Kahit na masakit ang ulo ko ngayon, napilit pa rin ako ni Chanda na e-post to ngayon. I can't say no to her.
Kung namiss niyo si Chanda. Vote and Comment na.
______________________________________
Chanda's POV
Maaga akong nagising. Pero bago ako natulog kagabi nilagyan ko ulit ng tela ang malaking salamin sa kwarto ko.
Pagkagising ko pumunta agad ako doon. Naeexcite ako sa makikita ko.
"Salamin, salamin. Ipakita sa akin ang kagandahang angkin." hinila ko pababa ang telang puti.
"NAY! NAY! NAY!" sigaw habang tumatakbo papunta sa pintuan.
Bago ko pa nabuksan ang pintuan ay nailuwal na nito si nanay na habol ang hininga. Alam kong tumakbo siya sa pagmamadali. Gusto ko kasing ibalita kaagad sa kanya ang nakita ko.
"Ano yun anak? May masama bang nangyari?"
"Wala nay. Hali ka, may ipapakita ako sa'yo."
Hinila ko siya papunta doon sa salamin.
"Nay, nakikita mo ba ang nakikita?"
"Oo, baby." tumango-tango pa siya. "Ano ito?"
"Diba nay..............................mas lalo akong gumanda?"
"Oo, baby. Sinong gumawa nito?"
"Ako ang gumawa nito nay. Diba ang galing ko." tuwang-tuwa pang sabi ko kay nanay.
Nagmake-up kasi ako kagabi at hindi na inalis. Gusto ko kasing masorpresa ako sa bago kong kagandahan. Akala ko masyado na akong maganda. Ganun pala, may mas maigaganda pa pala ako.
Ang galing ko lang diba.
Saka huwag kayong mag-assume diyan. Hindi ito kasali sa plano kong gawing boyfriend ang ambulansiyang iyon.
Bakit ako nagmake-up? Wala lang. Trip ko lang.
"Proud na proud ako sayo baby. Ang galing mo talaga. Saka..bakit ngayon mo lang iyan ginawa. Sana noon pa. May nagugustuhan ka na sa school niyo no?"
"W-wala ah." pagdeny ko.
Ngumiti lang ang nanay ko. Yung ngiting nakakapanukso. Yung parang may alam.
Kaya naisip ko, wala nga ba? Ba't nauutal ako.
