" Yun lang naman pala. EH bakit may pasundot-sundot pa sa tagiliran. Lumayo-layo ka nga sa akin...Hindi ko na nga nakausap yung isa dahil sa kakulitan mo."
Nag-iba na naman ang mood niya. Naging seryoso ito.
"Huwag kang makikipag-usap dun. Alam kong may kailangan yun sayo at hindi maganda ang mangyayari kapag lapit ka nang lapit sa kanya. Naiintindihan mo?"
"Bakit naman kita susundin? Sino ka ba? Ha!"
"Hindi mo na kailangang malaman kung ano ang parte ko sa buhay ko. Ang kailangan mong gawin ay lumayo-layo ka sa kanya. Hindi yung ako ang pinapalayo mo. Ligtas ka sa akin. Sa kanya hindi."
"Owwss. Sure ka diyan? Alam mo iyang pinagsasabi mo? Baka nadadala ka lang sa ganda ko."
"Seryoso ako, CHANDA."
"E di seryoso nga." Tumango-tango pa ako. "Bakit ano naman ang dahilan mo at nasabi mong hindi ako ligtas sa kanya. Mas lalo yatang hindi ako ligtas sayo."
Parang napapalapit na kasi ako sayo. Madudungisan ng panget ang kagandahan ko.
"Huh?! Anong yung huling sinabi mo?"
"Wala. Panget na nga Bingi pa. Sus, nakakadisappoint."
"Basta, wag ka nang lalapit sa kanya. Masasaktan ka lang."
"At sa anong paraan naman? Ha! Tell me! Tell it to my beautiful face!"
Sigaw ko sa kanya.
"YUCK!"
Sigaw ng mga nakarinig. Mga inggitero at inggitera talaga tong mga tao dito sa cafeteria.
"May bagyo na yata rito. Hindi mo napapansin."
"Ano na naman yang pinagsasabi mo. Walang patutunguhan tong pinag-uusapan natin. Alis na nga ako. Bahala ka sa buhay mong panget ka."
Umalis na ako at nagliwaliw kahit saan na may nakabuntot na panget. Minsan tumatakbo ako para hindi niya ako masundan. Pero ganun pa rin sumusunod talaga sa akin. Akala niya hindi halata ang ginagawa niya. May patago-tago pang nalalaman.
Anong trip naman nito. Hindi ba siya makaget-over sa kagandahan ko at hinahanap-hanap na niya. Iba na talaga ang beauty ko. Nakakaadik.
"Hay. Baliw talaga."
"Ano naman ang nakikita mo? Kagandahan ko?"
"Asa ka pa."
"Bakit ka sunod nang sunod sa akin?"
"Bakit masama ba ang pumunta sa lugar na ito. Asa ka pang sinusundan kita."
"Eh ano naman tawag mo sa ginagawa mo? Akala mo hindi ko napapansin na kung saan ako pupunta, doon ka rin pumupunta. Masyado kang halata. Diskarte mo, pambaduy talaga."
Nakita ko ang biglang paglikot ng mga mata ni Jude Panget.
"Halika ka nga. May pupuntahan tayo...Ah hindi pa la. Malapit na pala ang sunod na klase natin."
Hinila niya ako saka bigla siyang tumakbo at tumakbo rin ako. Baka madapa ako at kaladkarin niya na lang. Masisira pa ang beauty ko ngayon.
~~~~~~~~O~~~~~~~~~
Apollo's POV
Nakita ko siyang nag-iisa sa cafeteria. Siguro, I need to start my mission now. Naiinip na si Dad at ayaw na ayaw niya yun.
Panget 16
Start from the beginning
