"Ok lang ba bessy?" tanong nya sakin. Tumango ako.

"okay. magrere touch muna ko pagkatapos ay pupunta na tayong venue" tumungo sya gilid ng kwarto ko kung saan nakalagay yung salamin. Umupo sya sa bangkuan don at nag simula ng magretouch. Pagkatapos nya ay umalis na rin kami. 

**

Nang makarating kami sa venue ng concert which is sa MOA Arena ay pumila agad kami ni Maine. Grabe alasais palang ngayon at marami nang nakapila. 8 pa naman yung umpisa ng concert. Habang nasa pila kami, si Maine ay papicture ng picture sa mga kapwa nya na fan din ng exo.

"OMG Hi! Sinong bias mo sa kanilang lahat?" tanong ni Maine doon sa kalikod namin sa pila

"Si Lay. ohmy! ang gwapo nya! KYAHHH! excited na ko makita sya mamaya. Hahaha ikaw sino bias mo?" pabalik na tanong nung babae kay Maine

"Si Dyo yung bias ko! Ang gwapo nun sa personal. Nakit--" tinakpan ko na agad ang bibig ni Maine bago nya masabi yung kasunod na salita. Nako 'tong isang to! Muntik na sya madulas. Muntik na nya masabi na nakita na nya ang exo. Baka pag nasabi nya yun ay hindi sya tantanan nung babae.  Tssk tssk 

"Pano mo naman nalaman na ang gwapo nya sa personal? Nakita mo na ba sya in person?" 

"HAHAHA! Oo nakita ko na sya! Sa panaginip ko! Yeah! Sa panaginip ko! Iyon ang ibig kong sabihin kanina. Hehehe. Ang gwapo nya sa panaginip ko." natatawang sabi ni Maine.

"Ahhh. Akala ko naman totoong personal na eh. " tumawa rin yung babae. Hindi na umimik si Maine. Hinintay nalang nya na makapasok kami sa loob. 

After 123456789 years ay nakapasok na rin kami. Hinanap agad namin ni Maine yung uupuan namin. Nang mahanap na namin ay umupo agad ako. Pero si Maine ay nagpa-picture pa sa mga katabi namin. Habang pinagmamasdan ko yung stage kung saan magpeperform ang EXO mamaya ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko mula sa bag ko. Kinuha ko iyon at nakita kong may isang message si Chanyeol para sakin.

" I can see you from here Althea :) " iyan ang nakalagay sa text nya. Nilingon ko ang ulo ko sa may gilid ng stage at nakita ko si Chanyeol doon na nakatingin sakin. Ngumiti sya at kinawayan ako. Walang nakakapansin sakanyang ibang fans dahil ang tuon nila ay nasa ibang fans rin. Ngumiti ako sakanya at nag-type ng reply.

"Hahaha. Sira ka talaga! Bakit ka nandoon? Baka mamaya may makakita sayo." ni-send ko agad pagkatype ko. Ilang sandali ay nag reply na din sya

" Wala yan! O sige Althea! Mamaya nalang ulit.! Kailangan na namin maghanda eh. Bye! Mag-enjoy ka sana! :) " tumingin ako kung nasan sya kanina at nakita ko na wala na sya doon. Kaya nag reply nalang ako sakanya ng simpleng "ok" at inilagay na yung cellphone ko sa bag ko.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon