Chapter five

47 2 0
                                    

Chapter 5 - Meet the Fiancee

Camille's POV

Oh ngayon, alam niyo na? Ginagawa ko lang to para sa family ko. Syempre may pangarap din ako sa future, Tulad ng Magpakasal sa taong mahal ko at syempre mahal din ako, bumuo ng sariling pamilya. Yun bang pupunuin naminng pagmamahal yung magiging anak namin.

Eh ngayon? Magpapakasal lang naman ako sa isang taong never ko pang na-meet. Ni hindi ko nga alam ang pangalan at hitsura niya eh. Pero ang pinagdadasal ko lang is Sana, sana talaga magkasundo kami.

Bumabyahe parin kami ni mama, si papa kasi nadun na same sa tito Dan at tita Ash. Hindi ko pa nasasabi kay Jaeyah at Leena, nahihiya kasi ako eh.

"Ahm, Ma malayo pa po ba tayo?" Tanong ko. Sumasakit na kasi ang pwet ko eh. Kainis. Baka naman yung lalaking yun ang pumili ng lugar, aba ang layo ah!

"Eto namang si baby girl masyadong excited, wag kang mag-alala makikita mo rin siya." Shet. Anong connect ng tanong ko sa sagot niya? Nang-aasar pa si mama.

"Ma, ano po connect?" Pagsusungit ko kay mama. Asarin daw ba ako sa lalaking yun?

Ewan ko pero naiinis ako. Pag naalala ko yung mga sinabi ni mamsie, naiirita ako.

"Edi iconnect mo, sakin mo pa ata ipacoconnect, tamad naman neto." Sabi ni mama habang natatawa pa. Kainis.

Tumahimik nalang ako. Sa wakas nakarating na din. Ang sakit ng pwet ko 😒😒😒.

Bumaba na kami ni mama at tumungo sa loob. Amg laki naman netong hotel na to. Halatang pangmayayaman lang, well mayaman naman kami eh. Aish! Back na nga.

Kinakabahan ako. Makikita ko na kasi siya. Ano kayang itsura niya?

Papalapit na kami. Teka? Bakit wala naman ata? Eh nandun lang si tito and tita pati narin si papa, nandun yung mga grandparents namin nung lalaki.

"Oh, nadyan na pala kayo?" Sabi ni papa. Obvious naman eh.

"Good evening po." Magalang kong bati sakanila. Ngumiti sila at sinabing umupo kami. Umupo naman kami.

"Hija, nagcr lang kasi ang apo ko eh. Wait lang ah" sabi ni lola, lola ni Mr.guy.

"Opo" sabi ko at tumingin tingin sa paligid. Uy! Uunahan ko na kayo. Hindi ko siya hinihintay ah!! Salamat narin at pumayag siya sa marriage na to. Para matupad ko yung wish ni mamsie, siguro naman mabait yung guy, hindi naman siguro nila ako ipagkakatiwala sa hindi mabait diba? Humarap nalang ako sakanila.

"Sorry, natagalan ako." Sabi nung lalaki. Wait? Siya na bayan. Gosh! Ang manly ng boses niya! Halatang gwapo. Ay Camille! Anong connect ng boses sa mukha?

Kinakabahan ako. Bat ganito? Humarap ako. Gosh! Bakit ang gwapo niya? Nakasuot siya ng Americana suit.

"Oh natulala ka na ba sa kagwapuhan ko?" Tanong niya, natauhan ako bigla! Nakakahiya... pula na siguro mukha ko.

"Ano hindi ah!!" Sabi ko. Pasigaw na bulong yun. Nagbubulungan po kami kasi umupo siya sa tabi ko.

Yabang naman neto. Gwapo nga siya, mayabang naman.

Humarap siya sakin at nagwink. Inirapan ko lang siya, akala niya siguro easy to get ako. Pwes nagkakamali siya. Hindi ako nadadala sa mga sweet words at wink na ganyan.

"Mga anak magpakilala na kayo sa isa't isa" nakangiting sabi ni mama.

Tumayo ako.

"Hello po! Ako po si Camille Jaine Vargas" pagpapapakilala ko.

Humarap sakin si Mr. Guy.

"Ako naman si Jay Ashton Delos Santos" sabi niya at nilahad ang kamay.

Ah Jay pala name niya.

Tinignan ko lang yung kamay. Ah!! Tinaggap ko naman. Diniinan nya ung pagkakahawak. Shet! Sakit naman. Hindi ko lang pinapahalata eh. Kainis. Napahiya siguro siya kanina. Pake ko!! *-*

Masyado na atang matagal, ako na ang unang bumitaw. Kainis, namasa ata kamay ko.

"Kumain na muna tayo" sabi ni papsie.

Kumain lang kami ng kumain, minsan nagtatanong sila about sakin minsan din naman tinatanong nila si Jay.

Isusubo ko na dapat ang pagkain ng matigilan ako at nanlaki ang mata sa sinabi ng mga grandparents namin....

"By the way, titira kayo sa isang bahay. Nandun na ang mga gamit nyo. Titira kayo sa rest house na pinundar namin nung mga bata pa kayo." Sabi ng aming mga grandparents...

Nagkatinginan kami ni jay at na pa---

"WHAT?!?!" Sabay naming sabi..

Arrange Marriage With The Bad BoyWhere stories live. Discover now