(3) Hang-outs and What-nots. (★)

Magsimula sa umpisa
                                    

......

Ito, medyo nagkwe-kwentuhan na rin kami nung mga girls habang kumakain ng ice cream dito sa Dairy Queen. Little something about ourselves lang naman ang topic namin. Course, year, ganun. Hobbies. Yung mga common na pinag-uusapan. Siyempre, getting-to-know phase palang naman kami.

"Ui, Gerard. Bakit pala wala si Ren? She didn’t even text me." tanong ni Chen.

"Oo nga eh, di man lang siya nagsabi." Sabay pout ni Ola.

I shrugged my shoulders. "May aasikasuhin daw siya eh." Saka ko nagsubo ng isang kutsarang Strawberry Kitkat blizzard ko. Oo, mahilig ako sa strawberry. Bakit ba?

"Ah, baka they have date na naman." Sabi naman ni Chen, sabay subo with poise sa isang kutsarang Banana Split blizzard.

May boyfriend na pala si Ren? Haaaaaay! Kainis. Wala na palang pag-asa. Akala ko pa naman magiging masaya ang weekend ko. Puro pala kalungkutan! Gusto ko sanang malaman kung sino, pero ang rude naman nun. Baka isipin pa nila interesado ako masyado kay Ren. Interesado naman talaga ako, pero siyempre, wag naman pa-halata.

Omaygood. Baka sabihin niya sa boyfriend niya na kilala niya ako. So ayun, tinext ko na lang siya para sabihin na hindi dapat niya ipagkalat na kilala niya ako. Napaparanoid kasi ako; alam niyo na, anti-social ako. Saka may pinoprotektahan akong identity. Tama na yung itong tatlong to lang may kilala sakin. Masyadong lalaganap ang ka-gwapuhan ko niyan eh. Pero, bakit nga ba ayaw kong makilala ako? Basta, malalaman niyo rin yun.

"Ui, Gerard!" Tinigilan ko na ang pagtetext nang tawagin ako pabalik sa tunay na mundo ni Chen.

"Bakit, Chen?" First name basis na talaga kami. Isinilid ko na sa bulsa ko yung phone ko.

"Kumakanta ka ba?"

Sinimulan ko na namang atakihin yung ice cream ko. "Huh? Bakit mo natanong yan?"

"May narinig kasi ako kahapon sa university... Ganito yung kinanta niya..." Nag-hum si Chen ng isang pamilyar na tunog. Nakinig lang ako sa kwento niya. "Sinundan ko yung tunog ng gitara. Napunta lang ako dun sa Literature department. Yung hallway nila, wala nang masyadong tao. Di ba konti lang naman kayong sa BA Lit?"

"Oo. Two classes lang kaming second years. Nasa three to four naman ang higher years. Yung freshmen ata isa lang." I took one spoonful of ice cream upon explaining.

"Maaaga ba ang mga uwian nyo?" Interrogation ba 'to? Pero sige, sakyan natin ang trip. "Hmm, pinaka-late na ata ang 6pm sa pagkakaalam ko."

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon