Yung mga nagcomment, sa kanila ko lang pinipili ang binibigyan ko ng dedication. Kahit na sa ganyan paraan lang, napapasalamatan ko kayo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~O~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chanda's POV
Araw-araw na kaming magkasama ni Jude panget. Walong araw sa pagkakabilang ko. Hindi kasama ang sabado at linggo.
No'ng ikaanim na araw. Hinahatid niya ako sa entrance ng village. Sinasabihan ko nang huwag na. Pero pilit pa rin ng pilit. Layo na nga ako ng layo sa kanya. Lapit pa rin siya ng lapit. Ang alam ko lang na dahilan ay dahil siguro sa utang na hindi ko pa nababayaran..o dahil sa kagandahan ko. Bahala siya.
Saka nagtataka rin ako kung bakit ayaw ko namang bayaran ang utang ko. Ngayon kasi parang nasasanay na akong makasama siya. Kung mababayaran ko siya. Wala na. Pero panget naman siya...maganda ako. Walang konek diba. Pero bakit ganun pa rin yung nararamdaman ko?
Sa ngayon, medyo nakikilala ko na siya, masasabi kong mabait naman pala siya. Kahit na minsan inaasar niya ako. Hindi lamg pala minsan, lagi. Lagi niya akong inaasar. At ngayon ko lang narealize, kaya ko pa lang mamuhay kasama ang isang panget. Wala pa lang mawawala sa akin.
Pero may isa pa akong nahihiwagaan ngayon. At yun ay ang isa sa mga ambulansiya. Minsan nakikita ko siyang tumitingin sa akin. At isa lang ang ibig sabihin nun. May kailangan siya sa akin. And definitely ito ay ang ganda ko. Nahuhumaling siya sa ganda ko. Harharhar. Dumadami na sila.
"Hi."
Napatigil ako sa pagkain. Bumati sa akin si AA. Oo si AA na alam kung naiinis sa akin o namumuhi sa akin.
Napatingin ako sa paligid, sa loob ng cafeteria. Marami akong nahuhuling matatalim na mga mata. Gusto nila akong sugatan. Nginitian ko lang sila. NapaEww lang yung iba.
Napabalik ako ng tingin kay AA, gumalaw kasi siya. Nakita kong ngumiti siya. Ano ito? Pero kakaiba ang ngiti niya. Tila may halong pagnanasa....pagnanasa nga ba? Parang hindi. Parang pag-aalala. Halo-halo. Hindi ko alam.
"Who you?"
Tanong ko na lang sa kanya. Nagdesisyon na kasi ako na hindi ko na siya gawing boyfriend. Napapagod ang ganda ko. Saka nagiging kaibigan ko na rin yata si Jude at hanggang ngayon hindi pa rin sila gumagawa ng paraan para paalisin si Jude. Baka nagsawa sila na gumawa ng hindi maganda.
Nakita kong nangunot ang noo niya sa pagtanong at pagtitig.
"Nakalimutan mo na?"
"Hindi ka naman importante sa buhay ko. Bakit kita alalahanin? Right?!"
Alam kong nabigla siya sa nasabi ko. Kitang-kita ko iyon sa mukha niya. Pero maya-maya ay umiling-iling siya.
"Weird. So weird."
Mahina niyang sabi at ngumiti lang siya. Umiiling -iling na lang ako.
"Ikaw ang weird. Diba ayaw mo sa akin. Bakit lapit ka ng lapit sa akin. Akala mo hindi ko narinig pinagsasabi mo diyan."
"Panget!"
Lumingon ako sa sumigaw ng maganda kong pangalan. Kasabay ng paglingon ko ay ang pagtili ng mga babae sa loob. Ang weird nila. Si Jude Panget lang pala.
Nakita kong tumatakbo siya papunta sa akin. Napansin ko ang madilim niyang mukha. Anong nangyari dito? What's happening in my beautiful world?
"Oh, ano na naman ang kailangan mong panget ka!"
