Tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa akin. Madilim pa rin ang mukha niya. Hingal pa rin siya. Kumukulog-kulog pa yata ang nasa bandang likod niya. Tawa na lang ang kailangan para mas pumanget pa siya.

"Yung..."

"Oo, yung utang ko. Mukhang pera...mayaman naman, bakit pa kailangang bayaran. Tsss. Haynaku, kung hindi ka lang siguro mabait.,..hindi ako magtitiis sa pagmumukha mong panget ka."

"Ang hangin rito. Whooosssh. Ang lakas talaga. Hindi mo ba nararamdaman?"

Pang-aasar niya sa akin. Tapos naupo siya sa tabi ko. Sa tabi ko talaga. Nagbago na rin bigla ang mood niya, kasi ngumingiti na siya.

"Hoy, bakit ka dumidikit sa akin. Lumayo ka nga. Baka magiging panget ako. Chupi! Chupi! Shoo! Shoo!"

"Yieee. Naiilang siya. Ikaw yata ang may HD sa akin."

Sinundot niya pa ako sa tagiliran.

"Aba! Lumayo ka sa akin. Wala akong HD sa yo. Panget ka, hindi ka deserving ng HD."

"Ehemmm!"

Napatingin ako kay AA. Naano na naman ang isang 'to. May ubo?

"Oh. Nandiyan ka pala...classmate. Hindi kita napansin ah."

Himig asar rin na sabi ni Jude Panget kay AA. Mortal na magkaaway ba talaga sila? Pero parang wala lang naman kay AA.

"Okay lang."

Ngumiti lang siya kay Jude panget. Hindi naman siya naasar.

"Itigil mo nga yan Panget."

Singhal ko sa kanya. Napakaepal na Jude Panget.

"Wala naman akong ginagawang masama ah."

"Akala mo lang wala....pero meyron, meyron, meyron."

"Opps! Tama na. Hanggang diyan na lang. Alam ko ang kasunod niyan. Huwag mong subukan."

"Nakita mo rin yun noon?...Paborito ko na movie yun."

"Ehemm. Pwedeng makiupo?"

Pagpuputol ni AA sa pagkaepal ni Jude Panget.

"Huh?"

Nabigla ako sa hiling niya. Bakit kailangan niya pang magtanong sa akin, kung pwede namang umupo. Hindi naman yan sa amin.

Hindi na nga kami nakasagot nakaupo na siya. See. Narealize niya.

Tinitigan niya lang ako. Tinitigan ko rin siya. Nagtitigan kami.

"Aray. Bakit ka nangungurot diyan?! Feeling close kang panget ka. Lumayo ka nga. Hindi bagay ang magandang si ako sa panget na katulad mo. Teka muna. Huwag ka ngang magulo, may kailangan yung tao oh."

Nagpout lang ang panget. Nagpout rin ako at napatulala sa kanya. Pero inalis ko agad ang tingin ko kay Jude panget at saka humarap kay AA.

"Ano pa la ang kailangan mo?" tanong ko kay AA. Tapos may naramdaman na naman ako. "Tumigil ka nga kasusundot diyan. Kakagatin kitang panget ka."

Tumawa lang si Jude Panget.

"Sorry pala kahapon, kung nasigawan kita."

Sabi bigla ni AA sa akin na may pilit na pagmamakaawa. Hmmm.

Ilusyunadang PangetWhere stories live. Discover now