TOTGA(KimCy)

644 20 2
                                    


"Ikaw kasi eh, wala sa training yung focus mo. Ayan tuloy nangyari sayo." Sabi niya habang ina-ice yung paa ko.

"Kim masakit?" Tanong niya napatingin naman ako sakanya. Seryoso ba siya sa tanong niya?

"Ikaw nagkainjury ka ng mas malala pa sa sprain tapos tatanungin mo kung masakit?" Napa iling naman ako.

"Hindi naman iyon." Sabi niya at diniinan yung towel sa paa ko.

"Ouch! Eh ano ba yun?"Reklamo ko sakanya.

"Yung magmahal?" Out of nowhere niyang tanong.

"Bakit mo naman biglang natanong yan ah Cyd?"

"Wala lang. Ano sagutin mo na." Pilit niya pa.

"Edi subukan mo ng malaman mo."

Sabi ko at napatingin nalang ako sa mga mata niya.

Simula nung tagpo na iyon mas naging close kaming dalawa.

"Teka lang naman!" Sabi ko at halos niyayakap na yung pretzel na binili ko.

"Bakit ba WAFS?" Kunot noong tanong ni Mika.

Etong damuho na ito ang dami na nakain, may gana pang magalit.

"Try mo kayang tirhan si Cyd noh?"

Sabi ko habang yakap parin yung pagkain.

"Huh?"

"Huh?"

"Huh?"

Kilala niyo yung HA-HA brothers sa eye shield? Ganon na ganon pagkasabi ng tatlo.

"Dami pa kaya niyan!" Sabi ni Carol at Ara.

"Tsss.."

Sabi ko at kumuha ng ilang piraso at nilagay sa isang plate.

"Kumuha nito papaslangin ko."

"TSS.."

"Kumuha nito hindi ko sesetan."

"Huh"

"Huh"

"Huh"

Napatawa nalang ako sa tatlo.
----

Palabas na ako ng gym ng bAiglang tinawag ako ni Coach.

"Kim.."

"Coach?"

"Follow me."

Sabi niya at umupo lang siya sa isang bench.

"Coach?"

"Kim..Alam mo naman na hindi ako ganon ka strict sa relationship diba?"

"Coach?"

"Pero alam mo naman ang limits diba?"

"Coach hindi..."

"Kayo ni Cyd..kung ano mang meron kayo kim itigil niyo na."

----------

"Ipaglaban mo siya Kim!" Singhal saakin ni Mika.

"Hindi nga pwede."

Alam ko naman na dinadamayan niya lang ako kaya lang.

"Tsaka ikaw? Hindi mo rin naman pinaglaban si Vic ah?!"

Napatahimik naman siya.

Shit naman Kim! Alam mo naman sensitive yung topic sakanya still inopen ko parin.

"Oo nga."

Tumayo naman siya at tumingin saakin."Shit Ye! I'm so--rry."

"And that was the biggest mistake of my life. Yung hindi siya ipaglaban. Yung makontento nalang ako na bestfriend kami na hanggang siya at ako lang at hindi na magkakaroon ng kami. Siya yung almost ko. My biggest what if...my TOTGA."

"Ayokong magsikerto kay Coach, para na natin siyang Tatay eh."

"Ikaw bahala Kim, kasi kung nasasaktan ka ngayon? Promise may mas sasakit pa diyan."

----

Akala ko mahirap na mag back set gamit isang daliri, pero mas mahirap pala ito.

So close yet so far away.

Cyd..aka...my totga..

The one that got away.

"Kim!"

Paalis na ako ng bigla niya akong tawagin.

Inayaan ko lang siya pero di ako lumilingon.

"Tinanong ko sayo dati...masakit ba magmahal? Ang sabi mo subukan ko para malaman ko."

Sandali naman siya napatigil sa pagsasalita.

"Sinubukan ko...Kim...ang sakit ang sakit sakit pala."

In another life I would make you stay.

The end

Synesthesia(UAAP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon