Fading Love

27.8K 332 32
                                    

Hi guys at dahil gumagana ang utak ko ngayon simulan ko na ang Till Death Do Us Part bad trip nga lang at natalo ang ginebra.

Before I start gusto ko lang sabihin na ito ay gawa gawa ko lang kaya nga fictional kung sakaling mga paniniwala kayo after death or about paranormal pakisarili na lang kasi fictional ko to hehe

Picture of Leonard Charles Aguilar on the right======>>>>>

Song is Wala Na Bang Pag-ibig by Jaya

===============================================================================

CHAPTER ONE

 LC's Point of View

Pagmulat ko nang aking mga mata ay bumungad kaagad sa akin ang nakangiting mukha ni Raven, hawak hawak nito ang isang tray kung saan nakalagay ang almusal ko.

Ako nga pala si Leonard Charles Aguilar pero mas gusto kong tawagin LC ang haba naman kasi nang pangalan ko, at ang taong nasa harapan ko ay ang long time partner ko na si Raven David.

We've been together for almost five years already, naging kami nang nasa college pa lang kami at ang mga nakaraang taon ay naging sobrang saya lalo na nang magsimula kaming magsama sa isang bahay.

Ngunit siguro dumadating ang mga panahon na unti unting nababawasan o nawawala ang nararamdaman pag-ibig natin sa taong inakala nating gusto nating makasama buong buhay natin.

"Good morning sleepy head, kainin mo na ang almusal mo." nakangiting sinabi ni Raven na nagputol nang daloy nang mga iniisip ko.

Mabait si Raven at ramdam na ramdam kong mahal na mahal ako nito, halos ang buong buhay nga nito ay umiikot na sa akin at parang ako na lang ang center of the universe pag inasikaso nito, ngunit parang wala na iyong kilig at saya sa mga ginagawa nito sa akin, hindi ko alam kung kailan nga ba nagsimulang magbago ang nararamdaman ko, bigla nang lang paggising ko ay iba na pala ang nararamdaman ko.

Wala akong ganang kumain sa totoo lang ngunit ayaw ko naman saktan ang nararamdaman nito kung saka sakaling hindi ko kinain ang hinanda nito, tahimik lang ako habang kumakain at pinagmamasdan si Raven na abala sa paghahanda ng gagamitin ko papasok.

"Hayaan mo na yan Raven, baka mahuli ka pa sa trabaho mo." ang sinabi ko dito matapos kong maubos ang pagkain sa harap ko.

"Ok lang, maaga pa naman ang gusto ko maging maayos ang pagpasok mo." nakangiti nitong sinabi sa akin at nagpatuloy lang sa pag-aayos nang gamit ko.

Hinayaan ko na lang ito sa ginagawa nito at dumiretso na ako sa banyo para makaligo na at nang makaalis na din sa bahay na iyon.

For some reason being in the same room with Raven made me feel suffocated, siguro masyado na akong nasasakal sa binibigay nito sa akin na pagmamahal.

Papalabas na sana ako nang bahay nang marinig ko ang pagtawag nito sa akin.

"LC sandali lang!" ang humahangos na sinabi sa akin nito at nang lingunin ko ito ay nakita ko ang hawak nitong lunch box.

"Salamat." ang simple kong sinabi dito and I was about to leave when he said something na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

"I love you." madamdamin nitong sinabi sa akin, tatlong salita na musika sa tenga nang taong nagmamahal ngunit para sa akin tatlong salita na tumatali sa akin sa taong nasa likuran ko.

"I love you too, sige una na ako." ang agad kong sinabi dito at dali dali na akong sumakay sa kotse ko palayo sa lugar na iyon, hindi ko na tuloy narinig ang iba pang sasabihin nito, ang gusto ko lang ay makalayo sa kanya.

Scared To Death (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon