean that they have a disorder. Ang gusto kong sabihin..." Lumambot ang ekspresyon ni Dr. Martin at bahagya akong nginitian. "Hindi mo kailangan isipin agad na hindi ka normal. You don't have to beat yourself up just because you enjoy something other people don't."

May bumikig sa lalamunan ko nang may init na humaplos sa puso ko dahil sa pag-unawa na narinig ko sa boses niya. "Thank you," paos na anas ko.

Tipid na ngiti lang ang naging sagot niya sa pasasalamat ko. Pero maya-maya lang ay sumeryoso na siya ulit. "Pero kung nagdudulot ng trauma para sa iyo ang masochistic tendency mo at kung may kadikit na masasamang alaala to the point na naaapektuhan ang pang-araw-araw mong buhay ay kailangan kitang gamutin. So that someday, you can make love with someone who adores and respects you. And you can find pleasure in it without you feeling guilty and dirty."

Namasa ang mga mata ko. "Posible ba iyon?" garalgal na bulong ko. "Posible ba na magkaroon pa ako ng panibagong relasyon sa isang lalaking mamahalin talaga ako?"

Natigilan si Dr. Martin. May kumislap na kung ano sa mga mata niya na hindi ko mabigyan ng pangalan. Nang kumurap siya ay nawala iyon. "Yes. Posible ang lahat ng bagay, miss Madrid. Kaya kailangan ko malaman kung kailan ka nagsimulang mag-enjoy at mag-crave for pain during sex. Kailangan ko malaman ang classification ng masochism na mayroon ka. There are four classes of masochism, you see? At kailangan kong malaman kung ano ka roon para makapag-formulate ako ng treatment na bagay sa iyo."

Napalunok ako. "So... kailangan kong sabihin sa iyo ang lahat?"

"Yes," seryosong sagot niya.

Uminit na naman ang mukha ko. Naumid na naman ang dila. Pero nang magtama ang mga tingin namin ay bumalik ang tapang ko. Kailangan ko itong gawin. Kailangan kong malampasan ang kabanatang iyon ng buhay ko. Para makausad ako.

PATIENT X (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon