"Sinigawan mo siya?!"

Tanong bigla ni Jude Panget. Epal talaga.

"Huwag ka nga makisingit, panget" sabi ko kay Jude Panget. "Ahhh. Yun. Wala lang yun. Sisiw lang yun. Napakaliit na problema. Ayaw kong maistress ang ganda ko."

Sabi ko naman kay AA. Saka binalewala ko na lang ang mga napapansin ko sa kanya. Wala naman siguro siyang gawing masama sa akin.

"Nabigla lang kasi ako. Ambilis mo naman kasi na magdesisyon na maging boyfriend ako. Weird mo talaga."

Humahalakhak pa siya. Ang mga tao naman sa paligid nakatakip ang kamay sa bibig na animo'y shocked sa mga nakikita nila. Mga weird sila hah. Hindi ako ang weird.

"Huwag mo nang gawin yun. Pwede naman tayong maging friends kahit hindi mo na gawin yun."

Singit ni Jude Panget. Kaya napabaling ako sa kanya.

"Ganun?"

"Saka medyo okay naman tayo. Kaya nasabi ko yan. Huwag kang mag-assume na gusto kita. Panget ka, gwapo ako. Diba...ang sagwa tignan, kapag naging tayo."

Humahalakhak pa siya.

"Ikaw ang nag-iisip niyan. Hindi ako. Pero dahil nasabi mo na yan. The feeling is mutual. Ang sagwa nga. Maganda ako, panget ka. Tama, ang sagwa."

Humahalakhak rin ako.

"Tsss."

Bumaling ulit ako kay AA. Grabe na ang beauty ko. Napapagod na sa kababaling sa dalawang panget na to.

"Pasensiyahan mo na tong kasama ko. Hindi pa siguro naturukan, kaya ganyan yan."

Nginitian niya lang ako. Waaaah. Ano yun.

"Naiintindihan ko naman. Baka ayaw niya lang talagang lumapit ako sa'yo. He's just being protective. "

"Protective ka diyan. Nang-aasar lang ang panget na yan."

"Kung magsalita ka parang wala ako rito."

"Sige, I need to go. Baka mag-aaway pa kayo dahil sa akin. Bye..."

"Chanda Maganda."

Pagpapatuloy ko sa sasabihin niya. Nginitian ko siya nang makapalaglag brief. Napatawa lang siya.

"Bye, Chanda."

Saka umalis na siya at pumunta yata sa barkada niya.

"See, hindi niya mabigkas ang MAGANDA. Magkakasundo kami doon."

Nakatingin pa rin ako sa pinuntahan ni AA. May napapansin talaga ako. Pero wala pa akong basehan kung tama nga ba ang naiisip ko o baka guni-guni ko lang.

Saka nahahalata kong ang harot ngayon ni Jude Panget. Ano rin ang problema nito? Madami na'ng may problema yata ngayon.

At least ako....Nakaramdam agad ako ng lungkot. Napapansin ko kasing medyo naging iba si nanay sa akin. Minsan hindi niya na ako pinapansin o kaya umiiwas siya sa akin. Gulung-gulo na ako. Parang may nararamdaman akong hindi magandang mangyayari sa susunod na mga araw.

"Oh anong problema mo diyan. Panget ka na nga pumapanget ka pa."

"Ikaw ang may problema diyan. Bakit masyado kang clingy sa akin?"

Pagdedeny ko. Mabuti rin at kumagat siya.

"Anong clingy ang pinagsasabi mo diyan? Kinukuha ko lang yung utang mo sa akin. Matagal na kaya iyon."

Ilusyunadang PangetWhere stories live. Discover now