Chapter seven

46 2 0
                                    

Chapter 7- Totoo???

Camille's POV

*Kringgggggg!!!*

Bumangon na ako sa kama at nag-ayos ng sarili. Nakalimutan kong nasa ibang bahay na ako nakatira kasama ang lalaking yun - _ -

Sana hindi pa siya gising ayoko kasi siyang makasabay. Ah! Alam ko na tatakas nalang ako at sa labas nalang mag-aalmusal! Tama! Hahaha! Galing ko talaga.
^________ ^

Naiinis talaga ako sa presensya ng mayabang nayun! Kahanginan lang ata alam eh.

Dahan- dahan at palinga linga akong bumaba ng hagdan. Check! Okay walang tao sa left √

Sa right tingin. Check√ hahaha! Okay to. Sw--

"Anong ginagawa mo? Para kang tanga dyan."

O _________ O

Paktay! Nasa likod to ah! At hindi ako nagkakamali si Jay to. Malas naman o!

Dahan dahan akong lumingon. Poker face ang drama niya. Pilit akong ngumiti.

"H-he he he.... syempre bababa pupuntang kusina at kakain ng breakfast."

Hindi niya ako pinansin bagkus dinaanan lang ako? Anong meron sa lalaking yun? Napakacold ng aura at attitude niya? Well,mas mabuti ng ganyan siya. Pero teka, bat ko ba iniisip ang lalaking yun?

Nagtuloy nalang ako sa kusina at kumain narin ng breakfast. Hindi kami nagpapansinan. Nakakailang para sakin kahit wala naman dapat.

Bigla siyang tumayo at naglakad patungo sa pinto. Saan naman pupunta yun?

" Hey! Where are you going AJ?" Tanong ko sakanya.

"Stop calling me AJ. Mind your own business." Cold at walang buhay niyang sabi at nagtuloy sa paglalakad.

Aba't!

" Hoy lalaki! Ang bastos mo ah!" Sabi ko na nagpahinto sa kanya.

"Wala kang pake." Sabi niya at umalis na ng tuluyan.

What the heck was that?!

Bastos niya ah! Bakit bigla nalang yun naging cold sakin? Hindi ko siya maintindihan. Mukhang pansan niya ang problema mg mundo, may problema siguro? Tch. Ano namang pake ko?

Tinapos ko lang ang pagkain ko at pumunta sa sofa. Ano bang magagawa ko d2? Tatanga lang? Bored na ako 😑😑😑

~~~~~~~~~~~~~~

Jay ashton's POV

Dumiretso lang ako sa sasakyan ko. Ngayon alam ko na. Kaya pala...

Galit lang ang nararamdaman ko para sa babaeng yun. Akala ko siya na ang makakatulong sakin yun pala hindi.

Napasuntok ako sa manibela. Bakit ganun???

Nagmahal lang naman ako??

*FLASHBACK*

Sarap asarin ni Jaine, natutuwa ako sakanya. Ewan ko pero sa tingin ko matutulungan niya talaga ako sa evil plan na ito.

*Smirks*

HAHAHA!

Nasan na ba yung libro na yun??

Yes! Nakita din kita.

Kinuha ko ang libro at binuklat ito. May isang papel na nalaglag sa sahig? Ano naman to?

Yumuko ako at kinuha yun. Sulat??

Binuksan ko to.

Dear AJ

Sorry Aj. Sorry talaga. Sana mapatawad mo pa ako sa lahat ng sakit na binigay ko sayo. Wala akong choice kundi saktan ka.

Nalaman ko sa mga magulang mo na ieengage ka na, nanghina ako at sinabing hindi ako papayag dahil mahal kita pero sinabi nilang kasunduan na iyon. Hindi ako nakinig sakanila at ang tanging alam ko lang is I will fight for you whatever happens. I'm willing to destroy that agreement for us to be happy....

But, you're soon to be fiancee knew about our relationship. Sinabi niyang iwan na kita dahil magpapakasal na daw kayo at sagabal lang ako sa plano niyang mapasayo siya. Inutusan niya akong makipagrelasyon sa bestfriend mong si Jiro, syempre ayoko dahil masasaktan kita. Pero tinakot niya ako at sinabing sasaktan daw nila ako.

Kahit ayoko, ginawa ko parin.

Ang sakit lang...

Please forgive me Aj

Your Love,
Monique.

Ano to?

Si Jaine magagawa ang bagay na to?? Hindi pwede to!

Nahampas ko ang table ko. Fuck! Nagagalit ako! Tang*na!

All this time nagalit ako kay Monique pero may dahilan siya at kasalanan ito ng hayop na babaeng yun! Hindi ko siya mapapatawad! Anong karapatan niya?

*FLASHBACK END*

Napaniwala ako ng babaeng yun sa arte niya! Kunyari pa siyang ayaw niya sakin, siguro ayaw niyang mabisto ko siya.

Tinawagan ko si Monique pero walang sumasagot, deactivate na ang number niya.

Tinawagan ko sila Stephen at Rainier at sinabing magkita kami sa bar.

***

"Oh pare! Anong nakain mo at nagyaya ka?" Tanong ni Stephen habang may kaakbay na babae sa kaliwa't kanan.

"Ikuha mo nga ako ng babae." Utos ko sa kaniya. Halatang gulat siya dahil ayaw ko ng ganun, hindi ko binaling ang atensyon ko sa mga babae kahit pa nag break na kami ng mahal ko, Monique.

"Okay!!" Sabi niya sakin.

May lumapit saking dalawang babae at naupo sa tabi ko. Maganda sila and Sexy.

"Hello Mr. Handsome" sabi nung isang babae at hinalikan ako sa pisngi at inilakbay ang kamay papunta sa dibdib ko. Ginaya rin siya ng isa pang babae.

"May sasabihin nga pala ako sainyo" sabi ko, napatingin sila sakin.

"I'm already engaged" sabi ko sa kanila.

O ____________ O -> Sila yan..

"Seriously Dre!?!" Sabay nilang tanong sakin.

"Yeah" sabi ko.

" Si monique, blinackmail siya nang babaeng yun! Kaya niya nagawang saktan ako! Kung hindi lang din naman kami magkakabalikan ni Monique, well... gagawin kong miserable ang buhay niya kasama ako" sabi ko habang nagtitimpi nang galit.

"Kahit sa anong klaseng paraan. Gagawin ko to."at tuluyan na akong nag walk out sa bar nayun.

Nakakagalit. Kung hindi lang siya babae. Hindi niya alam ang pinagdaanan ko nang mawala ang taong mahal ko...

Ipapadanas ko sakanya ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay.

******************

Totoo ba yung parating ni monique kay camille??

Anong binabalak ni Jay??

ABANGAN..






Arrange Marriage With The Bad BoyWhere stories live. Discover now