Chapter Twenty Two: She's Mine

Start from the beginning
                                    

                Nanlaki ang mga mata ko. "N-nag-i love you ako sa kanya? Hindi nga? Wala namang lokohan."

                "Do you want me to rephase what you said last night?" Hamon ni Mark.

                "If I tell you I love you, you'll think I'm lying. But I'd rather tell you I love you blah, blah..." Iyon na naman ang mapang-asar na tawa ni Tyron. "Ayos sa banat. Kunwari ka pa na hindi mo gusto si Trisha pero deep inside in love ka na pala sa kanya."

                Nakuha ang atensyon naming lahat nang biglang mag-ring ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Pangalan ni Pate ang nag-register sa screen. Awtomatikong napatingin ako sa kanila.

                "Hala! Lagot ka, Jared!" Pananakot ni Tyron.

                Ngunit imbes na sagutin iyon ay mabilis kong ini-off ang phone. Kung totoo man na sinabi ko iyon kay Pate, lagot nga ako sa kanya. Naman!

 

TRISHA

                Tama bang patayan ako ng cellphone!

                "Sino ba 'yan tinatawagan mo at kanina ka pa hindi mapakali ?" Hindi nakatiis na tanong ni Nanay Ising habang hinahanda niya ang almusal ko.

                Ngunit tila wala akong narinig na muling dinayal ang number ni Jared. Pero naka-off na talaga ang phone niya. "Buwisit ka! Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sayo. Tapos ayaw mo akong kausapin ngayon!" Naiinis na basta ko na lang hinagis ang cellphone sa ibabaw ng mesa.

                "Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Kumain ka na muna baka sakaling humupa ang topak mo," inilapit niya sa harapan ko ang paborito kong hotdog pero hindi nakatulong iyon para ganahan akong mag-almusal. "Si Jared ba ang dahilan?"

                "Hindi po!"

                "Nagkaila ka pa. Siya lang naman ang tumawag sayo kagabi. Umamin ka sa akin, Pate. Ano ba ang sinabi niya sa'yo at nagkakaganyan ka?"

                Hindi ako kumibo. Siguradong tutuksuhin niya lang ako kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. At isa pa gusto ko munang kumpirmahin kung nasa matinong pag-iisip ang lalaking iyon nang magtapat siya sa akin kagabi.

                "O siya, kung ayaw mong sabihin hindi kita pipilitin." Sa wakas ay tinigilan din ako ni Nanay Ising at lumabas na siya ng dinning room.

                Napatitig ako sa cellphone. Ganon na lamang ang pagpipigil ko na damputin iyon. "Kung ayaw mo akong kausapin, bahala ka! Basta huwag ka nang magpapakita pa sa akin kahit kailan!" Patuloy kong pagsisintir.

                Pabalik na ako sa kuwarto ko nang bigla na lang akong hilahin ni Ate Pamela sa loob ng silid niya.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Where stories live. Discover now