(3) Hang-outs and What-nots. (★)

Începe de la început
                                    

Ipinagpatuloy lang niya ang pag-iimbestiga sa kung kaninong boses ang kanyang narinig noon. "At nung Friday, nasa L517 ka ng around 6:30, I guess?"

"Yup. With like, 49 others."

"Then, ikaw nga yun! Ikaw yung kumakanta nun! You sound like him e." Agad agad? Wala pa siyang matinong proweba ah. Sakai sang klase kaming nandun. Out of 50, ako agad? Ano klaseng paged-deduct ba ginawa nitong si Chen? Natatawa tuloy yung utak ko.

"Ows? Pano mo nasabi eh hindi mo naman ako nakita? Tsaka may ibang tao pa naman dun sa hallway – mga higher years, di ba? Malay mo sa ibang room pa nanggaling. May klase din ako ng mga panahong yun." Rumason nalang ako. Nagdadasal na kakagatin niya yung rason ko. Sana nga.

"Tsss. Kainis ka naman eh. Eh sino yun?"

"Ewan ko lang.” Napatawa ako ng konti. “Bakit kasi hindi mo tinignan? Saka, ba’t interesadong-interesado ka?"

                “Oo nga naman, Chen. Sumabad sa usapan si Eclaire.

"May klase pa kasi ako nun eh… Nag-CR lang kasi ako. Paglabas ko, natripan kong dumaan sa hallway ng Lit. Eh nasa kabilang side pa ng hagdan yung music…" Halatang disappointed siya sa naging resulta ng imbestigasyon niya. “I like singers kasi e.”

"Awww. Kawawa ka naman."

"So hindi talaga ikaw yun?" Pagpipilit niya.

"Hindi nga."

"Weh? How do I know if nagsasabi ka ng totoo?"

"Maniwala ka nalang. Bakit kasi interesadong-interesado ka dun?" Tanong ko ulit.

"Eh kasi..." Nagblush siya bigla. "Nakaka-inlove talaga yung voice! Alam mo yun?" Hindi, hindi halatang kilig na kilig siya. Humahampas-hampas pa siya kina Reolla at Eclaire.

"Hayaan mo na yun! Magpa-singing contest ka nalang para malaman mo." Sabay tinawanan ko siya ng malakas na halos mabugahan ko na siya nung ice cream. Natawa kasi ako sa ideya ko. Parang yung mga contest lang sa TV.

Lumingon siya sa gilid. Hala! Mukhang may evil plan ata ‘tong mga ‘to ha. "Ayaw mo talagang sabihin ha... Girls…"

Nilamon – oo, nilamon talaga – ko yung natitirang ice cream at sinimulan kong tumakbo palayo sa kanila. Nagtagu-taguan kami dun sa mall. Grabe. Parang mga bata lang eh. Well, dahil magaling ako, hindi nangyare ang evil plan ni Chen sa'kin. Ako pa!

Mukhang magsasara na yung mall in any minute, kaya napagdesisyunan kong ihatid na sila pauwi. Gabi na rin kasi. Kung ma-pano pa mga 'to, sisihin pa ko ni Ren. Pero nag-take-out muna kami ng mga makakain sa Chowking. Masarap kasi ang chow fan nila e. Paborito ko yung beef, tas with siomai toppings!

.........

Una kong inihatid si Eclaire. "Bye, Air!" Sigaw nung dalawa. Nilingon niya kami, nag-wave at pagkatapos ay ngumiti. Woa! First time ko nakita siya ngumiti… Kanina kasi poker face talaga siya. Andami nang nangyari kanina parang wala man lang siyang reaksyon. "Sana lagi kang nakangiti! Mas bagay sa'yo." Sinigaw ko sakanya. Mukha na ba akong playboy neto? Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at biglang tumalikod na. Pagpasok niya ng gate, umalis na rin kami.

Tapos, si Reolla. "Bye, Ola!" May nickname pala si Reolla?

"Bye, Chen. Bye, Gerard. Ingat kayo ha? At Chen, hmm..." Sabi ni Reolla na para bang binabalaan si Chen. "Pasalamat ka mas malayo bahay mo sa'kin." Nagpout na naman siya.

Si Chen naman parang nang-aasar lang, pero sinabi rin naman niyang, "Oo no, patas ako kung lumaban." Sabay tawa ng malakas. Parang hindi naman nila kasama yung ehem... Pinag-uusapan... Ehem. Nila.

Nagsmile din si Ola samin. Wala! Iba pa rin ang smile ni Eclaire. Ay grabe. Parang isang gabi lang, nakalimutan ko na agad si Ren. Medyo bad boy.

Si Chen kasi ang may pinakamalayong bahay, sabi nga ni Reolla, kaya siya ang huli. Pero hindi naman kalayuan ang bahay niya kina Ola. Mga 20 minutes siguro.

"Thank you, Gerard!" Pero iba ang diskarte niya. Kinindatan niya ako. Ewan ko ba, natatawa nalang ako sa loob loob ko. Tumalikod siya na nakangiti. Pano ko nakita yun? Siyempre, alam ko yun. Maniwala nalang kayo.

"Thank you din! Good night!" Napailing nalang ako. Wag naman sana nila akong pag-agaw-agawan. Grabe, natatawa na talaga ako.

--------------------------------------------

A/N: The Media on your right represents the song Chen heard at the Lit department hallway. Hero, by Sterling Knight!

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum