Tongue Tied(AraDen)

929 21 3
                                    

Sa nagrequest po nito hope you like it po, and dedicated rin sayo ito heher. 😊

---

"Den!"

Tawag ko sakanya, eto na after ilang iwas at pagkatorpe sasabihin ko na yung nararamdaman ko talaga sakanya.

"Bakit?" Sabay humarap siya.

Kaya mo yan ara, tama na ang pagiging torpe.





"Ang galing mo sa game kamina!"

Shit ka, Ara! Torpe ka kahit kailan.

"Ah? Salamat." Sabi niya sabay umalis.

Pagkaalis ni Den nagsilabasan naman yung mga kaibigan ko.

"Bro, Ano yun?!" Sigaw ni Mika.

"Sabi ko naman sayo Ye eh! Hindi aamin yang ai Ara uunahan nanaman yan ng kaba! Tsktsk."

"Sus!"

Teka? Bat mas mukhang sawi pa ito?

"Sus talaga! Kaya akin na yung 5,000 mo Ye! Talo ka sa pustahan." Sabi naman ni Bea.

Aha kaya pala! Pinagpustahan ako ng mga gunggong. Nakita ko naman na nilabas na ni Mima yung wallet niya at malungkot at halos naiiyak na dinukot ang 5k sa wallet niya. Sa amin pa naman siya ang pinaka kuripot haha.

"Ganyan kita kamahal at pinagkakatiwalaan Vic. Pinusta ko yung pang kain ko ng isang linggo." Sabi niya.

Napasibangot naman ako.

"Okay lang yan, Vic. Masasabi mo rin yan pero buti nalang hindi ngayon kaya ayan may extrang pera kami ahehehe." Sabi ni Kim

Napailing nalang ako.

Maraming beses na kasi nangyayari yun, misan yung mahal kita nagiging'kumain ka na ba?' Minsan gusto kong sabihin na gusto ko siya kaya lang lumalabas sa bibig ko.'ingat ka.' At yung kanina nga imbis na mahal kita naging 'ang galing mo sa game kanina!'

Tsk, sorry na torpe lang.

-----

"Yung flowers? Ready na ba?"

Tanong ko sakanila.

Eto na talaga seryoso na! Pinagpaguran na ng barkada itong pagamin ko na mula sa places and flowers hanggang sa foods.

"Sige pupuntahan ko na siya."

"Sige Vic! May tiwala kami sayo!" Sabi ni Bea at Kim si Mika naman nag thumbs up lang.

--

"Den!"

Tumigil naman siya sa paglalakad at lumingon saakin."Bakit?"

"Ano kasi...uhh..."

"Ano?"

Napatitig naman ako sakanya at napabuntong hininga eto..na woh.

"Mahal kita."


Yan ang gusto kong sabihin sakanya kaya lang ang lumabas nanaman sa bibig ko ay

"Den...ano bang paborito mong bulaklak?"

Grabe ka Vic! Wala ng mas totorpe pa sayo.

"Yun talaga sasabihin mo?" Natatawang sabi niya.

"O-oo."

HINDI HINDI GUSTO KONG SABIHIN NA MAHAL KITA KAYA LANG HINDI KO MASABI DEN SANA NABABASA MO NALANG YUNG ISIP KO

"Ang weird ah? Haha. Rose, sige Ara mauna na ako." lang niya at

-----

Pagbalik ko kung nasaan sila Mika.

"Asan si Den?" Tanong ni Kim.

Bumuntong hininga naman ako.

Gets na nila yun.

"Ehem."

Nagulat naman ako sa biglang pag ehem ni Mika.

"Pinagpustahan niyo nanaman ako?"

Grabe mga true friends nga talaga sila.

Naglabas naman ng pera si Kim at Bea at binigay kay Mika.

"Dapat pupusta ako sa aamin ka na Vic, kaya lang kailangan ko ng pera eh." SAbi ni Mika.

Napasibangot naman ako.

"Wag kang mag alala, Vic. Hahanapan kita ng torpesule ng magamot na yang ka torpehan mo." Dugtomg pa niya.

------

Nakita ko siya sa bench..

This time wala ng flowers...walang engrandeng place..walang masasarap na foods, lakas ng loob lang.

"Ara!"

Biglang sabi niya ng umupo ako sa tabi niya.

"Nagulat naman ako sayo." Sabi niya sabay tawa. Damn she's so damn beautiful.

"Den, makinig ka mabuti okay."

Tumungo naman siya at napabuntong hininga ako its now or never.

"May gusto sabihin sayo noon pa."

"Ano?"

"Mahal..."

Tangina shit.

"Mahal?" Siya.







"Mahal nung tuition natin noh? Buti nalang full scholar tayo!"

The end

Synesthesia(UAAP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon