Chapter one

87 3 0
                                    

Chapter 1 - Bestfriends

Camille's POV

Boring naman dito sa bahay pano ba naman katatapos lang ng graduation namin well bakasyon na. Kaya nandito lang ako sa kwarto ko nag ffb. Makapagstatus na nga lang

(Camille Vargas posted a new status)

Haaayyy Ang boring d2!!😞😞😞

10:23 AM

Biglang may kumatok sa pinto

"Baby girl may bisita ka sa baba. Hinihintay ka" sabi ni Yaya Grace baby girl tawag nya sakin tinuturing ko na syang second mom ko.Sino naman kaya ang bibisita sakin d2.

"Opo Yaya bababa na po ako" sabi ko habang nakangite

"Okay baby girl" sabi nya sabay bumaba na aasikasuhin nya nalang muna kung sino yun. D na ko nagtanong nakakita ko naman pagbaba ko eh.

Makapag-ayos na nga. Nakaligo na ko at bumaba.

"CAMILLE!!!!!!" Omg namiss ko sila

"JAEYAH!!! LEENA!!! Namiss ko kayu!" Sabay yakap sakanila.

"Miss ka narin namin!" Sabay na sabi nila

"Para parin tayong nakalunok ng mega phone sa lakas ng boses natin eh Haha" sabi ni jaeyah

Btw sila ang dalawa kong bestfriends si Jaeyah at Leena. Si Jaeyah Lee Park ay happy- go- lucky at may pagkabaliw kaya nga lng pagnagalit aba magtago ka na! At syempre maganda Hahahaha. Si Leena Hael Cruz naman mataray at happy go lucky rin naman sya at syempre maganda.

"Oy! Mga Bes upo muna. Baka mamatay kayo ng nakatayo nyan ah!" Sabi ko habang natatawa tawa pa. Pano banaman yung mukha nila parang Ewan lng

Nang makabawi sila "OA mo naman Cam! Buset to"
Sabi ni leena. Pano banaman may pagkaslow to.

"HAHAHA" tawa naman namin ni Jaeyah

"Hoy tumigil na nga kayo! Hoy Cam nagpunta punta ako d2 tapos aasarin mo lng ako. Kaines" sabi ni leena. Ayan na nagsisimula nang magtampo to. Ganyan kasi yan. Palaban pero matampuhin.

"Oh sige na sorry upo na kau" sabi ko

Umupo naman sila. Sandaling katahimikan ang nangibabaw aba himala ata to ah. Pag kasi nauusap usap kami walang tigil mga bibig namin.

"Yaya Grace pakuha nga po ng pakuha nga po ng pagkain" sabi ko Kay Yaya

"Oo sige iwan ko muna kayo mga Hija" paalam ni Yaya samin

Maya maya lng nagkatinginan sila yung para bang nag uusap gamit yung mata pagkatapos tumingin sila sakin.

"Oh bakit ganyan kau makatingin? Sobra na ba ang Ganda ko? Baka mamaya natotomboy na kayo sa beauty ko ay naku--" hinde ko na natapos sasabihin ko pano ba naman binatukan nila ako.

"Hoy babae feeler to! Namiss ka lng naman namin" sabi ni jaeyah

Biglang dumating si Yaya na may dalang 3 slice ng cake at Apple juice.

"Thanks po Yaya" sabay na sabi naming tatlo

"Tara movie marathon tayo sa kwarto mo Cam" Yaya nila sakin.

"Geh" sabi ko at tumakbo na sila papuntang kwarto ko. Masyadong feel at home tong mga to dinaig pa yung taong nakatira.

Nakita kong sinalang na nila yung movie na papanoorin namin. Yung movie ni Liza Soberano at Enrique Gil. Yun ata yung Everyday I love you. Nakakakilig yan eh bwisit nga lng yang Tristan nayan. Ewan ko ba sa mga to napanood na namin dati yan gusto nanaman panoorin hanep talaga.

"Oh ayan ok na mapapanood ko nanaman to!" Sabi ni Jaeyah mahilig sa love story yan eh.

"Ako rin hehe" sabi naman ni leena. Mysteryoso talaga ng babaeng to usually pag mataray ayaw mo sa mga love story.

" Oy wala pang snacks kuha lng ako ah" hinde ko na hinintay pa ang sagot nila at dumeretso na sa kusina.

Nang nakabalik na ko nakita ko silang inip na inip na. Hay nako pustahan sisigawan ako nyan.

"Hoy bat ang tagal mo?! Kanina pa kami nakatunganga d2 eh!!" Sigaw ni leena sakin. Kitams? Hahaha. Sanay nako dyan.

"Oo nga kahit kailan talaga to! Bagal mo!" Tignan mo to ginatungan pa ganyan sila nagkakasundo eh ang sigawan ako. Hanep tong mga Bes ko.

"Oo na Tara nuod na tayo" sabi ko nalang. Pag pinatulan ko to baka maungusan pa namin sa pag aaway ang nagdedebate.

Gaya ng sinabe ko nanuod kami. Dyos ko po halos mabugbog na ko kakahampas nung dalawa pag kinikilig.hinde naman kase ako ganyan kiligin tili lng yun.

Hayy salamat natapos na ang karate ay este movie marathon pala muntik na ko madala sa ospital eh kung kiligin kasi parang kinakatay na Ewan.

"Uy Cam uwe na kami ni leena 6:00 na eh " sabi sakin ni Jaeyah

"Oo nga Cam uwe na kami baka mapagalitan ako eh kainis kasi mag cocollege na nga tau tinuturing parin tayong baby tss" HAHA tama sya

"Osige na Ingat kayo Labyu mga Bes" sabi ko tapos yinakap sila

"Labyu too" sabay nilang sabi tapos umuwe na

Pumasok na ko sa bahay hinatid ko kasi sila sa gate. Nakasalubong ko pa nga si Yaya Grace eh.

"baby girl sabi ng mama mo may pupuntang bisita bukas maghanda ka daw. Saka maguusap daw kau bukas" sabi ni Yaya

"Ok po Yaya. Magpahinga muna kayo. Wag nyo pong pagurin ang sarili nyo" sabi ko tapos nagpaalam na tumango naman sya senyales na pwede na akong umalis.

Ano kaya yung pag-uusapan namin ni mama. Si papa kasi busy sa company namin eh. At sino naman yung mga bisita bukas hinde ko alam pero Nararamdaman ako ng kaba.

Tinawag na ako ni Yaya para kumain. Kasalukuyan akong pababa ng hagdan ng biglang nag ring ang phone ko..

Mama Calling .....

Sinagot ko ang tawag

"Hello po mama"sabi ko sa kabilang linya.

["Anak hindi kami makakauwi ngayon ng papa mo dahil may inaasikaso pa eh. Nabanggit na ba ni Yaya sayo?"] Mahabang litanya ni mama.

"Opo sino nga po pala yung dadating na bisita Ma?" Saglit na natigilan si mama na siyang ikinabahala ko. Naramdaman niya atang naghihintay ako sa sagot nya kaya natauhan sya.

["Yun ba anak? Bukas malalaman mo din, sa ngayon kumain ka na at pagkatapos matulog na ha? Nakakabawas ng kagandahan ang palaging nagpupuyat."] Sabi ni mama habang natatawa. Ay nako! Ganda ko talaga, ay ano konek? Edi ikonek mo Camille! Tanga lng?

"Sige po mama. Ingat po" at narinig kong binaba nya na ang telepono.

Pagkatapos kumain nagpahinga saglit

Ano kayang mangyayare bukas? Aish Makatulog na nga lng.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello po! Sorry po sa typos and wrong grammars! HAHAHA! first story ko po kasi. Vote and comment po.

Arrange Marriage With The Bad BoyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz