Pilot Ballpen(KimDen)

709 22 3
                                    


"Ano ba naman yan Kim! Ikaw na ang umubos ng ballpen ko ah?" Reklamo ni Mika pero pinahiram pa rin ako ng ballpen.

"Bro, yung crush mo oh!" Sigaw ni Victonara, kaya agad ko naman siya dinambahan ng hindi na makapagsalita pa.

"Aray ko naman Kim!" Reklamo niya at tinulak ako.

"Ang ganda ganda talaga ni Den noh?" Sabi ko sakanila.

"Bro? Akala ko ba nasa galaxy ang star? Bat may naligaw sa mata mo? "React ni Mika, at nagawa pa niya magreact kahit subsob na siya sa pagkopya ng assignment namin.

"At nakapagcomment ka pa talaga ah? Bilisan mo na kumopya nga! Kokopya pa ako eh." Sagot ko sakanya.

At tinitigan ulit si Denden at sa hindi inaasahang pagkakataon napatigin rin siya saakin, kaya agad rin naman ako napatago sa likod ni Mika."Shit! Kim naman! Alam mo naman na 30 minutes nalang time na! Tingnan mo ginawa mo ginulo mo! Uulitin ko pa tuloy ito." Asar na sabi ni Mika at kumuha ng bagong papel.

Nagulo kasi yung sulat nagkaroon ng malaking line akala mo nilindol yung papel niya at may biyak sa gitna.

"Sorry na nagulat lang ako tiningnan niya ako."

"Oo nga nakakagulat nga naman! Tapos lalapitan ka pa noh?" Dugtong ni Ara habang umiiling iling pa.

"Anong sinasabi mo--"

"Kim may extra ballpen ka?"

Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita na anghel. Si Den, kaya naman naginginig akong binigay ang ballpen ni Mika.

"Salamat."

"Binigay mo ballpen mo ikaw naman walang ballpen ngayon." Iling iling na sabi ni Mika.

"Ayaan mo na na!" Sabi ko sakanya.

"Ano ka ba! Mahalaga ang ballpen! Kapag walang ballpen, walang notes.Kapag walang notes,walang pag-aaral. Kapag walang pag-aaral,walang diploma. Kapag walang diploma,walang trabaho. Kapag walang trabaho,walang pera. Kapag walang pera,walang pagkain. Kapag walang pagkain,magugutom. Kapag nagutom,papayat. Kapag pumayat,pumanget. Kapag pumanget,walang syota. Kapag walang syota,walang asawa. Kapag walang asawa,walang anak. Kapag walang anak,madidipres. Kapag na depressed,magkakasakit. Kapag nagkasakit,mamatay ka. Kapag namatay ka,wala ka na! Kapag wala ka na hindi ka na makakaamin kay Den! Kapag hindi ka nakaamin hindi magiging kayo! Kaya mahalaga ang ballpen."

"Guato mo Miks, saksakin ka nalang namin ng ballpen? Dami mong sinasabi eh." Irap sakanya ni Ara.

"Yuck gay," asar nito.

"Magsulat ka na nga lang diyan! At bilis bilisan mo naman kokopya pa ako!" Sabi ko dito.

"At paano ka makakasulat aber? Eh pinahiram mo kay Dennise ang ballpen mo?" Sagot nito.

"Oo nga noh."

"Pero may napapansin ako diyan kay Den ah! Bakit sayo lang nanghihiram ng ballpen iyan eh ang rami natin dito? I magine halos tatlong beses sa isang linggo nawawalan ng ballpen? Tapos sayo lang nanghihiram? Eh bakit hindi kay Mika, tutal para naman na siyang national bookstore at lahat ng kailangan natin dito eh nasa kanya. Hindi kaya may gusto rin sayo si Den? At yung paghiram kuno eh pagpapansin niya lang yun." Sabi ni Ara.

"Hala gago wag ka paasa!" Sabi ko sakanya at binatukan,

"Deh ganito nalang, bumili ka ng pilot ballpen doon sa nbs tapos dapat ma keep mo yun ng 1 week tapos kapag na keep mo yun ng 1 week umamin ka na sakanya. Bakit pilot? Wala lang."

Napatawa naman si Ara.

"Ayoko nga! Paano kung hindi niya ako gusto? Diba? Eto mas iniwasan ako non." Sagot ko sakanila.

Ewan ko pero napapayag ako ng mga ungas na ito sa plano ila.

After one week.

Ewan ko paano ko ba naingatan ng isang linggo ang ballpen.

"Den!"

"Hmm?"

"Gusto ko lang sabihin na gusto kita..."

Napatahimik siya kinakabahan ako sa sasagot niya,

Pero bigla siyang ngumite.


"Kada humihira, ako ng ballpen sayo hindi lang naman ballpen ang hinihiram ko sayo eh, pati atensyon mo eh. Gusto rin kita Kim."

The end

Synesthesia(UAAP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon