[29] Ang Pag Buhay

Start from the beginning
                                    

Napatingin ako sa isang lalaking nagsalita.

"Mali ang istilo na paghiling mo!" sabi ko. "Magtiwala ka muna bago ka humiling. Paano Niya tutuparin yan kung hindi niyo Siya pinagkakatiwalaan. At hindi ako ang daan para maging marangya kayo. Ako lamang ang magtuturo sa inyo ng gagawin niyo."

Tumawa ang ilan.

"Hindi naman namin siya nakikita! Paano kami magtitiwala. Maniniwala lang kami kung bubuhayin mo ang taong yan!" Tinuro niya si Pedro. Duguan si Pedro at hindi na humihinga. Hindi ito ang paraan para mapaniwala sila. Hindi ko kayang buhayin si Pedro dahil hindi ako si Jesus.

"Pahintulutan niyo sana kaming dalhin ang taong ito." sagot ko. Hindi sila maniniwala sakin kaya alam kong marami pang araw.

"Hindi nga pwede!"

Nagkatinginan kami ni Israel. Taimtim akong nagdasal. Hiniling kong 'sana ay pagbigyan kami ng mga taong ito' kailangan niyang mailibing ng maayos.

"Handa ka bang masaktan?" tanong ko kay Israel.

"Handa ako."

Inakay namin si Pedro at hindi namin pinansin ang mga tao.

"Hayaan niyo sila!!" sigaw ng isang babae na humarang sa daan. Humarap ito samin. "Mga ginoo, dalhin niyo na ang patay na yan." sabi nito at sinamantala namin ang pagkakataon. Inakay namin si Pedro.

"Umalis ka binibini!" utos ng alagad ng batas.

"Naniniwala akong totoong may Diyos!" sabi uli ng babae. "Ako man ay napaisip kuny bakit ako nakakapagsalita kaya simula ngayon ay hindi na ako makikisama sa pagpatay ng may kasalanan. Pati ako ay madadamay lang kung magalit ang Diyos. Paano nga kung totoo Siya? Hindi niyo ba naisip yun?"

Ngumiti si Israel. Dinala namin si Pedro sa bahay niya para linisin, bihisan bago ilibing.

"Nalulungkot ako sa taong ito. Gusto sana niyang magbago." sabi ni Israel.

Tumingin ako kay Pedro. Wala nang dugo. Buo ang katawan. Namatay siya dahil sa bugbog.

"Buo ba ang paniniwala mo sa Diyos?" tanong ko kay Israel.

"Buong buo."

"Naniniwala ka bang mabubuhay pa si Pedro?"

Seryosong napatingin sakin si Israel. "Alam kong wala nang literal na himala ngayon. Buo ang paniniwala ko sa Diyos pero alam kong oras na ni Pedro. Gusto na siyang makasama ni Jesus sa langit."

"Susubukan kong buhayin siya."

"Ikaw ba ang seryoso?"

"Oo Israel. Nanghihinayang ako sa nangyari. At dahil walang nakakakita, gagawa ako ng himala. Sana lang ay tulungan mo ako. Sana ay maniwala kang kayang buhayin ng Diyos si Pedro. Isang daang porsyento na maniwala kang mabubuhay siya."

Ngumiti si Israel. "Sige, wala namang mawawala kuny susubukan natin."

Inangat ko ang kamay ko.

Sinimulan kong magdasal. "Ama ko. Naniniwala akong totoo ka. Gusto kong tuparin mo ang kahilingan namin. Buhayin mo si Pedro. Naniniwala akong gagawin mo yun Ama ko. Gaya ng paggabay mo sakin kahit wala akong ina. Ikaw ang Diyos ng lahat. Ikaw ang lumalang samin kaya alam namin na kaya Mo siyang pabalikin dito sa lupa. Buo ang paniniwala kong tutuparin Mo ang hiling ko dahil alam kong naririnig Mo kami. Pinapangako kong babaguhin namin ang lugar na ito upang mailigtas sa kapahamakan. Panginoon naming lahat. Buhayin mo si Pedro. Naniniwala kami na gagawin mo ito." Hinawakan ko ang kamay ni Pedro. Bugbog ang katawan niya at kumpleto. Ito ang unang pagsubok na gagawin ko dahil bata pa ako ay marami na akong panaginip na nakakausap ko ang Diyos. Isa sa dahilan kaya nabuo ang Diyos sa puso ko kahit wala akong tagapag sabi ng tungkol sa kaniya.

Natapos kong isulat ang kabanata ay bumangon ako. Gusto kong makita si Saul. Naghilamos ako at naghanda. Pero lalabas palang ako ng kwarto ay sinalubong na ako ni daddy. Ngumiti ako.

"Dad!"

"Mabuti at gising ka na."

Ito na ang pagkakataon na sabihin ko sa kaniya ang nasaloob ko.

"Dad ang aga mo."

"May sasabihin ako sayo."

"Same here dad. I also have to say this."

Pumasok kami sa kwarto.

"Ano ba ang sasabihin mo?" Hinawakan ko ang kamay ni daddy para hindi siya gaanong mabigla. "Pero bago yan," May kinuha siya sa bulsa niya. Isang papel. "Pinabibigay ni Saul." Kinabahan ako. Bakit papel? Isa ba tong liham?

Binuklat ko. Nabasa ko ang pamamaalam ni Saul. Nabigla ako. Umalis na siya? Paraa saan pa ang sasabihin ko kay daddy? Mabigla ako. tumingin sa ibaba na gulat na gulat. Hindi ako makapaniwala. Bakit hindi siya nagpaalam sakin ng personal? Bakit? Gusto nang lumabas ng luha ko.

"Are you okay?" tanong ni dad.

"Dad."

"Bakit?"

"Kasi.."

"Ano ba yung sasabihin mo?"

Hindi ko masabin dahil para kay Saul ang sasabihin ko. Paano ko ba aaminin ito kung wala na siya.

"Wa-wala bang sinabi na kahit ano? Kung babalik siya o hindi?"

"Basta matapos niyang magpaalam ilang araw ang nakakaraan, ayaw niyang ipasabi sayo. Ano ba ang pinag awayan niyo?"

"Wala ba siyang naikwekwento dad?"

"Meron. He just said, wala naman daw problema. Umamin ka nga."

Tinignan ko ang sulat. Nakalagay dito na makakagulo lang siya sa buhay ko. Ang buhay ko ay hindi story sa book na kailangang unahin ang damdamin kesa sa ano pang gampanin sa buhay.

"Dad, gusto ko sanang..."

Hinaplos niya ang buhok ko.

"Anak, may gusto ka bang sabihin? Nalungkot ka ba sa pag alis ni Saul ng walang paalam?"

"Hindi dad."

"Gusto ko sanang, si Saul na ang makatuluyan mo kung ako ang papapiliin. Pero hindi kasi ako o ikaw ang dapat pumili ng mapapang asawa mo. Ang mundo na kinatatayuan mo ang pipili niyan dahil hindi pwedeng gawing fairytale ang reality. Umiwas na si Saul sayo anak. Nararamdaman niya kasing isa sa inyo ang masasaktan."

Niyakap ako ni daddy. Ramdam niya ba ang lungkot ko? Naramdaman kong lumuluha na ako. Ganito pala ang pakiramdam pag nawala si Saul. Kung alam ko lang na ganito, sana sinamantala ko na ang pagkakataon na na andiyan siya. Hinalikan niya ako noon. Akala ko, lalampas pa doon ang mangyayari ayon sa pinadama niya. Kaya niya pala ako dinala sa paborito niyang lugar ay dahil huli na pala naming pagkakasama iyon. Kung alam ko lang talaga na ganun ang mangyayari'y hindi ko na siya pinakawalan pa. Ngayon, ano na ang sasabihin ko? Paano ko masasabi kay daddy na si Saul ang gusto ko? Paano ako magmamahal kung si Saul ang hinahanap hanap ko?

"Dad, gusto kong pabalikin mo si Saul dahil hindi lahat sa totoong buhay ay kailangang sundin. Kahit ano pa ang sabihin ng mga tao, wala na akong pakialam. Mahal ko si Saul."

Napatingin si daddy pero hindi naman siya nagulat. Inaasahan na niya yata ang sasabihin ko.

"Pero hindi na pwede pa Anyway. Dahil mag aasawa na siya sa probinsya. Matagal na siyang hinihintay ng mapapang asawa niya. Tradisyon sa kanila ang ipakasal sa hustong edad. Hindi siya ang para sayo."

MagdalenaWhere stories live. Discover now