Masyadong lang akong masaya kaya bigla akong nasapian ni Chanda. Kaya heto na ang update.
------------------------------------------
Panget 3
Chanda's POV
At.....may nakita akong tatlong lalaki na ubod ng angas kung lumakad. Akala mo sa kanila ang daan.
Pinapaalis kasi nila ang mga taong nakaharang sa daraanan nila. At saka kusang pumapagilid naman ang ibang mga estudyante kapag nariyan na sila. Parang ambulance lang ang peg ng mga ungas at mga estudyante naman, uto-uto lang.
Anong eksena na naman to. PaF4-F4 effect. Walang originality. Nakakasawa na.
Ay teka...1...2...3. Tatlo lang pala sila. Hehehe. F3 pala.
At isa pa hah, hindi man nila naiisip kung may mababangga sila. Again, parang ambulance lang ang peg. Mga feeling. Sana madapa sila.
At yun nadapa sila at nagpagulong-gulong at........namatay. Joke! Taray ng imagination ko, harsh lang.
Opps. Papunta pa yata sila sa cafeteria at, take note...makakasalubong ko pa sila. Anong karapatan nila para salubungin ang kagandahan ko. Pero bahala sila, hindi ko sila hahayaang masapawan ang kagandahan ko.
At hindi ko sila papansinin. Basta h'wag lang nila ako pangunahan. Dahil....susundan ko sila.
Ito rin. Kung ang iba, bibigyan sila ng daan. Ibahin niyo ako. Hindi ako magpapaintimidate sa mga presensiya nila. Dahil hindi iyon dapat maramdaman ng mga magaganda.
Saka ito pa. Masyado silang papansin. Hindi katulad ko. Hindi ako feelingera nito hah. Masyado lang maganda. Kaya..hindi ko na maiwasang umapaw na. Nakakasawa na ang kagandahan ko. Sobrang napapansin na kasi. Hehehe.
For example, paglalakad ko pa lang, agaw-pansin na.
Like this...
1st level. Walk like a cat....tararan...Catwalk.
2nd level. Walk like a cobra...tararan...Cobrawalk
3rd level. Walk like a duck....tararan...Duckwalk.
Lastly, ang pinakadabest sa lahat. Walk like a tsunami...tararan...Tsunamiwalk.
Siguradong hahawi sila at magtatakbuhan. Sure ako diyan. Hahaha
Iba na kasi ang maganda.
"Baliw!"
Hala sino yun?! Pagtingin ko sa harapan, may isa na namang hindi ko kilalang nilalang ang sumulpot bigla at the presence of my eternal beauty. Taray!
