12 - A very painful fact

Start from the beginning
                                    

Habang naglalakad kami sa park, di kalayuan sa bahay namin ay nakaramdam ako ng ibayong kaba. Pakiramdam ko kasi ay parang bibitayin ako sa mga oras na yun.

Nakarating na kami sa park ng subdivision namin. Pinili naming umupo sa may bench kung saan mayroong malapit na poste.

Tahimik. Nakakabinging katahimikan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang lakas ng pagkabog ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

Laking gulat ko ng bigla na lang akong niyakap ni Trina. Isang yakap na walang halong ka-plastikan. Parang sa isang iglap, hindi na sya yung Trina na masama ang pag-uugali, parang unti-unti syang lumambot sa hindi ko malamang dahilan. Ngunit mas kinagulat ko pa noong maramdaman ko na lang ang pag-tulo ng kanyang luha sa aking balikat. Narinig ko rin ang pag-hikbi nya. Mas lalo tuloy akong kinabahan. “Patawarin mo ako Colby..” Sabi nya habang umiiyak sabay hawak sa mga kamay ko. Kinabahan ako lalo, parang anytime mahihimatay ako sa sobrang kaba.

“B-bakit ka humihingi ng tawad?!” Pagtatanong ko sa kanya.

“Sa lahat, lahat Colby. Patawad sa mga nagawa ko sayong paninira dati. Masyado akong na-inlove sa boyfriend mo. Masyado akong na-obsessed dahilan upang masaktan kita at magkaruon kayo ng mga alitan. Aaminin ko, lahat ng yun ay sinadya ko dahil hindi pa mulat ang isip ko noon. Masyado akong nagpabulag sa nararamdaman ko kay Xander. Colby, patawarin mo ko..” Sabi nya habang umiiyak. Napakalakas ng pagiyak nya dahilan upang makaramdam ako ng awa. Kung yun lang ang problema, wala na sa akin yun. Madali lang naman sa akin ang magpawad dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman nagwagi si Trina noon na ma-agaw ang boyfriend ko. Pero.. “Patawarin mo ko Colby, dahil sa ngayon, hindi ko alam kung maari pa ba kayong magmahalan..” Dagdag nya. Napatulala ako sa sinabi ni Trina.

“A-anong ibig m-mong s-sabihin?” Na-uutal kong tanong sa kanya.

“Colby, buntis ako at..” Umiiyak nyang sabi. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sana hindi.. sana mali ang iniisip ko.. “si Xander ang ama..”

Pakiramdam ko ay nagsi-pigtalan ang mga litid ko sa buong katawan sa narinig. Para akong binagsakan ang isang malaking bulldozer sa sinabi ni Trina. A-ano daw? Tama ba ang narinig ko? Buntis siya?! At si bes ang ama?!

“Anong sabi mo?” Pagtatanong ko sa kanya. Hindi ko namalayang may tumutulo na palang luha sa aking mga mata. Hindi sya kumibo. Umiiyak lang sya at tila hiyang hiya sa sinabi nya. “ANONG SINABI MO?!!! ULITIN MO NGA TRINA??!”

“Colby, humanahon ka..” Pag-awat sa akin ni Trina. Marahil ay natakot sya sa inasta ko. “Umupo ka Colby, ipapaliwanag ko. Huminahon ka please?” Sabi nya. Umiiyak sya at ganun din ako. Magkahalong kaba at galit ang nararamdaman ko ngayon.

“Colby, noong mga oras na problemado kayo ni Xander may nangyari sa aming dalawa. Tatlong araw bago ang play namin noon nang nalasing sya sa bahay ng classmate namin. Doon ko pinilit na may mangyari sa amin at may nangyari nga.” Pagsisiwalat ni Trina. Parang natulala ako sa mga nalaman. Parang sa isang iglap, nag-blackout ako. Walang luhang tumutulo sa labas ngunit sa palagay ko ay wala namang patid ang pag-iyak ng puso ko. Parang tinatangalan ako ng puso at kaluluwa sa mga sinisiwalat nya. Masakit. Sobrang sakit. “Akala ko, nakapag-take ako ng pills ng gabing yun. Hindi ko namalayan dahil lasing na din ako Colby. Masaya akong umuwi sa bahay noon sa pagaakalang may nangyari nga sa amin ngunit alam ko sa sarili kong hindi ako mabubutis sapagkat akala ko ay uminom ako ng pills. Ngunit noong hagilapin ko ang gamit ko, walang bawas ang pills ko. At doon na akong simulang nangamba na baka may mabuo ngang bata sa sinapupunan ko. Lumipas ang dalawang linggo ngunit walang kahit akong senyales sa akin ng pagdadalang tao, kaya naman nagpakapanatag ako. Akala ko Colby, walang ma-bubuo dahil ang tagal ko bago dinatnan ng mga senyales, hanggang sa mag-delay ang buwanang dalaw ko at magsimula na akong maduwal. Colby, unang-una sa lahat ay ayoko mabuntis, alam ng daddy ko maganda ang records ko since high school kaya isang malaking pag-sisisi ang nagawa ko.” Pagsisiwalat pa ni Trina, para akong dahan-dahang pinupunit sa mga naririnig ko. Shit! Bakit Xander? Bakit mo ginawa sa akin to?! “Colby, noong isang linggo ko lang nalaman na dalawang buwan na akong nagdadalang tao, ayaw ko na sanang ituloy ang pagbubuntis at ipapalaglag ko na lang sana ang bata ngunit nakita ni daddy ang Pregnancy test ko sa kwarto ko. Dahilan upang malaman nya ang lahat at..” Lumakas pa lalo ang pag-iyak nya. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Ngunit ang puso’t isip ko ay kanina pa nabubugbog at nasasaktan sa bawat salita na binibigkas nya. “Gusto ni daddy na pakasalan ko daw si Xander. Ayaw ni daddy na lumaki ang magiging apo nya na walang kinikilalang ama, kaya sa ayaw at sa gusto ko daw papakasalan ko daw si Xander..”

My Second Attempt To LoveWhere stories live. Discover now