CHAPTER 1: MISSION?

Start from the beginning
                                    

Pinikit ko ng ilang segundo ang aking mga mata at muli ay dinilat ko na. Napapaisip lang ako tungkol sa panaginip ko. Ramdam ko na may misteryo sa panaginip ko. Ano kayang ibig sabihin ng panaginip kong iyon? May connection kaya iyon sa totoong nangyari sa mga magulang ko?


*FLASHBACK*

8 Years Ago

Tanghaling tapat at dahil wala naman akong ibang magawa ay naglakad-lakad muna ako sa village namin. Maliban kay Manang Ester, wala rin akong ibang kasama sa bahay dahil kahapon pa umalis sila Nanay.

Lakad

Lakad

Lakad

Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Sa bahay nila Windy. Nakita kong bihis na bihis sila at nag-eempake ng mga gamit.

"Windy!!" Tawag ko sa kanya habang kumakaway.

"Oh, Red!" Kumaway rin ito at saka lumapit sa akin.

"Mukhang bihis na bihis ka ah, saan kayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Napayuko naman siya at bumuntong hininga.

"Windy?" Pangungusap ko muli sa kanya at saka siya hinawakan ang kanyang kamay.

"Lilipat na kasi kami ng bahay eh." Malungot nitong sabi.

"T-talaga? P-pero bakit? Iiwan mo na ako? At s-saan kayo lilipat?" Sunud-sunod kong tanong sa kaniya habang tinititigan siya ng mata sa mata.

Umiwas siya ng tingin, "I also do not know Red, basta ang sabi lang ni Daddy kailangan na raw naming lumipat sa as soon as possible. Sorry, hindi ko gustong iwan ka. P-Pero I don't have a choice, kailangan na raw talaga naming umalis."

"Sa anong dahilan? Okay naman kayo rito diba?" Tanong ko muli sa kaniya.

Ewan ko pero naguguluhan ako. Parang bubuhos ang luha ko nang di oras. Bakit kailangan pa nilang umalis? Isa pa, wala rin naman akong nababalitaang hindi maganda tungkol sa kanila. Sa palagay ko ay maayos naman sila rito.

"That's also what I thought, Red. Sorry, pero kailangan na naming umalis." Muli siyang umiwas ng tingin pero halata sa kaniyang mukha ang lungkot. Na gusto niya ring manatili pa pero wala siyang magawa.

"Tito?" Tinignan lang ako ng Daddy ni Windy bago maglakad papuntang kotse nila. Mukhang balisa siya.

"Windy, halika na." Tawag niya kay Windy saka naman pinaandar ang sasakyan nila.

Sa huling pagkakataon ay tinignan naman ako ni Windy at niyakap. "Thank you for everything, My bestie. I hope we could see each other again. Paalam." Sumakay na na siya sa kotse at saka kumaway. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata nito. Hanggang sa palayo na ng palayo ang sasakyan at unti-unti na silang naglalaho sa paningin ko.

Wala akong magawa kundi ang manigas sa kinatatayuan ko ngayon. Nakakabigla. Bakit ganito? Anong dahilan at bakit kailangan niya pang umalis at iwan ako? Minsan na nga lang ako magkaroon ng kaibigan pero iiwan din pala ako. Napaluhod na lang ako sa may kalsada habang umiiyak. Napakaraming tanong. Tanong na gusto kong itanong sa kaniya at patuloy na bumabagabag sa isipan ko. Tanong na kahit siya mismo ay hindi masagot ito. Sobrang hirap. Napakahirap mawalay sayo ang isang kaibigan na tinuring mo nang isang pamilya at minahal mo ng sobra. Ang sakit. Sobrang Sakit.

Breaking Rule No.5 (ALL RIGHTS RESERVED)Where stories live. Discover now