4

192 15 7
                                    

Gino

Kahit hirap na hirap ako dahiĺ sa tama ng baril sa balikat ko, nagawa ko pa din makaupo. Sapo ko ang balikat ko, inilibot ko ang paningin sa buong kapaligiran. Madilim at tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa islang iyon.

Tiningala ko ang buwan at mapait akong ngumiti, Tang ina! Buhay pa pala ako!

"K-kuya? Okày ka lang?" Nilingon ko ang babaeng nasa tabi ko.

"Sa tingin mo ba okay lang ako?" Ipinakita ko sa kanya yung kamay ko na may bahid ng dugo. Napasigaw naman siya at mabilis na tinakpan ang mukha ng dalawang kamay niya.

"Pàhiram ako ng shawl mo." Nag angat siya ng mukha at nagtatakang nilingon ako. "B-bakit?" Napahawak siya sa telang bumabalot sa leeg niya. " 'Wag ka na magtanong basta akin na 'yang shawl mo!" Tila natakot siya sa bahagyang pagtaas ng boses ko kaya agad naman niyang tinanggal iyon at inabot sa akin.

"Itali mo sa balikat ko." Utos ko sa babae.

"H-ha?"

"Tsk. Ang sabi ko itali mo sa balikat ko! Bingi ka ba?" At tulad kanina, takot ang rumehistro sa mukha niya. Agad siyang tumayo at lumipat sa kaliwang bahagi ko at dahan dahan na hinawakan ang shawl. Tiningnan ko ang mukha niya, hindi ito nakatingin sa akin pero kahit na medyo madilim kita ko sa ekspresyon niya na hindi siya komportable sa ginagawa niya.

Kagat niya ang ibabang labi niya habang ang mga kamay ay nanginginig. "Giniginaw ka na?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. "Natatakot ka sa dugo?" Nang banggitin ko iyon ay lalong nanginig ang mga kamay niya at halata dito na nagpipigil siya ng pag iyak.

Nang matapos niyang maitali yung shawl agad kong hinawakan ang kamay niya na nanginginig pa din sa takot. "S-salamat."

Nagtataka naman siyang nag angat ng mukha. "Salamat, kasi kahit alam mo na gusto ko nang mamatay, niligtas mo pa din ako."


=========

Sky

Natatakot ako. Yung takot na nararamdaman ko kanina nung tumalon kami mula sa sumabog na cruise, dumoble ngayon. Dahil iyon sa presensiya ng lalaking kasama ko ngayon. Kung may mga taong humahabol sa kanya, natitiyak kong hindi ako ligtas sa kanya at tingin ko din ay hindi siya mabuting tao.

Naalala ko bigla yung nangyari nung tumalon kami. Ang akala ko ay katapusan ko na din dahil hindi naman ako marunong lumangoy, pero hindi niya ako binitawan. Kahit na hirap na hirap na siya dahil sa natamo niyang tama ng baril nagawa niya pa din akong mailigtas. May nakita kaming lumulutang na life vest at madali niyang isinuot sa akin iyon.

"Isuot mo 'to, bilis!" Kahit na nanginginig ay madali kong naisuot yung vest.

"I-ikaw?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko din yung dugo na dumadaloy sa balikat niya. Hindi siya nagsalita bagkus ay hinila niya ako patungo sa isla na di kalayuan.

Malapit na kami sa isla nang maramdaman kong bumitiw siya sa pagkakahawak sa akin. Nilingon ko siya, "K-kuya??" pero hindi ko na siya makita.

Mayamaya naman ay naramdaman na nang mga paa ko yung buhangin. Agad akong tumakbo upang makaahon na sa malamig na tubig.

"Kuya?? Kuya, nasaan ka?" Tinig ko ang bumasag sa tahimik na lugar na yun. Magkahalong takot at ginaw ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.

Nang hindi sumagot yung lalaki, napasalampak na lang ako sa buhanginan at mahigpit na niyakap ang sarili. Naaawa ako sa sarili ko nang mga oras na yun. Iniwan ako ng mga magulang ko at itinakwil naman ako ng auntie ko.

Gino AithenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon