Dahil nagflow ang mga image sa utak ko ang mga nangyayari kay Chanda. Heto ang bagong update. Gusto ko na talaga si Chanda. Lagi niya akong pinapatawa. Sana buhay na lang si Chanda.
Mag-aaral kaya ako ng witchcraft para buhayin si Chanda. Sino ang may gustong buhayin si Chanda? Itaas ang kamay. Takpan ang kili-kili. Gawa tayo ng kulto! XD
Kung mayrequest kayo sabihin niyo lang. Basta makakaya ko. POV ni kwan o magtumbling si Chanda. Kahit ano basta kaya ko.
--------------------------------------------------------
Chanda's POV
Hala?!!! Tatawa ba ako o matatakot?!! Lagot na!
Yung sinuntok ko kasi...NagkaBLACK-EYE na. Nangingitim na ang gilid ng kaliwa niyang mata. Hulmang-hulma talaga sa mata niya. Perfect!
Hindi lang pala ang mata niya ang black. Pati aura niya. Dahil kaibigan niya ang mga ambulansiya ay nakisama na rin sa pagsabog ng maitim na aura. Nakatitig talaga sila sa akin na parang papatayin ako. O baka nagagandahan talaga sila sa akin. Tatanggapin ko naman ng maluwag sa loob ko.
"Pffftt!" Pagtgtigil ko sa aking tawa. Ang ganda kasi ng pagkahulma.
"Hahaha." hindi ko na napigilan ang tawa ko.
"HAHAHA." mas malakas na tawa ko.
"BWAHAHAHA" ang pinakamalakas na tawa ko.
Unti-unti akong tumigil sa kakatawa. "Ha...ha...ha...ha."
Pahina ng pahina ang tawa ko. "Ha...ha...ha...ha."
Hanggang sa naging tanong ito. "Ha?!
Ako lang kasi ang tumatawa. Bakit ayaw tumawa ng iba? Hindi ba nakakatawa itsura ng bastos na nasa harapan ngayon? Saka kasalanan niya naman yan eh...kasi, hindi marunong magkontrol ng kamay. Nasuntok ko tuloy.
Pero ang nakakatakot.
Natatakot ba ako? Parang hindi eh. Halos lahat na yata kasi ng nasa paligid ko ay umitim na rin ang aura. Kasama na rin ang prof namin diyan. Nakikibagay rin. Tsk. Peer pressure na naman.
Inikot ko pa ang paningin ko sa loob ng classroom at tutok na tutok sila sa akin. Hala?! Gusto din nila magkaBLACK-EYE? Pagbibigyan ko sila. Pero isa-isa lang. Mahina ang kalaban nilang maganda.
Pero...hanggang ngayon pinipigilan ko pa rin talaga ang paglabas ng tawa ko.
