Kabanata 1

103 5 18
                                    

Kabanata 1
Reminisce

"Condolence pare." pabirong sabi ng kaibigan kong si Hoseok.

"Gago, anong condolence? namatayan ba ako?" tanong ko.

Nag-iinuman kasi kami ngayon dahil birthday ng kapatid niya.

"Hindi naman pare, mukha ka lang namatayan." sabi niya sabay tawa nagsihalakhakan naman iba pa naming kaibigan.

"Kumusta ka na pala?" tanong ni Seokjin ang pinakamatanda samin.

"Okay naman? Bakit?" parang timang tong mga to nakatitig lahat sakin na para bang may mali sakin.

"Sus, okay na daw. yung totoo Jungkook?" sabi ni Namjoon.

Napayuko ako at napahawak sa batok.

Okay na nga ba talaga ako?

"Apat na buwan na din nakalipas ah." sambit ni Taehyung.

"Nakasalubong ko nga pala si Shannen nung isang araw." dugtong ni Taehyung.

Biglang tumahimik. Bakit ganon tuwing naririnig ko pangalan niya bumibilis nalang bigla pintig ng puso ko.

Napatingin ako kay Taehyung at nakatingin din siya.

"May kasama pala siyang lalaki kaso di ko mamukhaan." ngumit siya ng tipid.

Biglang nanlamig sistema ko.

May iba na siya? Ganon ba kalala ang nagawa ko sakanya?

"Masyadong tahimik, kumusta na nga pala si Yeri pre?" tanong ni Jimin.

Si Yeri... siya ang kasama ko nung gabing iyo.

Ang gabing pinagsisisihan ko.

"Hindi naman kami nagkikita kahit ilang beses niya na akong kinukulit na magkita kami." sagot ko sabay lagok ng beer na hawak hawak ko.

"So ano plano mo?" tanong nila.

Ano nga ba plano ko? Plano ko sa buhay?

"Di ko alam, siguro magpapahinga muna ako." sagot ko at huminga ng malalim.

"Hindi na ba talaga kayo nagkausap ni Shannen simula nung gabing yun?" tanong ni Seokjin at umiling ako.

"Sino pa ba papayag makipagkita kung ganoon madadatnan mo." sambit ni Yoongi tinignan naman siya ni Seokjin ng masama.

Hindi ko naman din masisisi si Shannen kung ayaw na niya akong makita dahil sa ginawa ko.

•••

Nandito nanaman ako sa tapat ng apartment namin.

Akmang hahawakan ko palang ang doorknob ng mapansing hindi ito gaano na kalapat.

Agad bumilis ang pintig ng puso ko.

Hindi kaya nandito siya?

Pumasok ako sa loob at may narinig akong tunog sa may kwarto namin noon...

Lumakad ako papunta roon para tignan kung sino tao.

Nakita ko ang likod ng isang babae sa may cabinet may mga kinukuha itong mga gamit.

"S-Shannen?" mahina kong tawag.

Napalingon naman ang babae.

"Oh, Jungkook ikaw pala." tawag niya.

"I-Irene noona?" hindi ko alam kung bakit ako nadismaya na hindi siya ang nakita ko.

"Ah, sorry nga pala ah kung bigla akong pumunta. Pinakuha lang kasi sakin ng kapatid ko mga gamit niya.." sabi niya at binigyan ako ng tipid na ngiti.

Circles • Jungkook FFWhere stories live. Discover now