Kabanata 3

47 3 4
                                    

Kabanata 3
Lost

"Hyung." una at huling salitang narinig ko sa telepono bago mawalan ng koneksyon.

Bakit biglang tumawag si Jungkook?

Tinawagan ko agad si Seokjin para tanungin kung kasama niya si Jungkook.

"Oh, Wonwoo, napatawag ka?" sagot ni Seokjin hyung.

"Kumusta hyung, may tanong lang ako, bigla kasi akong tinawagan ni Jungkook.." paninimula ko.

Kinakabahan ako para sa kapatid ko.
Oo magkapatid kami ni Jungkook. Parehas kami ng tatay pero magkaiba kami ng ina.

Siya ang legal na anak samantalang ako... Isang anak sa labas. Hindi sinasadyang mabuo pero ayon nabuhay ako sa mundong ito.

"Bakit? Anong sabi sayo?" rinig sa boses ni Seokjin ang pag-aalala.

"Tumawag siya pero agad namang binaba.. nasan ba siya ngayon?" tanong ko.

Kahit na magkaiba kami ng ina, tinuturing pa rin namin ang isa't isa na parang magkapatid na buo.

Kailan man hindi niya sakin pinamukha na anak ako sa labas.

"Ang alam ko magkasama sila ni...Shannen kanina." mahinang sabi ni Seokjin hyung.

Kaya pala!

"Sige salamat hyung." binaba ko na ang tawag at agad dinial number ni Jungkook.

The number you dial is not in service..

Shit. Ano nanaman kaya pinasok ng lokong to.

Ilang tawag pa pero wala talagang sumasagot.

Tinignan ko ang oras at nakitang mag aalas onse y medya na ng gabi.

Shit. Jungkook.

•••

Shannen's POV

After kong makipagusap kay Jungkook umuwi ako ng maga ang mata sinalubong ako ng mga nagaalalang mata ni Irene.

"Anong nangyari sayo?!" tanong niya agad niya akong nilapitan.

"Nakita ko siya.." sagot ko at agad lumabas ang mga luhang nagbabadya.

Naramdaman ko naman agad ang pagyakap sakin ni ate.

"Nagusap kayo?" tanong niya habang hinahagod ang likod ko. Tumango ako at humikbi.

"Nagusap kami..." inalis ko ang pagkakayakap sakanya para punasan ang mga luha na ayaw tumigil sa pagtulo.

"Sinabi ko na, Wala na talaga kaming paguusapan pa.." dugtong ko habang humihikbi.

"Ang sakit pa rin pala, ate.." tumingala ako at tumingin sakanya.

Nakita ko ang pagkaawa sa mata niya.

"Gusto ko man magkaayos kayo, mahirap kalabanin ang sakit lalo na kung mahal mo pa siya.." sabi ni Irene.

"Umakyat ka na at maghilamos.. magpahinga ka na din." utos niya at tumango naman ako.

Umakyat na nga ako sa aking kwarto at naupo sa may kama.

Kailan ba mawawala tong sakit?

Nagbuntong hininga ako at saka tumayo para makapaghilamos.

Pagkapasok ko sa banyo ay nakita ko agad ang repleksyon ko.

Mugto ang mga mata at namumula ang ilong sa kakaiyak.

Naghilamos na nga ako at saka nagbihis ng pantulog. Pagkatapos ko magayos ay nahiga na ako sa kama.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Feb 16, 2017 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Circles • Jungkook FFNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ